CHAPTER 18: TULONG PART 1

Start from the beginning
                                    

" A-ano b-ba-bang sinasabi mo aarghh!!," sabi ko sa kanya.

" Wag ka ng mag sinungaling!!!," sigaw nya at susuntukin ulit ako, pinikit ko na lang ang aking mga mata.

" Tumigil ka naaa!!!", boses ni Lhance.

" Aarrghhh!!," pinag sa saksak nya si Christian sa likod.

Bumagsak si Christian sa ibabaw ko at agad ko syang tinulak.

Bumagsak naman si Lhance at agad ko syang nilapitan. Sobrang daming dugo na lumalabas sa tyan nya pati sa bibig nya may lumalabas na din.

" B-bro..," ako.

" T-ta-tama si Chri-Christian gi-ginahasa na-na-namin y-ung..," si Lhance pero nagsalita na ako.

" Wag ka na mag salita, naiintindihan kita, lasing kayo non, naaalala ko niyaya nyo ko pero di ako sumama," ako.

Naiiyak ako. Naaawa ako kay Lhance, bakit pa kasi kailangan patayan ang mangyayari.

" Br-bro ma-mara-maraming sa-sala-ma-mat sa i-inyo," si Lhance.

Hindi ko na napigilan ang luha ko at tuluyan ng bumagsak.

Pinikit na nya ang mga mata nya.

Umiyak lang ako sa harap nya, hindi ko man lang sya nailigtas kay Christian.

Kung patayan ang gusto nyo lalaban ako.

MIKKA

Umuulan ng malakas at ang lamig.

" Sa tingin nyo nasan na yung iba? Buhay pa kaya sila?," si April.

" Hindi tayo nakakasigurado kung buhay pa nga sila," ako.

" San na tayo pupunta ngayon?," si Lianna.

" Babalik tayo sa bahay," seryosong sabi ni Allen, kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

" Ha? Nagbibiro ka ba? Gusto mo bang mamatay tayong lahat doon?," natatakot na sabi ni April.

" Oo nga tapos si Princess sugatan, mahihirapan lang tayo," si TJ.

" Bakit ba tayo babalik doon? Anong gagawin natin don?," si April.

" Babalikan natin yung iba," si Allen.

" Babalikan? Baka nga patay na silang lahat doon eh, tapos babalik tayo," si April.

" Kung ayaw mo sumama, maiwan ka dyan, at saka makakakuha tayo ng sasakyan doon, yung sasakyan ni Evelyn, yun lang ang magagamit natin dahil yung iba flat na," si Allen.

APRIL

Bakit nya alam na yung kay Evelyn lang yung magagamit namin na sasakyan, nakipag sabwatan ba sya kay na Harry.

" Sige, hindi ako sasama sa inyo," sabi ko sa kanila.

" Ha? Pero April," si Mikka.

" Ok lang ako," sabi ko at nag smile. " Kung mamamatay ako tatanggapin ko," dag dag ko pa.

" Sige tara na, iwanan na natin yan," si Allen at sinamaan ako ng tingin, inirapan ko naman sya.

" A-april," si Mikka at kita ko sa mga mata nya na nalulungkot sya. Nag smile na lang ako sa kanya.

Hinintay ko muna sila makaalis.

Lalakadin ko na lang tong kalsada.

Hanggang sa makaalis ako.

YSABELLE

Tumigil na ang ulan at ambon ambon na lang. Maghahapon na din. Kaya sinimulan na ulit namin ang paglalakad. Kailangan naming makalayo dito.

Kamusta na kaya sina Ezekiel. Nakaligtas ba sila kay Christian. Pano kung kami na lang ni Nicole ang buhay, at kami nalang ang hinahanap nila.

" Ysabelle hindi ka ba nahihirapan?," si Nicole.

" Hindi ah, ok lang, kailangan lang natin makalayo dito," sabi ko ng nakangiti.

* BROOOM!! *

Sasakyan yun ah.

" Ysabelle may sasakyan! Makakaalis na tayo dito!," natutuwang sabi ni Nicole.

Tumigil kami at lumingon sa likod.

May sasakyan nga.

" TULOOOOOONG!! TULOOOOONG!," sigaw ko at kumaway kaway pa.

" TULOOONG! TULOONG!," nakisigaw nadin si Nicole.

" Dyan ka muna Nicole," sabi ko sa kanya.

Pumunta ako sa gitna at humarang, nagtatalon nadin ako.

Hanggang sa makalapit ang sasakyan at tumigil sa harap ko.

May kasama syang tatlong babae.

" Kuya tulungan nyo kami," sabi ko at pumunta ako sa may bintana nya.

Binuksan nya ang pinto at lumabas sya, kaya napa atras ako.

" Ano bang kailangan nyo hahaha?," sabi nito.

Nagtatawanan pa yung mga babae sa loob, mga pok pok to.

" Kailangan naming makaalis dito, tulungan nyo kami," pagmamakaawa ko.

" Niloloko nyo ba kami? Hahaha! May shooting ata kayo, may pa dugo effect pa," sabi nung lalaki at tatawa tawa pa.

Nagtawanan pa yung mga babae.

" Hindi kami nagloloko, at lalong wala kaming shooting, kailangan lang namin ng tulong nyo," si Nicole.

Binuksan naman nung isang babae yung bintana.

" Tara na nga, mga baliw yan, kagaya nung isang babae, Hahahaha," sabi nung babaeng malaki ang hinaharap.

Isang babae, sino yun?.

" Sige maiwan na namin kayo mga binibining baliw, HAHAHA," sabi nung lalaki at nagtawanan na naman sila.

" Teka lang, tulungan nyo kami," sabi ko at hinawakan ko pa sya sa braso.

" Bitawan mo nga ako! Baliw!," sabi nung lalaki at nagtawanan na naman sila.

Sumakay na sya sa sasakyan.

" Babye mga baliw," sabi nung mga lalaki at nagtawanan pa sila.

Baliw pala ah.

Pinagsisipa ko yung likuran ng sasakyan nya.

" Oo baliw kami!!," sigaw ko.

" Baliw! Itigil mo yan!," sigaw nung lalaki at pinaandar na.

Sumilip pa yung babae sa bintana at sumigaw.

" Baliw! Hahaha!," sigaw nya.

" Tang ina nyo! Fuck you!," sigaw ko at finuck-yuhan ko yung babae.

Tuluyan na silang nakaalis.

" Baliw daw tayo," sabi ni Nicole habang nakangiti.

" Hahahahaha!, " tawa ko.

" Hahahaha," tawa ni Nicole.

At nagtawanan pa kami.

Pero sino yung babaeng nakita nila.

Bloody Vacation (Completed)Where stories live. Discover now