Saan nga ba nagsimula?

17 1 0
                                        

Una
Unang beses ng ating pagkikita.
Di pinapansin pero ito'ng simula
Simulang inaasahan ko sa wala
Wala nga ba? O maling hinala?

Hinala
Ito'y aking binabalewala
Balewala ngunit ito na pala
Ang pinakahihintay ko ay ito na
Ang magiging sinta ay aking makikilala.

Kilala
Ika'y gusto kong makilala.
Ako'y napapaisip, baka ikaw na.
Ikaw na nga ba? Magiging tayo ba?
O baka ako lang itong ilusyonada.

Ilusyonada
Sabihin nating ako'y ilusyonada.
Kung mag isip, ay sumusobra.
Madali ring mahulog sa matatamis na salita.
Kaya sakin ay maraming nagsasabi ng "marupok ka".

Sabi
Sa sabi sabi ako'y madaling maniwala.
Mapa tunay o peke, alam ko kung ano ang iyong ginagawa.
Mambobola ka, kaya agaran akong naniwala
Na sa akin ay may pagtingin ka.

Pagtingin
May pag tingin ka nga ba sa akin?
Kung meron, bat ayaw mong sabihin?
Nandito na ako sa puntong, parang mahuhulog rin
Sa tulad mong lakan na di kapansin pansin.

Di kapansin pansin
Ika'y di kapansin pansin
Pero ako'y nahulog ng di akalain.
Kailan ba tayo nagkakilala?
Ah nito lamang Hunyong nakaraan.
Ako'y napamahal nang ma bilis, na medyo dahan dahan.

Dahan dahan.
Dahan dahan lang at baka ako'y magkasala.
Na ikaw rin ay may gusto sa akin.
Iyan ang aking hinala.
Malay natin, sa iba ka pala may pag tingin.

Sigurado
Eto na! Ako'y sigurado na.
Siguradong ika'y gusto ko na.
Pero ako muna sayo'y di aamin.
Ipapahiwatig ko muna ito sa amin.

Pag amin
Sa'yo ay gusto ko nang sabihin.
Tungkol sa aking pagtingin.
Ngunit masamang balita ang umabot sa akin.
May sinisinta ka na pala, lalaki kong minimithi.

Tingin
Ngayon wala nang magagawa
Sa binibining mahal mo, sana'y maging masaya ka.
Ngayon ay napagtanto ko na.
Na tayo, ay di dapat sa isa't isa.

Isang Daang Tula sa Napunding TalaStories to obsess over. Discover now