FEEL ME 27: LOVE IN SADNESS

Start from the beginning
                                    

Kasabay nito ang pagbalikwas ko ng bangon at ramdan ko ang pamamasa ng aking pisngi dahil sa pag agos ng aking mga luha. Parang totoo ang aking napanaginipan dahil sa parang totoo ang aking nakita. Siguro dala lamang ito ng aking matinding emosyon kung kaya't kung ano anong eksena ang nalilikha sa aking malikot na isipan.

Sariwa pa rin sa aking isipan ang mga kaganapang naganap kagabi wari'y sira itong plaka na paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan.

Nakakatakot sumugal sa pag ibig kung hindi ka sigurado sa lahat ng mga bagay na maaaring maganap lalo na't hindi pangkaraniwan ang aking kinasangkutang relasyon. Sa bandang huli ako pala ang talo sa pagsugal sa ganitong uri ng  relasyon.

Nasa ganoong pagmumuni muni ako ng biglang gumuhit ang labis na kalungkutan sa aking mukha at kasabay nito ang pagdaloy ng mainit na likidong galing sa aking mga mata. Masakit at sariwa pa rin ang mga sugat sa aking dibdib dahilan para patayin ako nito ng paunti unti hanggang sa mawalan ako ng lakas.

Nasa ganoong paghihinagpis ako ng biglang may kumatok sa aking pintuan ng silid kasabay nito ang pagpasok nila mama, papa, at kuya habang dala ni mama yung tray na may lamang pagkain. Agad ko namang pinunasan ang aking luha at inayos ang aking sarili at pilit na kumilos ng normal.

"Breakfast in bed nak." Saad ni mama sabay latag ng aking pagkain sa side table ko. Sumampa si kuya sa aking higaan at niyakap ako nito ng mahigpit habang sina mama at papa naman ay humalik sa aking noo't pisngi. Ang pagmamahal nila ang nagsisilbing aking pag asa upang ako ay makabangon sa pagkakalugmok. Nasa ganoong pagyakap sa akin si kuya ng hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa mga bisig nito, hinimas niya agad ang aking likuran para ako ay icomfort.

"Anak may problema ba?" Nagaalalang wika ni papa.

"Wala naman po papa. Masaya lang ako't nandito kayo." Tugon ko habang patuloy parin ako sa pagiyak.

Kahit papaano ay may panibagong araw rin ang sumibol para magkasama sama kami ngayon. Batid kong alam nila na may hinding maganda ang nangyayari kung kaya't andito sila.

"Pumunta dito si Raymond kagabi at lasing ito ngunit hindi ka na namin ginising pa dahil sa mahimbing ka ng natutulog at batid na namin ang lahat ng nangyari dahil sa pinaamin ko ito. Nung malaman ko ang mga pangyayari ay sobrang galit at inis ang lumukob sa akin na naging dahilan upang masuntok ko ito at nagpangbuno kami sa lupa." Saad ni kuya habang hinihimas ako nito sa likod sabay halik sa aking noo. Wala akong naisagot at niyakap ko nalang ito ng napakahigpit.

"Kung may problema ka anak huwag mo namang kimkimin matuto kang sabihin ito sa amin dahil labis kaming nagaalala sayo." Saad ni mama at hindi na niya napigilang hindi mapaluha kaya niyakap nalang ito ni papa habang ako ay tumayo at niyakap ko sila mama at papa ganoong din ang ginawa ni kuya.

"Opo mama. Sorry papa at kuya kung pinagalala ko kayo. Mahal na mahal ko kayo." Saad ko at dito ay inakap nila ako ng mahigpit.

Tila nabawasan ang bigat ng aking loob na aking dinadala. Nakahanap ako ng karamay sa mga katauhan nila mama na nariyan upang ako ay gabayan at alagaan. Labis na pasasalamat ang aking nararamdam dahil sa binigyan ako ng mga magulang at kapatid na katulad nila.

Ilang sandali pa ay sinamahan na muna ako nila mama sa aking silid upang bantayan at hindi makaramdam ng lungkot. Tawanan, kulitan, at asaran ang aming ginawa sa aking silid hanggang sa makaramdam ako ng pagod at antok. Sinabihan ko naman sila mama na magpapahinga na ako dahil sa pagod na kanila namang sinang-ayunan.

Agad na akong sumampa sa aking higaan at ganoon din si kuya inakap ko ito ng mahigpit habang hinalikan ko naman sa pisngi sina mama at papa bilang pasasalamat sa pagdamay at pagsama nila sa akin. Nasa ganoong posisyon ako nang biglang bumigat ang mga talukap ng aking mata at agad na nakatulog. Wala na akong maalala pa.

Feel Me 2020Where stories live. Discover now