Nilunok nya muna ang laman ng bibig bago tumango."Mmm. Papasok muna ako. Kasi baka hindi na rin ako makapasok bukas hanggang sa susunod dahil may fiesta akong aattendan eh tsaka hindi rin ako nakauwi mula noong nakaraan pa eh."

"Ah.."

Nanahimik na lamang ako pagkatapos 'non at tinapos na lang ang pagkain.

"Mag-ayos kana babe,ako na bahala rito." aniya at tumango na lang ako ngunit bigla na lang akong natigilan at napatingin sa kanya.

Mukhang napansin naman nya iyon."Bakit?"

Umiling na lang ako saka lihim na napangiti."Sunod ka na lang ha?"

"Sige."

Tumayo ako at pagkatalikod ko saka ako nagpakawala nang ngiti.

Tinawag na niya akong Babe!

Meaning hindi na sya galit sa akin. Okay ginaganahan na ako ngayon. Kasi naman kanina parang wala talaga syang balak na magsalita eh.

Atleast tinawag na nya ako ulit akong Babe.Okay na 'yon.






















ION



"Tahimik mo kuys."

Nilingon ko sina kuys teddy at Jugs na kakapasok lang sa pantry.

"Ah hindi kuya. Naiisip ko lang yung pelikula."sagot ko.

"Oo nga pala. Congrats in advance ha?"ani kuya Jugs."Galing-galing mo raw sabi ni direk."

"Hindi naman kuya."

"For sure para sayo mag-papablockscreening si Vice nyan,"dagdag naman ni Kuya Teddy.

Natahimik naman ako. Pakiramdam ko kasi parang wala akong ganang makipagusap. Parang ewan, kahit kanino.

"Ay teka kuys,malapit na naman palang mag-september ano?"ani kuya Jugs. Napatingin din ako sa kalendaryong tinitignan niya."Matatapos na naman ang buwan,ang bilis."

"Ibig sabihin,magpasikat na." dagdag naman ni kuya Teddy.

Ibig sabihin second anniversary na namin yon. Dalawang taon na namin.

Muli akong natahimik sa naisip.

Malapit na pala yung monthsary namin ngayong buwan,malapit na naman. Pero,hindi pa rin kami nakakapagusap ng maayos at matino, hindi pa rin namin napaguusapan iyong problema naming dalawa. Kung bakit? Hindi ko rin alam.

Wala naman akong balak na palalain 'yon. Kagaya nga ng sabi ko, ayokong isipin nya na pinaghihinalaan ko sya, pero nagkamali ako ng hakbang, yung pagiwas ko sa usapan ay ginawa kong pagiwas sa kanya. Kaya tuloy, hindi na kami lalong nagkaintindihang dalawa.

Nagatungan pa nga dahil don sa pagpunta nya sa party nong pamangkin ni Calvin. Hindi ko alam pero nadagdagan ang inis ko.

Umuwi ako ng maaga,para paghandaan yung dinner sana naming dalawa! Hinintay ko siya! Tapos nag eenjoy sila habang nagiisa ako sa bahay na hinihintay siya.

Nagalit pa siya sakin. Pero ako dapat yung mainis diba? Kasi sya iyong naglihim. Nagkakapalitan sila ng text nung si Calvin at siya rin pala ang walang palyang nagpapadala kay Vice ng kung ano-ano.

Nabasa ko iyon sa cellphone nya nung gabing gabi na ako nakauwi galing sa taping at nadatnan kong tulog siya.

Ang sabi nya pa sakin si Budi lang iyon. Si Budi lang yong may pangalang 'B' sa cellphone nya.

Bakit kailangan nyang magsinungaling? Bakit kailangan nyang ilihim sa akin?

Sobra na ba akong magselos sa paningin nya kaya ayaw nyang ipaalam sa akin?Bakit hindi nya masabi sa akin na yong Calvin na iyon yung nagtetext sa kanya?Bakit hindi nya sinabing yong taong yun ang nagpapadala sa kanya? Bakit,tingin nya ba magseselos ako?

Malamang oo! Magseselos ako 'no. Tingin nyo sa akin,hindi natatakot na makuha sya ng iba? At tsaka si Calvin iyon eh. Bukod sa alam kong pwede silang ma isyu, si Calvin pa rin yon. Lalaki pa rin yon. Lalaking minsang naging bahagi ng buhay nya. Lalaking sa tingin ko namay nagkaroon ng puwang sa puso nya. Malay ko ba kung intresado pa rin iyon sa kanya.

Pero kahit na. Dapat sinabi man lang nya sa akin. May karapatan naman ako diba? Kasi ako, lahat lahat ipinapaalam ko sa kanya. Ayokong maglihim sa kanya, dahil napagusapan namin yon. Na walang lihiman. Para maiwasan ang away at samaan ng loob.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya,at nung mga oras na nagtatampo ako,alam kong nagsisimula na rin syang mainis. Kaya kay Archie ako nagtetext, para patignan sya. At nasabi ko na rin tuloy sa kanya kung bakit.

Hindi ko naman sya matiis at kahit kailan naman hindi ko sya natitiis. Pero sa tingin ko kinailangan ko ring kumalma eh,baka magkasumbatan kami pag nagkataon at kapag ipinilit pa namin.

"Hindi naman ako perpekto. Napupuno rin ako. Nawawalan ng pasensya."

"Naubos ko na ba? Naubos ko na ba lahat ng pasensya mo?"

Napapikit ako ng maalala ang eksena naming iyon kagabi.

Wala naman akong ibang ibig sabihin roon. Gusto ko sanang sabihin lang na,'kailangan kong magisip muna. Kailangan nating parehong kumalma.'

Pero ang hirap palang magisip ng matino ano? Kapag napapangunahan ng emosyon? At tama sya,hindi naman kami dating natutulog hanggang di kami nakakapagusap ng maayos at naayos ang problema, Hindi pwedeng matulog kami at gumising na lang na may sama ng loob sa isat isa. Hindi kami yon, at hindi kami ganon. Pero nangyari na eh. Ganun na nga yong nangyari kagabi.

Hindi naman siguro masama kung hihingi pa ako ng kaunting panahon para makapagisip at bago namin pagusapan ano?

"Sa tingin mo kuys?"

Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang pagtatanong ni kuya Teddy.

"Ha?Pasensya na kuya,di ko masyadong nagets. Ano nga ulit iyon?" tanong ko at nakita ko naman ang pagkunot ng mga noo nila,pero sinagot pa rin naman nila ang tanong ko.

"Balak naming magcompose ng panibagong kanta ni pareng teddy,para sa showtime family bago mag 11th year. Tingin mo?"

"O-oo naman kuya. Maganda iyon." bahagyang napakamot pa si kuya Teddy sa batok dahil sa sagot ko. Nagkatinginan pa sila sandali.

'May mali ba ron sa sinabi ko?'

"Ah sige kuys,mukhang kailangan mo munang mag-isip."sabi nila.

Obvious bang malalim ang iniiisip ko?

***

Dahil mabait ako kasunod agad hahaahha

Vomment!

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now