Ilang minuto pa ang lumipas ay natuyo na sa wakas ang buhok ko.

"Kalerkey iyang hair mo Ma'am! Napaka-kapal! " bakla.

"Makapal. Kasing kapal niyang mukha mo" sabi ko. Nakita ko naman siyang sumimangot.

"Halika na nga Ma'am, aayusan na kita"

Inayusan na nga ako ni beke. Yung hairstyle ko is yung ano. Braided. Tapos nilagyan niya pa nang kung ano ano. Beeds ata oh di kayay flower.

"Oh ayan Ma'am! Dyosa ka na! " puri ni bakla.

"Dyosa naman talaga ko" pagmamayabang ko.

Naramdaman ko namang may pumasok sa kwarto kaya napalingon ako sa likuran ko.

"Ay nako anak! Ang ganda mo! " puri ni Mama.

Ma, i know. Walang hindi maganda sa pamilya natin-except kay Sant. Tukmol kasi yun.

"Si Mama! Nambola pa! " kunwari nahihiya kong sabi.

"Bilib na talaga ako sa iyo Janson! " sabi ni Mama kay bakla.

"Ay nako Tita! Any time! " sabi ni bakla.

Tatanungin ko na sana si Mama kung sino ba talaga iyang si Janson kaso agad akong hinila ni Mama papalabas. Mukhang susuotin ko na ang gown ko ah.

Tinignan ko ulit ang relo ko at shocks! 9:47 a.m. na! Ganoon ba katagal yung pag-aayos sa'kin.

"Dalian na natin anak at malapit nang mag alas dyes! "

Tumango naman ako at agarang pumasok sa kwarto.

--

Andito na ako sa labas nang simbahan. May dalang bulaklak at tinatabunan nang belo ang mukha ko.

Kinabahan kaagad ako nang bumukas na ang pintuan nang sasakyan.

Shit! Pwedeng umatras?

"Halika na anak" nakangiting sabi ni Mama kaya nginitian ko din siya.

Humawak na ako sa balikat ni Mama at Papa at dahan-dahang lumakad papunta sa harapan.

Namangha ako sa decorasyon sa simbahan. Marami ding dumalo. Dumiritso ang tingin ko sa harapan at nakita ko si Elias roon. Ang gwapo niya sa suot niyang tuxedo! Grabeh! Tapos sa tabi naman niya ay si Andrie. Ang gwapo-pangit niya. Promise.

Ng marating na namin ang altar ay sinalubong ako ni Andrie. Kinausap siya ni Papa pero hindi ko na iyon pinansin. Tumingin ako kay Mama at nginitian siya.

Nagsimula na ang seremonya. Nagpalitan nang mga pekeng vows. Sorry po Lord 😣🙏 with matching suot nang singsing. Hanggang sa umabot na sa 'kiss'.

Ang aking first kissss!

Agad na itinaas ni Andrie iyong belo ko at dahan dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit nalang ako. Akala ko makukuha na niya iyong first kiss ko pero sa noo niya lang ako kiniss. Medyo nadismaya ako-shocks!

Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan dahil panigurado, ang pula na nang pisngi ko.

"Now, you're actually mine. And mine alone" bulong niya sa tenga ko.

--

Andito na kami sa reception. Garden ata to nang mga Valmonte. Nakita ko lang sa internet. Nag search kasi ako nung Wednesday.

Malaki. Maganda. Magandang tignan yung mag bulaklak. Marami ding maga paru-paru. Ang ganda talaga!

"Congratulations! " sabi nung Papa ni Andrie.

Ngumiti naman ako sa kanya kahit pilit lang.

Na-upo na kami ni Andrie sa upuan namin. Nagsimula na. Maraming nagbigay nang mensahe sa amin. May nag congrats. Tapos may nag 'stay strong for the both of you'. Medyo nasuka ako.

Tapos kumain na din kami. Tapos sumayaw pa. Inaya din ako ni Andrie. Gusto ko sanang umayaw kaso kailangan eh. Marami pang nangyari at naging masaya naman ako.

Natapos na kami at naka uwi nang siguro mga 4:20 p.m. na. Marami kasing nagpa-picture saming dalawa eh.

"Ah! Kapagod! " sabi ko at napahiga sa couch nang bahay. Namin. Kahit na naka gown pa ako.

"Hey! Stand up there! Get change before you sleep" sabi ni Andrie. Inirapan ko naman siya.

Pumunta na ako sa itaas para magbihis. Simpleng damit lang at short ang isinuot ko.

Gusto ko nang magpahinga pero nagugutom na naman ako. Oo. Gutom na naman ako. Kaya napagpasyahan kong kumain muna.

Pagkababa ko eh andoon si Mama at Papa (akin) pati si Daddy at Mommy (Andrie).

"Oh Pa, napadaan kayo rito? " tanong ko kay Papa.

"Well anak, ibibigay ko sana iyong regalo ko para sa inyong dalawa" sabi ni Papa.

Tinignan ko naman siya with what-is-it-look. Napansin kong parang may gumagalaw sa likod ni Papa kaya lumapit na ako sa kanya at tinignan iyon. Nagulat naman ako.

"Oh M! " sabi ko dahil sa gulat.

"Here. Sa inyo yan" sabi ni Papa at ibinigay sa'kin yung aso.

"Thank you Papa! I've always wanted a dog! " sabi ko habang karga karga iyong aso.

"So anong ipapangalan more sa kanya? "

"Hmm.. " nag-isip ako hanggang nag pop out yung pangalan nang aso sa Dog of Flander "... Patrache! Your name will be Patrache! Hi Patrache! "

"Hija, this is my gift for you" sabi ni Daddy at ibinigay sa'kin ang isang box.

Kinuha ko naman iyon at binuksan. Nagulat din ako. Kinuha ko ang nasa loob nun.

"Ang ganda po nito! " i exclaimed. Isang necklace iyon na may pendant na aso. "Thank you po! " at niyakap ko siya.

"Sige anak, we'll get going na ha? " paalam ni Mama.

"Sige Mama. Take care kayo ni Papa. Kayo rin Daddy, Mommy" sabi ko.

Tumango naman sila. Niyakap ako ni Mama bago sila umalis.

Karga ko parin si Patrache at napagpasyahan kong pumunta na sa kwarto. Narinig ko namang tinawag ako ni Andrie pero hindi ko siya pinakinggan.

Humiga ako sa kama at inilagay si Patrache sa tabi ko. Nakatulog naman ako dahil sa sayang naramdaman ko.





My Casanova BossWhere stories live. Discover now