Chapter 33

69 27 42
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝙷𝙸𝚁𝚃𝚈-𝚃𝙷𝚁𝙴𝙴

Nagising ako mula sa mahimbing na tulog, bumangon at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Ang mga kaibigan ko ay tahimik na natutulog pa rin sa guest room, buti nalang ay nagkasya sila lahat roon.



Tahimik akong nagtungo sa kusina, sinikap na hindi makalikha ng ingay. Ang bawat hakbang ko'y maingat, tila ba naglalakad sa isang sakramento na lugar. Nang makarating ako sa kusina, binuksan ko ang refrigerator at hinanap kung ano man ang pwede kong makain. Naroon ang mga tira-tira mula sa hapunan kagabi—nilagang baka, adobo, at ilang pirasong prutas.




Habang nag-aabot ako ng adobo, narinig kong bumukas ang pinto sa likuran. Mabilis kong ibinaba ang hawak na pinggan at humarap. Ngunit si Mia lang pala, mukhang bagong gising rin. Nakakunot ang noo niya at nagkakamot ng ulo.





"Summer, a-anong oras na ba?" tanong niya, bahagyang nauutal pa dahil sa antok.




"Madaling araw pa lang," sagot ko, binaba ang tono ng boses para hindi magising ang iba. "Gusto mo bang sumabay kumain?"





Tumango siya at ngumiti, ang mga mata'y unti-unting nagkakalinaw. "Oo nga pala, hindi pa tayo nakakapagmidnight snack, 'di ba?"





Ngumiti ako, pinipigilan ang tawa. "Tama ka, teka, initin ko lang ito."




Habang hinihintay namin uminit ang pagkain, umupo si Mia sa mesa at pinapanood ako. Nakita kong nakangiti siya, tila may iniisip na hindi niya mabitawang sabihin.





"Bakit gising ka rin?" tanong ko habang iniaayos ang init ng microwave.



Umiling siya, ang mga mata'y nagbabalik-tanaw. "Hindi ako makatulog. Maraming iniisip, maraming katanungan ang isip ko."







Umupo ako sa tabi niya, hinawakan ang kamay niya nang marahan. "Gusto mo bang pag-usapan natin?"




Saglit siyang tumahimik, at nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. Ngunit makalipas ang ilang sandali, nagsalita rin siya. "Naaalala mo pa ba si Dan Mark?" panimula niya.





Yeah, Dan Mark, ang crush niyang manhid.


Napabuntong-hininga ako. Paano ko ba naman makakalimutan si Dan Mark? Siya ang una niyang minahal, ang una rin na nanakit sa kanya. "Oo, bakit?"



"Bumalik siya. Gusto niya akong makausap."


Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, ang mga mata niyang nagtatago ng takot at pagdududa. Hinaplos ko ang kanyang balikat, sinusubukang bigyan siya ng lakas ng loob. "Anong sabi mo?"



Taste of Love (Taste Series #1)Where stories live. Discover now