One- Client

543 20 4
                                    

Lea Salonga as herself
Vice Ganda as Vice Salonga
Regine Velasquez as herself
Dawn Zulueta as Dawn Gomez.

"Kuyaaaaa Viceeeee!!!" Sigaw ko habang naka tingin sa salamin.

"Pucha naman Lea! Ang ganda ko tapos kuya itatawag mo saken? Baket ba? Nakakaloka ka ang aga-aga sumisigaw ka. Wala man lang goodmorning" satsat niya habang tumatakbo papunta sa kwarto ko.

"How dare you!!! Ang kapal mo talaga! Anong good sa morning ko? Eh ginuhitan mo ng pusa yung mukha ko? Tsaka alam mo naman na ayoko sa pusa! I hate you! I hate you KUYA Vice!" Sigaw ko sa kanya

"Alam mo? Okay lang saken na sinasabihan mo ako ng i hate you pero bawiin mo yung sinabi mo na-" hindi niya natapos kase inunahan ko na siya.

"Na ano? KUYA? Ayoko nga! Bahala ka bleeeee" sabi ko sabay takbo palabas ng kwarto ko. Ate naman talaga tawag ko sa kanya. But i love to tease him kaya nagKUYA ako. Tsaka ganti na rin yan sa ginawa niya saken no!

"Leaaaaa!! Hindi ko talaga alam bakit naging kapatid kita!" Sigaw niya mula sa kwarto ko. Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Pumunta ako sa CR at naghilamos. Leche talaga to si ate nakakasira ng araw! Sabi ko habang pinupunasan yung muhka ko ng towel. Paglabas ko ng banyo agad kong na amoy ang bango ng pagkain. Kaya pumunta agad ako sa kusina at naabutan ko si ate nagluluto ng breakfast namin.

"Bango naman niyan Ate! Nagutom ako bigla eh" i said habang kinukuha yung mga platong gagamitin namin.

"Siyempre naman no! Ako nagluto eh. Hindi kase ako kagaya mo na kapag nagluluto amoy sunog!" He said while laughing

"Gusto mo kuya na talaga itawag ko sayo?" I said while looking striaght to him.

"Eto naman hindi mabiro! Gusto mo kape? Chill kalang bebe sis" sabi niya kaya natawa nalang ako.

Habang kumakain kami naalala ko na may e memeet pala akong client ngayon. Nagbe-bake kase ako ng mga cakes, cupcakes, soufflé at iba pa.

"Ate may client pala ako ngayon kaya aalis ako. Pero bago yun. Pupunta muna ako ng grocery. May ipapabili ka ba?" I said while checking my emails

"Wala naman. Wag ka magpa gabi ah! Uwi agad pagka tapos mo makipag meet sa client mo."

"Ate naman I'm 21 na. Hindi na ako bata oh!" I said then pout

"Hanggang buhay pa ako. Baby ka parin. My baby sis. Gets mo?" He said and hug me. "Oh maligo kana! Go! Shooo!"

"Ang sweet mo kanina, ngayon tinataboy mo na ako. Aso ako ate? Aso?" I said while giggling at pumunta na agad sa kwarto ko.

Naligo ako at nagbihis. I'm wearing a black pants and white polo with my small back pack.

"Alis na ako ate!" sabi ko sabay hug sa kanya

"Ingat ka! Uwi agad okay?" Tumango lang ako at pumunta na sa kotse ko.

----

Kakatapos ko lang maggrocery. Nasa parking lot pa ako, nilalagay ang mga napamili ko sa likod ng sasakyan when my phone ring. Oh shit! Late naba ako? I said in panic when i saw my client's name appeared on the screen. Agad ko itong sinagot.

"Hello! Good afternoon Lei! I can't meet you today kaya iba nalang pina punta ko. My friend. I'll give you her number nalang. I'm so sorry! May emergency meeting kase kami." The lady on the other line said.

"No problem Mrs. Gomez! Thank you for informing me. Papunta na rin naman ako sa meeting place. I understand." I said as i close the back door of my car.

LeGine One Shot Stories Where stories live. Discover now