"Hi Reeeeiiin!" Agad na bati sa amin ni Diana nang makalapit kami sa kanila.

"Heeelllooo!" Sagot naman ni Shane at ako naman ay nginitian lang sila.

"Sa'n tayo sasakay?" Wala sa sariling tanong ko.

"Sa train," sagot ng isa dyan pero hindi ko pinansin.

Naglakad na kami papunta sa train, pansin kong maraming estudyante ang nakasakay dito. Habang naglalakad kami ay hindi ko napansing nasa bandang riles na pala ako ng tren kaya naman natipalok ako, dagdagan mo pa na medyo mabato ang lugar. Akala ko ay matutumba na ako pero nagulat nalang ako ng may brasong pumalibot sa bewang ko.

Napatingin ako kung sino man ang may gawa no'n at eksaktong paglingon ko ay muntik ko na itong mahalikan! Ang lapit ba naman kasi ng mukha!

Bago pa marami makakita sa amin ay
umayos na ako ng tayo, "S-Salamat," nginitian ko ito ng bahagya.


"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo," seryusong sabi nito. "I'm Dane, by the way," pagpapakilala niya. He's one of the Elites, I know.

"I-I'm Rein," Seriously? Ba't ako nauutal?

"Tatayo lang ba kayo dyan?" Napalingon kami sa lalaking nagsalita. Nakatayo ito sa labas ng tren habang nakapamulsa at masama ang tingin sa akin!

Bakit ako?

"Tara na,"
Nagsimula ng maglakad si Dane kaya naman sumunod na ako sa kanya.

Sinamaan ko rin ng tingin ang Persy dahil hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa akin.

Nakita ko sina Shane, Diana, Belle at Liana kaya do'n nalang ako umupo.
Panay ang kwento ni Shane tungkol sa kanyang buhay at ngiting-ngiti namang nakikinig sina Diana at Belle samantalang si Liana ay mukhang. puputi na ang mata sa walang tigil na pag-irap.

Napatingin ako kabilang pwesto at nakita ko ang mga boys doon. Mula kay Kye at Theo na nagkekwentuhan at kay Kade na kanina pa palinga-linga at sa katabi nitong si Alex na tulog at sa dalawang lalaki na ubod ng seryuso.

Katulad ng reaksyon ko nang makapasok ako sa Academy ay gano'n din ang naging reaksyon ko ng makita ang lungsod ng Nemesis.

Maraming mga palamuti ang paligid, may mga Ferris wheel, rollercoaster ride, at marami pang iba. May mga letchon din na nakahain sa paligid ang iba naman ay nagluluto pa at amoy na amoy ko talaga ang aroma ng pagkain at nagsisimula na akong magutom. May nadadaanan pa kaming mga mahahabang mesa na may laman ng iba't-ibang uri ng pagkain at may mga taong kumakain doon. Boodle fight?

Hindi na talaga ako magtataka kung bigla nalang mawala si Kye dito.

Napatingin nalanga ako kay Shane nang bigla niya akong sikohin. "Hoy, kanina ka pa namin hinahanap,"

"Huh?" Anong hinahanap eh magkasabay kami kanina ah.

"Tara do'n," hinila niya ako bigla papunta sa kung saan.

Maraming tao ang nagtutumpukan kaya naman nagtaka ako. Anong meron?

Pinilit kong isiksik ang sarili ko para makapunta sa harap at makita kung anong meron. Nang makapunta ako sa gitna ng makita ang tatlong lalaking Elites na nakatayo at may bitbit na pagkain kasama ang ibang lalaki na hindi naman pamilyar sa akin.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko sina Shane at Kye na mukhang nag-aaway sa di kalayuan sa akin. Nilapitan ko sila.

"Anong meron?" Tanong ko sa kanila.

"Pipili ang mga babae kung sino ang isasayaw nilang mga lalaki tapos kukuha sila ng pagkain," sabi ni Kye.

Anu daw?

Magtatanong na sana ako pero bigla nalang may tumugtog kaya naman may mga kababaihang nagpupunsukan para lang makasayaw. Hays.

"Sige na sumali ka na!" si Kye habang pinipilit si Shane.

"Ayuko nga!" Pagtanggi naman nito.

Napakamot sa ulo si Kye at halatang-halatang hindi alam kung paaano makukumbinsi si Shane.

Anong trip nito?

"Shane naman, kapag sumali ka dyan bibigyan ka ng pagkain! Tapos kapag nakuha mo na ang pagkain ibigay mo sakin para makain ko!" Napailing nalang ako sa sinabi ni Kye.

"Ang kapal naman ng mukha mo!" Sabi ni Shane pero pumunta naman sa gitna.

Amp.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Dane na nakatingin sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay agad niya akong nginitian. Ngumiti rin ako sa kanya.

Napatingin ako sa pagkaing hawak niya at cookies iyon..

"You want?" Sabi niya habang papalapit sa akin.

Tatango na sana ako dahil isa mga paborito kung pagkain ay cookies pero nagulat ako ng may brasong biglang pumalibot sa bewang ko. Pagharap ko ay sasapakin ko na sana ang hayop na ito pero agad din akong natigilan ng makita ang pagmumukha ni Persy.

Seryuso itong nakatingin sa akin habang may hawak ng cupcke na color pink. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang. Nahagip naman ng paningin ako ang nasa likod nito na sina Kade at Liana na sumasayaw. Nakangisi si Kade habang si Liana naman ay sobrang sama ng tingin sa akin.

"You're not going to dance with anyone... but me," sabi pa nito habang nakatingin ng mariin sa akin.

Kinunutan ko ito ng nuo, "Akala ko ba babae ang pipili ng isasayaw? Bakit ikaw ako yung pini—"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil mukhang maling sentence ang sasabihin ko.

Umubo ako ng peke, "I mean, ako dapat ang pipili say—" Potek parang mali talaga eh.

"D-Dapat kasi a-ako ang pipili ng i-sa-sayaw," ayon na sabi ko na rin!

Nakita ko naman itong ngumisi. Pano ba naman kasi yan, halos magkalandutal ako sa pagsasalita. Pakiramdam ko kasi kinakabahan ako na ewan!

Alam ko yung ganito eh! Malakas ang instinct ko. Kapag kinakabahan ako ay may masamang nangyayari!

"May masamang mangyayari," wala sa sariling bulong ko pero batid kong narinig niya iyon dahil tumaas pa ang kilay nito.

"What?" Tanong niya.

"Sa tuwing kinakabahan ako ay may masamang nangyayari," paliwanag ko sa kanya pero mukhang hindi niya ito naintindihan, "Look," huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon, hindi ko alam kung bakit pero—a-ah basta! Ang hirap i-explain basta gano'n!"

Ang hirap naman kasi i-explain eh! Kinakabahan ako ng wala sa oras! Ang bilis ng tibok ng puso ko parang lalabas na nga ng ribs ko eh!

Nakita ko kung paanong lumawak ang ngisi ng loko! Mas lalo namang kumunto ang nuo ko!

Anong iningingiti-ngiti nito?

The Mysterious Girl of Choralais Academy Where stories live. Discover now