"Namiiiiiiii" napatigil ako sa pagsubo ng kinakain kong sandwich dahil sa pagtili ng kaibigan kong si Andrei
"Nakakarindi ka bakla, ano bang hatid mong balita na naman?" bulyaw ko sa kanya pagkalapit sa akin. "Naaabala mo pagkain ko".
"Si Kino nakikipag away dun sa likod ng building 1." inagaw nito ang hawak kong sandwich
"Dyan ka lang, Bantayan mo gamit ko." Hinila ko si Andrei paupo sa inuupuan ko kanina.
Di ko magawang tumakbo. Naaasar ako kay Kino. Nagpa intay intay pa sa akin. Ang tagal kong nag iintay yun naman pala nakikipag away na.
Nag tiis ako sa sandwich para lang makakain pa ako pag dating niya yun naman pala mas inuna pa makipag basag ulo ng gago.
Nadatnan kong hawak ni Kino sa kuwelyo ang isang lalaki. At may mangilan ngilan na nunuod.
Anak ng....wala man lang umaawat.
"Ayos ng tanghalian mo kino, bugbog..hahaha ayos..ayos...ayos." Tinatapik tapik ko pa ang balikat niya para lang malaman niyang naaasar ako sa kanya. "Sana pala'y sinama mo 'ko para nabusog din ako." Nginitian ko pa siya.
Saglit lang nya ako tiningnan tapos binalik na rin ang tingin sa katunggali. Halatang pikon na si Kino dahil panay ngisi lang ang lalaki at nakakaloko pa ang pagmumukha.
"Par sapakin mo na..pinapatagal mo pa ehhh" Naiinip na ako dito, wala naman atang balak si Kino na saktan itong gagong to.
Di na ako nakapag intay, inalis ko na ang kamay nya sa kuwelyo nung lalaki.
"Kino, tara na!" Hinatak ko pa sya palayo dun sa lalaki. Buti naman at nagpatianod na sya di na ako nahirapang sa pagkaladkad sa kanya.
"Puro ka lang yabang Kino, di mo naman ginagawa, puro ka lang salita." Di pa man kami nakakalayo ay nanggagago na yung gagong lalaking yun.
Agad kong hinawakan sa magkabilang braso si Kino dahil nag amba itong pasugod na. At nang nagpumiglas pa ito ay inilipat ko ang ang aking kamay sa kanyang pisngi. Pinihit ko ang kanyang mukha paharap sa akin. "Hayaan mo na?" Buti naman marunong siyang makinig.
Bago tuluyan kaming makalayo nilingon ko muna yung sira ulong lalaki. Tinaas ko pa sa ere ang kaliwa kong kamay para mapansin niya just to show my middle finger. And I mouthed "fuck you". At tinawan lang ako ng gago, kumaway kaway pa!
Tinapik ko pa sa balikat si Kino para bilisan ang paglalakad. Nauna na siya sa akin maglakad.Sinusundan ko lang siya.
Masyadong maiinit sa pag lalakad dahil tanghaling tapat na hindi ko naramdaman kanina nung papunta pa lang ako dahil siguro sa inis kay Kino.
Kaya humunto ako sa lilim ng puno ng mangga. Dirediretso lang si Kino maglakad, hindi ata napansin na hindi na ako sumusunod sa kanya.
"Hoy parini ka" Tawag ko sa kanya. Itinaas ko pa ang kanan kong kamay at sumenyas na lumapit siya.
Kamot kamot niya ang kanyang ulo habang lumalapit sa akin.
"Ano yun?" Nakaturo pa ako dun sa pinanggalingan namin. Gusto kong malaman kung bakit siya nakipag away. Hindi naman kase palaaway na tao si Kino. Sa aming dalawa siya mas matino at malabong magkaroon ng kaaway.
Natatawa pa siya at di makapaniwala sa tanong ko. "Nami tao yun, hindi ba halata?" Di ko alam kung nang gagago ba to o ano.
"Sige lang Kino, bobohan mo pa" inambahan ko ng suntok na sinalag naman niya."Bakit ka nakikipag away?" paglilinaw ko sa kanya.
YOU ARE READING
Right In Front Of You
RomanceI'm not even hiding, so why can't you see me? I'm just Right In Front of You.
