FEEL ME 27: LOVE IN SADNESS

Magsimula sa umpisa
                                    

Alas sais na ng gabi nang ako ay magising kasabay nito ang walang tigil na pagtunog ng aking telepono dahil sa sunod sunod na mensahe ang dumadating rito. Agad ko namang kinuha ang telepono at dito laking gulat ko ng makitang tadtad ito ng mga mensahe't missed calls.

45 unread messages...

89 missed calls...

Lahat ng ito ay galing kay Raymond na hanggang ngayon ay sge pa rin ang text sa akin.

Opening messages...

From Raymond:

-Good morning Hon. Eat your breakfast ah...love you

-Good noon Hon. Im sorry love you.

-Good afternoon Hon. Kamusta kana?

-Reply ka naman oh.

-I miss you.

-Good evening Hon. I love you.

-Im really sorry.

- :(

Ilan lamang iyan sa mga mensaheng ipinadala sa akin ni Raymond ngunit naiinis pa rin ako sa kanya kaya't minabuti kong isilid na muna sa aking bulsa ang aking telepono. Makabubuti rin ito upang hindi ako makaramdam ng lungkot.

Noong mabasa ko ang mga mensahe niya ay bigla na namang nagbalik ang kalungkutan at sakit dulot ng huwad na pagasang ipinakita sa akin na labis kong ikinainis. Namalayan ko na lamang na dumadaloy na naman ang mga luhang gawa sa sakit at kalungkutan kasabay nito ang paghimas ko sa aking dibdib dahil parang sumisikip ito.

Labis kong mahal si Raymond kung kaya't ganito na lamang ako kung maapektuhan. Nagmahal lang naman ako bakit humantong pa sa ganito ang lahat. Ibayong kirot ang lumukob sa aking dibdib sa mga oras na ito.

Ilang minuto ako sa ganoong pagdadalamhati ng maramdaman kong gumagaan na ang aking nararamdaman. Napagpasyahan kong magtungo na muna sa parke malapit sa dalampasigan kung saan ang paboritong lugar namin nina Andrew at Ethan. Bago iyon ay bigla na lang tumunog ang aking messenger app at dito nakita kong gusto makipag face time nina Andrew at Ethan.

Connecting call...

"O bakit?" Saad ko sa kanila.

"Kamusta ka na? Nasabi sa amin ni Max yung nangyari." Saad ni Andrew at makikita mo ang pagaalala sa kanya.

"Mall tayo gusto mo?" Saad pa ni Ethan sa akin

"Hindi na muna Ethan asikasuhin niyo na muna mga jowa niyo baka maagaw pa 'yan haha. O sge na maya na aalis na muna ako." Saad ko pa habang bahagyang tumatawa.

"Namoo. Mahal kami nun no haha. Bye mamaya nalang ingat ka sa lakad mo. We love you. Mwuahps." Saad ni Andrew sabay patay ko sa tawag

Call ended.

Kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungo sa parke suot ang isang cycling shorts at hoody na kulay gray dahil sa maginaw dito sa labas. Ilang minuto pa ako sa paglalakad ng marating ko ang parke. Tahimik ang paligid walang katao tao ngunit sa pagdaan ng isang sasakyan, natamaan ng liwanag nito ang isang bench sa may dako roon at dito ay nakita kong may tao na parang umiiyak din. Agad ko itong nilapitan at tama nga ako na siya ay umiiyak. Buti nalang at may panyo sa aking bulsa na siyang aking ibinigay dito sabay upo.

Tahimik at malamig sa paligid...

Napakasarap ng hangin sa paligid at maganda itong lugar upang makapagisip isip, ang sarap nito sa pakiramdam lalo kung ang hangin sa paligid ay dumadampi sa aking balat.

Nasa ganoong pag namnam ako nang bigla nitong binasag ang katahimikan na lumulukob sa amin.

"Salamat. Siya nga pala naparito ka rin ba upang makapag isip isip?" Tanong nito sa akin at dito natitigan ko ang kanyang mukha. Mapula ang labi, may bilugang mata at kulay berde ito, may mahaba at waggy na buhok at masasabi kong maganda ito.

"Ah oo e...may kinalaman ba ang pagibig kung bakit ka umiiyak ngayon?" Tanong ko sa kanya at bahagya akong napahagikhik ng tawa.

"Oo rin. Kasi may isa akong lalaking minahal ngunit pinaglalaruan ko ito. But don't judge me cause I have my reasons why i'd do that." Wika niya habang nakayuko.

"No, no, I won't judge. In fact, love is one of the crucial aspects in our lives to engage such. But we can't say that it is worth fighting for or not. Besides it's our choice anyway." Wika ko habang nakatingin sa kawalan.

Natahimik naman ito sa aking sinabi at sige ito sa pagtango. Ilang sandali kaming binalot ng katahimikan ng bigla na naman itong magsalita.

"Anong isyu mo sa love life?" Takang tanong nito sa akin.

"Ako kasi may mahal akong isang tao ngunit parang ako ang napaglaruan. By the way, I am Malcolm Charls Sandoval." Turan ko sa kanya sabay lahad ng aking kamay na kanya namang inabot at nakipagkamay.

"Oh, I'm Lesley Dawn Y Padrones. Nga pala ikaw yung panay ang titig sa akin noon nong ako ay umiiyak dito sa parke. Ako ang lalaking weird na nakita mong umiiyak, mataghiyawat, neird, at panget haha." Saad nito na may ngiti sa kanyang mga labi na labis kong ikinagulat.

Nasa ganoong pagkagulat at pagtataka ako ng biglang may sumagi sa aking isipan. Isang pangyayaring nagtutugma sa kanyang mga sinasabi.

PAGBABALIK ALAALA...

Ilang sandali pa at narating din  namin ang lugar kung saan parati kaming nakatambay noong high school pa lamang kami.

Agad kaming bumaba sa kotse at nagtungo sa isang bench upang doon umupo.

Habang kami nakaupo ay may napansin ako bandang may seawall na dalawang lalaki at ang isa ay umiiyak. Maya maya'y parang nagsasagutan sila at biglang umalis ang lalaki. Dito, naiwan ang lalaking nakaglasses, mataghiyawat at payat na umiiyak at agad na ito nagtatakbo nang mapansin nito na nakatingin ako sa kanya.

END.

Marami pa kaming napagusapan na dalawa at napagalaman kong transgender na pala ito galing sa bansang Spain at anak ng congressman dito sa lungsod. Sa mga oras na ito ay nabaling ang aking atensyon at inabala ang aking sarili sa pakikipagusap ko sa kanya.

Tila nakahanap kami ng karamay sa katauhan ng isa't isa at dahil na rin siguro sa kaparehong dahilan at sitwasyon ang aming napagdaanan ay mabilis kaming nakapagpalagayan ng loob.

Makalipas pa ang ilang sandali ay napagpasyahan na naming umuwi pero bago iyon ay nakipagpalitan na muna ito ng numero ng telepono at nasa ganoong posisyon kami ay biglang may humintong sasakyan at bago pa man ito makasakay ay niyakap na muna ako nito ng napakahigpit.

Napagpasyahan ko na ring umuwi at habang tinatahak ko ang daan pauwi ay nakakaramdam akong may sumusunod sa akin. Ilang saglit pa ay diko na matiis ang aking pagkakyuryos kaya't agad ko itong nilingon, dahan dahan hanggang sa makaharap ako at dito ay laking gulat ko sa aking nakita dahil siya ang lalaking palaging nakamanman sa akin. Dahil sa pagkabigla at takot na baka mapahamak pa ako ay dali dali akong nanakbo.

"Teka lang!!" Sigaw nito habang abala pa rin ako sa pagtakdo. Dahil sa pagkabigla ay di ko na namalayang nakarating na ako sa bahay.

Agad akong pumanhik sa aking silid habang hinahabol ko ang aking hininga dahil sa pagod na pagtakbo. Ibinagsak ko ang aking katawan at isinawalang bahala ko nalang ang mga kalungkutan, pagkabigo, at panghihinayang. Dahil sa labis na pagod ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Wala na akong maalala pa.

To be Continued...

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon