Chapter 34

61 27 8
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝙷𝙸𝚁𝚃𝚈-𝙵𝙾𝚄𝚁


Nagising ako nang naramdaman kong may umupo sa kama. Si Andrew, Mia, at Sandy. Naupo sila sa kama ko, halatang may gustong sabihin. Hindi ako umimik, dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard,  tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga ibon na tila ba ay nag-uusap.

Grabe na ang sikat ng araw sa labas.



"Summer," maingat na wika ni Mia.





"Iniimbitahan tayo ni Tanya sa kasal nina Finn." Napatingin ako sa kanila, pero hindi ako nagsalita.





Iniwasan ko ang pagtingin mula sa sing-sing na nasa daliri ko na binigay ni Finn sa akin. Pakiramdam ko, mas masakit pa ang pag ngiti ko kahit hindi ako maayos kaysa sa pagtanggap ng balitang 'to. Dahan-dahan kong tinanggal ang sing-sing mula sa aking daliri at ang kwintas na nasa aking leeg.






"Masyado pang fresh, Mia," sabi ni Sandy, sabay tapik sa likod ko. "Pero imbitado ka rin, Summer. Alam kong mahirap, pero baka—"






Umiling ako. "Hindi. Hindi ako dadalo." Tila bang may mabigat na batong bumagsak sa dibdib ko sa pag-amin na iyon.






"Pero, Summer," Andrew chimed in. "Baka ito na ang pagkakataon mo na makapag-move on."






Bago pa man sila makumbinsi ako, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Aaron. "Guys, can I talk to Enya alone?" Humarap siya sa kanila, at isang simpleng tango ang naging sagot nila.




Naiwan kaming dalawa ni Aaron sa kuwarto. Umupo siya sa tabi ko, ramdam kong may something siyang gustong sabihin na mabigat din.







"Enya," bungad niya, sabay hawak sa kamay ko. "Iniimbitahan ka ni Finn sa kasal nila ni Tanya. Alam ko, mahirap ito para sa'yo. Pero dadalo ako, at sana sumama ka rin. Hindi kita pababayaan."






Napatingin ako kay Aaron. His eyes were sincere, filled with a mixture of concern and hope. "Aaron, hindi ko alam kung kaya ko. Ang sakit eh. Pero kung kasama kita... baka mas kakayanin ko."




Tumango siya, giving my hand a reassuring squeeze. "I promise, hindi kita iiwan mag-isa."









DUMATING ANG ARAW NG KASAL. Nasa labas kami ng venue, at ang mga bulaklak na puti ay tila simbolo ng pag-ibig at kapurihan. Nakaakbay si Aaron sa akin, at ramdam ko ang init ng kanyang presensya. Nagsimula kaming pumasok sa loob.


Napuno ng mga bisita ang simbahan, lahat ay masaya at puno ng excitement. Sa bawat hakbang ko, parang tumitibok ng malakas ang puso ko. Napalingon ako kay Aaron, at nginitian niya ako, as assurance na hindi ako nag-iisa.




Nagsimula ang seremonya. Nakita ko si Finn na nakatayo sa harap, matikas at gwapo sa kanyang suit. Si Tanya naman, ang bride, ay tila nagliliwanag sa kanyang puting gown. Masaya silang dalawa, halatang mahal na mahal nila ang isa't isa.




Parang pelikula na umuulit-ulit sa utak ko ang mga alaala namin ni Finn. Ang bawat ngiti, bawat halakhak, at bawat pangarap na sinira ng babaeng naglalakad sa aisle.




Taste of Love (Taste Series #1)Where stories live. Discover now