Chapter 29

71 27 6
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈-𝙽𝙸𝙽𝙴




Pagdating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kusina. And then i found a sticky note na nakadikit sa fridge. Nanliit ang aking mata dahil sa mga salitang nakasulat sa sticky note.





"Hey baby, pack your things. Aalis tayo." Finn's handwriting was sloppy, almost childish, but I knew it was him. My heart sank. I took a deep breath and headed to my room to gather my things.





As I started packing, I couldn't help but feel a mix of emotions, sadness, anger, and determination. I loved Finn, but I knew I needed to leave. I needed to make things right, for both of us.





Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ko ang cellphone. Kinuha ko ang table napkin, kung saan naroon ang number ni Aaron. Nagtipa ako, at agad tinawagan ang numero. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Aaron ang totoong dahilan kung bakit tumawag ako sa kanya. Kailangan ko lang ng matutuluyan, walang ibang dahilan.




"Hello?" Ang boses ni Aaron ay nagdulot ng kakaibang kapanatagan sa aking puso.





"Hi, Aaron," bungad ko, pinipilit kong maging kalmado. "Pwede bang hihingi ako ng isang favor?"




Nakaramdam ako ng kaba sa aking lalamunan, pero kailangan kong ipagsigawan ang aking pangangailangan. "Hindi na kasi ako makakabalik sa bahay namin. Kailangan ko lang ng matutuluyan. Pwede ba akong mag-stay sa bahay mo ng ilang buwan?"





Napansin ko ang tahimik na pag-ulan sa labas habang naghihintay sa kabilang linya. Ang aking pag-asa'y nakasalalay sa kanyang sagot.




Matagal bago siya sumagot. "Summer, oo, puwede ka dito. Huwag kang mag-alala tungkol diyan. Magiging ligtas ka dito."




Napaluha ako sa kasiyahan. "Salamat, Aaron. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan."



"Huwag kang mag-alala tungkol diyan," sabi niya, ang boses ay puno ng pag-aalala. "Gagawin ko ang lahat para sa iyo."


Naramdaman ko ang bigat na bumaba sa aking balikat. May tahanan na ako, kahit papaano. "Talagang maraming salamat, Aaron. Sobrang laki ng tulong mo sa akin."


"Tulungan kita kahit saan, kahit kailan," sabi niya. "Magpahinga ka muna." aniya.


Binaba ko ang telepono, puno ng pasasalamat sa aking dibdib. Ngayon, mayroon na akong matutuluyan, isang lugar na maaari kong tawaging bahay, kahit sandali lang. At sa tulong ni Aaron, alam kong kakayanin ko 'to.






DUMATING AKO SA BAHAY ni Aaron na bitbit ang ilang gamit, nagpapasalamat sa init ng tanggap na pagtanggap ng aking kaibigan. Siya ay naghanda ng hapunan, at sa aming pagkain, napapaligiran kami ng tawanan at kwentuhan. Sa bawat tawa at ngiti, nararamdaman ko ang bigat ng aking pasanin na unti-unting nawawala.




Taste of Love (Taste Series #1)Where stories live. Discover now