Noong unang panahon,sa isla ng SHELLTIA
tahimik na naninirahan ang mga KABIBE.
Ngunit isang araw,nabago ang lahat nang mag-kandawala ang mga damit pan-loob na nakasampay sa kani-kanilang bakuran. Sabado, Dec 28, dakong alas-tres ng hapon ay may Babaeng namataan si aling Mameng na kahinahinala ang galaw, pakandirit itong maglakad na tila ba'y may igit sa short. Ilang sandali pay humaba ang dila nito na ginagawang panungkit sa mga nakasampay na Salunki. Si aling Abibi pala ang kumukuha ng mga nakasampay na Victoria's Secret na salunki ni aling Mameng at Ito rin siguro ang kumukuha ng mga nakasampay ng iba pa nilang Ka isla.
Nakilala nga ito ni aling Mameng at nakompirmang si aling Abibi pala ang babaeng iyon... Kawawang mga katutubong Lumot dahil sa kanila ibinibintang ang kasalanang 'di nila ginagawa.
Ngunit dahil sa ang mga anak ni Aling Mameng at Aling Abibi ay magkatipan,minarapat na lamang ni Aling Mameng na kumprontahin si Aling Abibi at 'wag nang ilabas ang kanyang nadiskubre.
Ngunit sa halip na humingi ng dispensa si aling Abibi at magpakumbaba,ito pa ang s'yang nanggagalaete.
Si Aling Abibi ay Inggetera,lahat ng meron ka,gusto nya'y meron din sya.
Wala itong ibang pinaniniwalaan kundi ang kanyang sarili.
Lumipas ang mga araw unti-unting nanghina si Aling Abibi.
Namumula ang kanyang mata at dila
Tila dinapuan ito ng "Red Tired"
Ang Red Tired,kung saan maraming algae ang dumadagsa paibabaw sa sea surface. ang algae na ito ay tinatawag na pyrodinium bahamense.
Kapag dinapuan ka nito maari kang manghina at makaramdam ng pananakit ng mga Clamnan.
Kung saan-saang Ospital dinala si Aling Abibi ng kanyang asawang si Sanibel subalit normal naman ang lahat mula sa kanyang shell pressure at iba pa nitong mga iksaminasyon.
Sa madaling salita,wala itong sakit..
Kaya nagpasya na lamang si Mang Sanibel na dalhin ito sa albularyong si Tata Kokoy.
"Gamit ang Dahon ng niyog,pinatuyong Flankton,at ensenso"
Sinimulan nang gamutin ni Tata kokoy si aling Abibi
sa pamamagitan ng pagpa-pa usok...
Ang usok ang naging daan upang Sumapi sa katawan ni Tata kokoy Kung sakali mang merong masamang espiritong
Naglaro Kay aling Abibi dahilan upang ito'y Manghina.
Nanginig ang buong katawan ni Tata Kokoy nang sumapi rito ang makapangyarihang anito ng SHELLTIA.
"Ak ak Ik ik ikaw!"wika ng albularyong si Tata kokoy na sinapian ng anito.
Lumiit ang boses ni Tata kokoy na tila boses ng isang pasmado.
Itinuro nito si aling Abibi at nagsalita...
Jajaja jii jejeje ikik Nik at salitang tila salita Ng mga Pepe...
Na na I translate Naman Ng odlum dictionaryo ni Sir Mateo Scalante....at Ito yon..
"Ang iyong isip..pa'y makiiiitiiiiid..............
The end.
CTTO PHOTO'S
©Dagat Payapa
