Prologue
Sa isang simbahan makikita mo ang napakaraming tao, hindi dahil sila ay nagsisimba kundi dahil sa isang selebrasyon na nagaganap ngayon.
May isang sikat na modelong babae ngayon ang nakasuot ng isang maganda at eleganteng trahe de boda, katabi niya ang isang sikat na artistang lalaki na nakasuot naman ng puting tuksedo.
Habang naglalakad sila palabas ng simbahan ay mababakas mo sa kanilang mga mukha ang saya at tuwa na kanilang nadarama ngayon dahil sa wakas ay ganap na silang mag-asawa.
Pagkarating sa may hagdanan ng Simbahan ay tumalikod ang babae at akma na niyang ihahagis ang kumpol ng mga bulaklak ng biglang may sumigaw na lalaki.
"Cut!"
Napahinto ang babae at mga tao sa paligid dahil sa sigaw niya.
"Nasaan na yung batang babae na dapat sasalo ng bouquet?" Galit nitong sigaw sa mga kasamahan sa trabaho.
"Sorry po Direk! Bigla po kasing umalis yung bata dahil masakit daw po ang tiyan sabi ng kanyang ina."
"Anong gagawin ko? Maghanap na agad kayo na pwedeng ipalit ngayon din! Nakakahiya sa mga talent na kinuha natin!" Nagagalit na sigaw ng direktor.
Agad naman nagtakbuhan ang mga nagtatrabaho para sa isang komersyal, para makahanap ng ipapalit sa batang babae.
Sa kabilang banda naman, tumungo ang babaeng modelo at nilapitan ang kanyang anak na lalaki. Sinalubong naman siya ng isang matamis na ngiti ng bata. Kung pagmamasdan ang mukha ng bata ay napakacute nito, ang kutis ay makinis at maputi na parang sa isang babae.
Biglang may pumasok na ideya sa isipan ng ginang kaya agad siyang pumunta sa direktor at sinabi ang kanyang naiisip.
"Direk! Kung gusto po ninyo yung anak ko na lang ang gawin ninyong model. Konting bihis lang sa kanya tiyak magmumukha na siyang babae sa harap ng kamera." Saad ng ginang, hinila niya ang kanyang anak at pinakita sa direktor.
Napaisip naman ang direktor sa sinabi ng babae. Dahil sa kailangan na nilang matapos ang kanilang shooting ay pumayag na din siya.
Mabilis na binihisan ng mga staff ang batang lalaki, at matapos lang ang tatlumpong minuto ay natapos na sila sa pag-aayos. Agad naman siyang ipinakita sa mga tao at laking gulat nila na nagmukhang tunay na babae ang kaninang batang lalaki.
"Ang ganda ganda mo naman anak ko." Puri ng modelong ina.
"Oh sige na! Ituloy na ulit natin ito para matapos na tayo." Sambit ng direktor sa kanyang mga kasamahan.
Mabilis na ipinaliwanag nila akung anong dapat gawin ng bata. Matapos nilang ipinaliwanag ay agad na sinimulan ang pagshushooting.
Muli, lumabas sa simbahan ang bagong kasal. Bakas sa kanila ang tuwa't saya na kanilang nararamdaman. Pagkarating sa may hagdanan ng simbahan ay muli inihagis ng babae ang kumpol ng mga bulaklak ngunit hindi ito nasalo ng batang lalaki na nagpapanggap na babae dahil sa takot. Sa sobrang takot at hiya ay napaihi pa ito sa kanyang saya, maya maya lang ay umiyak na ito ng umiyak.
"Cut!" Sigaw ng direktor.
"Magpahinga muna tayo! Ituloy na lang natin ulit ito pagkatapos ng sampung minuto." Pagpapatuloy ng direktor.
Lumapit naman sa kanya ang batang lalaki at pinatahan siya.
"Tumigil kana sa pag-iyak. Ito gamitin mo itong kwintas ko." Ibinigay ng batang lalaki ang kanyang kwintas na may palawit na kulay asul na puso.
"Ilagay mo yan sa tapat ng puso mo tapos pumikit ka. Hinga ka ng malalim at lahat ng takot mo ay mawawala." Sambit ng batang lalaki na nakangiti.
Sinunod naman niya ang sinabi ng batang lalaki. Itinapat niya ang kwintas sa puso at saka pumikit. Huminga rin siya ng malalim, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tuluyan ngang nawala ang kaba ng bata. Inimulat niya ang kanyang mga mata at saka ngumuting tumingin sa batang lalaki.
"Salamat." Wika ng batang lalaki.
Lumapit ang ginang sa dalawang bata at hinila ang kanyang anak upang pagpalitan ito ng damit. Makalipas ang sampung minuto ay muling sinimulan ang ginagawang komersyal.
Sa pangatlong ulit, lumabas ang isang babae at isang lalaki na masaya dahil sa wakas ay naikasal na sila sa isa't isa. Pagkarating sa may hagdanan ng simbahan ay tumalikod ang babae at inihagis ang kumpol ng bulaklak.
Masaya namang nasalo ng batang lalaki na nakasuot ng pambabae ang bulaklak habang katabi niya ang batang lalaki na nakangiting nakatingin sa kanya.
Habang nakatingin ang batang lalaki sa batang babae ay nakaramdam siya ng kakaiba, isang pakiramdam na matagal niyang dadalhin sa kanyang paglaki.
Natapos na ang komersyal at isa isa ng nag-aayos ang mga tao ng kanilang mga gamit ng lumapit ang batang lalaki na nakabihis pambabae pa rin sa batang lalaki upang ibalik ang kwintas nito na pinahiram sa kanya kanina.
"Uhmm ito na pala ang kwintas mo. Maraming salamat sa pagpapahiram nito sa akin." Sambit niya ng makalapit na siya sa batang lalaki.
"Sayo na iyan, baka kailangan mo pa yan sa mga susunod na araw. Basta tandaan mo kapag natatakot o kinakabahan ka gamitin mo lang iyan." Bilin sa kanya ng batang lalaki.
"Redd! Tara na aalis na tayo!" Tawag ng ina ng batang lalaki.
"Sige aalis na kami." Paalam nito sa kanya. Bago pa tuluyang umalis ang batang lalaki ay bigla siyang hinalikan nito sa kanyang mga labi na kanyang ikinagulat.
Humiwalay ang mukha ng batang lalaki at saka tumakbo papalayo sa kanya. Bago ito sumakay ng sasakyan ay lumingon pa ito sa kanya at sumigaw.
"Paalam! Hanggang sa muli nating pagkikita!" Saka ito tuluyang sumakay ng sasakyan.
Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ng anak ng ginang. Hindi niya alam kung ano bang ibig sabihin ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi naman siya natatakot o kaya kinakabahan pero ramdam niya ang pagbilis ng kanyang puso. Hinawakan niya ang kanyang labi at hindi niya namalayan na unti unting gumuguhit sa kanyang labi ang isang matamis na ngiti.
Hindi alam ng mga batang lalaki na ito na pala ang simula ng pagkagusto nila sa isa't isa.
Itutuloy...
VOUS LISEZ
Ang Vaklush Kong Kapitbahay
FanfictionAnong gagawin mo kapag nalaman mo na ang Long Time Crush mong babae ay isa pa lang Vaklush?? Anong gagawin mo kapag nalaman mong meron ka palang baklang kapitbahay, lalo na at galit ka sa mga bakla?? At anong gagawin mo kung ang kinaiinisang mong ba...
