Chapter 26

63 26 17
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈-𝚂𝙸𝚇



Naalimpungatan ako nang naramdaman ko ang malakas na pagkabagsak ko sa sahig. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Medyo madilim dito sa kwarto, tanging ang mahinang ilaw mula sa lampshade ang nagbibigay ng munting ilaw sa kabuuan ng kwarto ko. Dahan-dahan akong tumayo at napatingin sa aking katawan.





Gosh, may suot na 'kong damit. It's just a red t-shirt and a red skirt.






Napangiti ako. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi at ang mga paru-parong nagsiliparan sa aking tiyan. I caught sight of my bed, wala na si Finn. Dahan-dahan akong umupo sa malambot na kama at napapatitig sa pader.






Kaya pala nahulog ako, kasi ang sobrang likot ko.







Buong akala ko pa naman ay tinadyakan ako ni Finn. Siyempre biro lang, I know he will never do that kind of thing. Bakit niya naman ako sasaktan? Mahal niya 'ko e. Alam kong hinding-hindi niya ako sasaktan.






Bababa nalang ako. Hindi na ako nakaramdam ng antok, sino ba namang tao ang makaramdam ng antok kapag nahulog mula sa kama. Parang sinapok ako ng isang boksingero, kaya gising na gising na ang diwa ko. Nagmartsa ako at dahan-dahan na lumabas. Bumaba ako at narinig ko si Finn na kausap si Mommy at Daddy.





"Sabi ni Lydia, nakita nya daw kayo ni Summer sa clinic ng OB-GYNE. Anong ginagawa nyo doon?" Mommy Azarella asked, while her face is a little bit curious.







Akala ko ba hindi sila makapag celebrate ng bagong taon dito?






"Tama nga, anong ginagawa nyo roon, Finn?" dagdag ni Daddy, there's a firm in his voice. Bakas sa mukha ni Daddy ang pagtataka.









I can't see Finn's face, naka talikod siya sa akin. Tanging ang mukha ni Mommy Azarella at Daddy lamang ang nakikita ko mula dito.










Mommy Azarella raised her eyebrows while waiting Finn's answer. Habang si Daddy naman ay naka crossed arms at halata sa mukha nito ang pagka curious at pagtataka.








Finn runs his fingers through his hair. "Sinamahan ko lang nagpa-check-up si Summer, isa sa mga requirements nya 'yon na kailangan ipasa." he stated.









Pero bakas sa mukha ni Daddy na hindi na kumbinsi. Napatutop naman si Mommy Azarella sa kanyang bibig, at may luhang nangingilid sa kanyang mga mata. "Huwag mong bilugin ang ulo ko, Finn. Kung requirements sa paaralan, bakit sa OB-GYNE kayo komunsulta?" Dad inquired, bakas sa mukha ang galit at inis.







Kwenilyuhan ni Daddy si Finn, habang si Finn naman ay kalmadong nakatayo lamang sa harap nila ni Mommy at Daddy. Dad gritting his teeth. Si Mommy Azarella naman ay inawat si Daddy, ngunit hindi nagpapatinag si Daddy. Bakas sa mukha ni Mommy ang takot, tears shimmered in her eyes.







Taste of Love (Taste Series #1)Where stories live. Discover now