Swing

56 0 0
                                    

Swing

by Wawiwu (mumu)

Tawagin mo na kong tamabay pero may dahilan ako.

Lagi ako dito sa swing siguro mga tatlong taon na kong sanay na tumatambay dito. Nakagawian ko na simula pa lang nung 3rd year highschool ko tambay na ko dito…sa playground at syempre ang paborito ko dito ang swing.

Aminin mo maski ikaw man swing din gusto mo. Kahit nga sa bata nakikipag agawan ako makuha ko lang ang swing na to. Pag-uwi galing sa school diretso ako dito para mag swing.

Pero hindi dahil sa swing kaya ako tumatambay dito. Hindi rin para makipag agawan ako…  Meron akong dahilan.

May inaantay ako hanggang ngayon umaasa parin ako na makita ko siya ulit.

Oo 3 yrs. Na kong tambay dito, oo din 3 yrs narin akong naghihintay at oo din 3 yrs na kong bigo.

“Hindi ako sanay ng ganito… Haii… sana may powers na lang ako.”

Mahina kong pinaandar ang swing habang tumitingin tingin sa paligid. Ang daming tao. Kung meron lang talaga akong eye power vision na makakapagpawala ng mga bata dito sa playground gagawin ko na.

Pero mag isa lang ako sa swing umalis na kasi iyong batang nag swing na katabi ko. Alam nilang nangangagat ako ng bata ang ingay kasi eh. Gusto ko tahimik lang pag nag swing at ako ang maingay.

Tumingin akong muli sa paligid.

Mula sa slide hanggang doon sa kabilang dulo ng puno na katabi ng sand box. Umiinit lang ang ulo ko. Ang daming bata.

“Ano bayan ang daming bata.” Simangot kong sinabi.

“Hindi ba dapat sayo tinatanong iyan? Ang playground ay ginawa para sa bata. Hindi para sa mga matatanda.”

Masungit kong tinugunan ang lalaking nagsalita sa tabi ko. Kanina pa ba siya anjan?

“Pake mo!” sabi ko ng hindi siya tintignan.

Napa tawa siya ng konti at sabay nag salita ulit. “Kaya naman pala walang batang nagtatangakang maglaro dito sa swing. May reynang nakaupo.” Sabay tawa ulit.

Pikon ako, oo. Umiinit ang dugo ko sa panget na to.

“Ano bang pake mo! Eh ang ingay nila eh. Bakit kung bawal ako dito sa swing ba’t ka andito? Matanda ka rin naman! Nananahimik ako dito tapos big~”

Napatigagal ako sa pagsasalita ng tignan ko ang lalaking katabi ko. Aaminin ko. Oo cute siya. Gwapo siya. Wala akong oras sa mga tulad niyan. Maging ideal man yan… ano magagawa ko? Ininit niya ulo ko eh!

Napatahimik ako, binigyan ko na lamang ng masungit at naiinis na tingin at padabog na tumayo. “Bahala ka jan!” sabay alis.

Kinabukasan, doon ulit ako sa tambayan ko at tulad ng dati, walang batang nagtatangkang mag swing sa katabi kong swing.

At tulad ng dati marami paring bata.

“Ang ingay…” bulong ko.

May narinig akong umupo sa katabing swing. Tumambad sa paningin ko ang lalaki kahapon. Ang buwisit na taong to.

Sabay ngiti naman siya sakin ng malaki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SwingWhere stories live. Discover now