Chapter 19

90 29 1
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙽𝙸𝙽𝙴𝚃𝙴𝙴𝙽

The sunlight hit my face. I immediately got up and looked at the man beside me.This guy is really handsome. I kissed him on the lips before getting up. Pumasok ako sa banyo at naligo. Pagkatapos naligo ay nagbihis na 'ko. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin it really suits to me this kind of outfit, It's just a yellow blouse at denim shorts. Sinuot ko rin ang aking paboritong puting sneakers at isang simpleng pilak na kwintas bilang aking accessories.


Napansin ko si Finn na kakagising lang. Agad siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Ilang sandali pa ay lumabas na siya na basang-basa ang buhok at naka pulupot ang towel sa kanyang ibabang parte. Tumabi ako sa bintana at nasulyapan si Finn na nag-aayos na rin ng kanyang sarili.



"Hey, baby. Good morning," bati niya sa akin.



"Good morning, baby," sabi ko sabay ngiti. "Anong susuotin mo?"





"Simple lang. White shirt, jeans, at sneakers." he responded, sabay turo sa kanyang mga kasuotan na nasa kama na ngayon.




Wow ah ang bilis niya kumilos



Dinampot niya ang kasuotan at agad pumasok sa banyo. After a couple of minute ay lumabas siya. He's wearing a plain white shirt na sinuot niya sa loob ng kanyang light blue na denim jacket. Kasama rin ang kanyang dark blue na jeans at isang pares ng puting sneakers. Hindi masyadong pinag-isipan ang kanyang outfit pero bagay na bagay pa rin sa kanya.





Lumabas ako sa kawarto at naghanda ng gatas para kay snowball. Tulog pa yung kuting ko, napaka sleepyhead naman pala nito.



Nang lumabas na si Finn sa kwarto, nagtungo kami sa ospital para sa appointment ko sa OB-Gyne. Habang papunta kami sa ospital, tahimik lang kami ni Finn. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib dahil sa mga magiging resulta ng check-up.




Pagdating namin sa ospital, agad kaming pumasok sa OB-Gyne clinic. Maaga pa naman kaya't kaunti lang ang mga pasyente. Pagkapasok namin, tinawag na kami ng receptionist upang mag-fill out ng forms bago makapasok sa loob. Matapos naming gawin ang mga papeles, inantay na lang namin ang aking turn.




Habang naghihintay, marahang kumakalam ang aking sikmura sa kaba. Si Finn naman ay nasa tabi ko, nagbibigay ng suporta sa pamamagitan ng paghawak ng aking kamay.





"Okay lang ba ang pakiramdam mo, Summer?" tanong ni Finn na puno ng pag-aalala. "Oo naman, medyo kabado lang talaga," sagot ko sabay ngiti sa kanya.




Di nagtagal at tinawag na kami ng nurse na papasok na kami sa loob. Sumunod kami ni Finn sa nurse papunta sa loob ng consultation room kung saan makikita na namin ang OB-Gyne.



Pagpasok namin sa loob, may isang babae na tumayo at ngumiti sa amin. "Magandang umaga, Summer at Finn. Ako si Dr. Agustin, ang inyong OB-Gyne," sabi ng doktora.

Taste of Love (Taste Series #1)Where stories live. Discover now