SANL Chapter 2: Cause

34 0 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Lucia's Hospital*

Kryl's POV

Wala akong maramdaman bukod sa sakit ng ulo. Hindi ako makapagsalita. Madilim ang paligid.

"Bitawan mo siya! Nagmamakaawa na ako, Pablo...", sigaw ng matinis na boses kasabay ang kaniyang paghagulgol.

"Wala ka nang magagawa, Ramona. Tignan mo kung pano mamatay ang anak mo!", demonyong sambit ng lalaki.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at natanaw ang anino ng isang lalaki. Matangkad, malaki katawan, kitang-kita ang demonyong ngisi at may peklat siya sa kilay... May hawak siyang baril at nakatutok sa isang batang lalaking payat at nakatali ang kaniyang mga kamay at paa... habang sinasakal niya ito. Hindi ko maaninag ang mukha nila pero pamilyar... Pamilyar ang boses nila...

"Mas maganda kung mauna ka, Ramona! Nakita mo naman kung paano namatay ang asawa mo, hindi ba?", nakangising sabi ng lalaki sabay tutok sa babae ang baril. Binalibag niya ang batang lalaki at nakita kong nabagok ito...

Dahan-dahan kong tinignan ang batang lalaki... Bakit? Bakit kamukha ko?

"Kryl!!!!!!", sigaw ng babae.

Agad akong napatingin sa babae at nakita ko ang pagluha niya...

Pangalan ko iyon! Kilala niya ko?

"Mama!!!!!!", sigaw ng batang lalaki.

At isang nakakabinging putok ng baril ang narinig ko. Lumingon saakin ang lalaki at kita ko ang tattoo sa kanyang dibdib. Kasabay ang pagputok ng baril...

Napaupo ako bigla habang sapo-sapo ang aking ulo sa sobrang sakit. Habol hininga ako habang ramdam ang pawis na dumadaloy sa aking noo.

"ARGH!!!", sigaw ko sa sobrang sakit. Para akong mababaliw sa sobrang sakit.

Agad akong tinignan ng nurse at chineck ang pulso ko. May pinindot siyang button sa gilid at nakita kong nagsipuntahan ang mga doktor at iba pang nurse. Naaninag kong nagmamadali silang kumuha ng mga equipments at itinaas ng isang doktor ang karayom. Bigla akong nagpanic at bigla nilang hinawakan ang katawan ko.

"Huminahon ka, sir!", sambit ng isang babaeng nurse habang pinipigilan ako sa paggalaw.

"Anong gagawin niyo sa'kin ha?!", sigaw ko at bigla ko na lang naramdaman ang isang matulis na bagay at biglang lumabo ang paningin ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Unknown's POV

Tanaw ko sila sa malayo. Umaapoy, nagkakagulo at may paparating na bumbero at pulis. Napangiti ako ng malawak nang makitang nakataob ang sasakyan ng target ko. Akala siguro nila hindi ko sila babalikan. Nakatingin ako ngayon sa aking phone. May tumatawag...

"Sino 'to?", malalim kong sagot.

"Ganyan ba ang pagbati mo sa'yong amo?", sabi ng linya.

Naramdaman ko ang biglaang pagtaas ng aking balahibo sa katawan kasabay ng paglunok ko ng namumuong laway. Namasa din bigla ang aking mga palad.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : May 23, 2020 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Sana Ako Na LangOù les histoires vivent. Découvrez maintenant