Sabi ko nga may sunog talaga.
Nakita kong humihingal na lumapit sa may puno si Zhaicy, isa sa mga kaibigan ko. " Aning! Bumaba ka dito, bilisan mo!"
Tumalon ako mula sa puno. Hinawakan ko sya sa balikat nya. " Problema mo? Bakit nagkakagulo? San nagmula yung sunog?"
" Isa- isang tanong lang naman mahina ang kalaban. Kita mong humihingal pa ako rumatatat na kaagad ang bunganga mo."
Masama ba magtanong? " Ano nga kasi nangyari?" Curious ako.
Umiling si Zhaicy. Kinuha nya ang kamay ko at ipinatong sa palad ko ang isang maliit ng pitaka. " Kunin mo yan."
" Ano naman gagawin ko dito?"
" May lamang pera yan. Ipon ko sa huling sweldo ko sa palengke. Aning, lumayo ka na sa lugar na ito. Akala ni Tiya Nelya ikaw ang may gawa ng sunog dahil may nakakita sayo na galing ka sa kusina kanina. Umalis ka na dito!" Tinulak tulak nya pa ako.
" Wait nga! Pag may sunog ako agad?!Wala namang CCTV sa loob ah!" Mga bintangers!
" Aning naman! Makinig ka sakin, Please. Pagkakataon mo na 'to para makatakas sa puder ng matandang yun. Gamitin mo ang pera ko para makalayo ka. Kapag naabutan ka ni Tiya Nelya, baka mapatay ka nya." Bakas sa mukha ni Zhaicy ang pag aalala.
Pero saan naman ako pupunta? Wala naman akong alam na ibang lugar.
" Ilang minuto nalang dadaan na ang jeep papuntang maynila. Bilisan mo para makahabol ka pa."
Ha? Hindi ba sya sasamakin? Lumalaki na lalo ang apoy sa buong kabahayan. " Pano ka Zhaicy? Ayokong iwan ka dito!"
Niyakap nya ako ng mahigpit. " Umalis ka na, Aning."
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nagtatakbo na sya palayo sakin at pabalik dun sa nasusunog na bahay.
Ano na ang gagawin ko?
Hinigpitan ko ang pag hawak sa perang binigay sa akin ng kaibigan ko. Masakit man sa kalooban na iwanan sya sa lugar na ito pero tama sya na kailangan ko na talagang lumayo.
Inabangan ko ang sinasabing jeep na babyahe mula dito sa Batangas hanggang Maynila. Kinakabahan ako sa totoo lang, wala akong alam sa ibang lugar.
Ilang oras din ang naging byahe. Nagawa ko pa ngang matulog dahil narin siguro sa pagod. Gabi na nang makarating ako sa Maynila. Bumaba ako sa may tabi ng isang Fast Food Chain. Yung may malaking bubuyog na kulay pula na nakatayo sa labas. Hindi ko maiwasang mamangha. Bano na kung bano.
Napakalaking lugar pala ng Maynila. Napakadaming ilaw, matataas na gusali. Maiingay at napakaraming sasakyan. Nakakatuwa din ang mga tao. Ngayon lang ako nakakita ng napakaraming tao!
Medyo nanliit lang ako sa sarili ko. Pinagtitinginan kasi ako ng mga tao. Malaking tshirt na puti ang suot ko na medyo madumi na. Ang suot kong short ay panlalaki na medyo butas pa. Yung tsinelas ko naman, pudpud na dun. At yung buhok ko? Langya para akong nakipagsabutunan ah.
Umayos ako ng tindig. Aba! Kahit mukhang pulubing homeless ako ngayon, maganda parin ako. Kamukha ko kaya si Nadine Lustre! Sabi nila. Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng magandang probinsya na katulad ko?
Teka nga, san ba ako pupunta? Binulatlat ko yung laman ng wallet na binigay sakin. " 300 nalang pala 'to." 400 kasi ang pera ko kanina. Isang daan ang bayad dun sa jeep.
Saan ako tutulog ngayon? Sa kalsada? Eww!
" Tatagal kaya ako ako dito sa lugar na ito na ganito lang ang pe---"
Natulala ako dun sa taong humablot ng wallet ko sa kamay at lumalayo na sa ak--- WAHHHH!! SNATCHER!
" HOYYY! MAGNANAKAW! IBALIK MO ANG PERA KO!" Di ako nagpatalo. Hinabol ko yung lalaki, madami na nga akong nababangga na taong dumadaan sa pagtakbo ko pero wala akong pakialam. Ang mahalaga ngayon mabawi ko yung pera ko!
Wala na nga akong pera! Nanakawan pa ako! Walang ya! Walang awa!
Wala namang masyadong dumadaan na tao sa parteng ito kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Babawiin ko ang pera ko! Ang akin ay akin! Akin lang ang pera ko!
Pagliko ko sa kanto, isang liwanag ang mabilis na lumalapit sa direksyon ko. Biglang nanigas ang buo kong katawan at ang mga binti ko ay hindi ko na maigalaw. Natulala akong nakatayo sa gitna ng kalsada.
Yung ilaw-- papalapit sakin. Ito na ba yun? katapusan ko na ba agad? Wala na akong nagawa kundi ang pumikit at hintayin ng sasakyang papalit sa akin.
BEEP! BEEP! BEEP! BEEP!
Nagmulat ako dahil sa nakakabinging ingay nang sasakyan. Makabusina naman kala mo galit sa mundo! Ayy wait! Asan na yung sasakyang sasagasa sakin?
Mangha akong napatingin sa itim na kotseng nakatigil sa mismong harapan ko. Bumaba ang driver nito at padabog na sinara ang pinto. " Hoy miss! Baliw ka ba ha?! Kita mo nang dadaan ang sasakyan ko, hahara-hara ka dyan sa gitna ng kalsada! Kung magpapakamatay ka wag mo kaming idamay! Tumabi ka diyan!"
Hindi ko naintindahan ang sinasabi ng lalaking nag hahamon ng away sa harap ko, dahil ang mga mata ko ay nakatuon sa isang pang lalaki na sumunod sa kanyang bumaba ng kotse.
An-g gwapo nya! Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita katulad nya. Hindi ko mapigilang mapanganga at matulala sa kanya, hanggang sa hindi ko na nga alam ang nangyari. Biglang nagdilim ang paningin ko.
- Ken Pov-
Nawala ng malay yung babaeng balak atang magpakamatay at tumawid ng kalsada. Kung hindi ako nakapag preno kaagad, malamang sugatan na sya.
Nasalo ko naman ang katawan nyang patpatin bago pa sya tuluyang matumba.
" What happend? Bakit nawalan sya ng malay? Hala ka, Ken. Nasagasaan mo atah sya." Bumaba na rin pala ng kotse yung apat.
" Pwede ba, Josh. Kita nyo naman na isang metro pa ang layo ng kotse ko sa kanya. So tell me. Pano ko sya nasagasaan ha." Tsk. Di nag iisip.
Lumapit sakin si Sejun at sya na ang nagbuhat dun sa babae. Naaawa sya malamang.
" Pinuno, ano nang gagawin natin sa kanya? Hindi naman natin pwedeng dalhin sya sa hospital. Pagkakaguluhan lang tayo dun eh." May punto si Justin.
" Iwanan nalang natin yan sa tabi. Di naman natin kilala yang babae na yan. Baka mudos lang nila yan para makapagnakaw. Mag iinarte lamang ang isang yan."
Lumapit sakin si Stell at binatukan ako. " Napakasama talaga ng ugali mo! Babae pa din yan, hindi dapat sya iwanan nalang mag isa. Napakadilim pa naman dito. Wala ka bang puso ha!"
" Ano bang pakialam natin sa kanya? Bigla bigla nalang sumusulpot!" Nakakairita!
Walang imik-imik si Sejun. Inayos nya ang buhat dun sa babae at dahan-dahan itong ipinasok sa loob ng kotse ko.
" Pinuno?! What are you doing? Hindi ka man lang nagpaalam na maglalagay ka ng basura sa kotse ko!" Oo! Nagrereklamo ako! Kakalinis ko palang ng kotse ko eh!
" Let's help her. Iuuwi natin sya sa bahay. Gagamutin kung may sugat man sya. Kapag maayos naman sya pwede na natin syang pauwiin."
" Pero Pin--"
" That's final." Kainis! Ginamit na naman niya ang pagka leader nya.
Sumakay na silang lahat sa loob ng kotse. I don't know kung Paano kaming nagkasyang anim. Kahit na labag sa loob ko, nag drive parin ako pauwi. Kainis na babae. Sino ba sya?!
Count 1: First Encounter
Start from the beginning
