Prologue

4K 166 34
                                    

• • Φ • • 

Everything feels cold and wet. The surrounding seems serene yet something makes me feel uncomfortable.

I'm starting to be curious about everything that is happening around me so I opened my eyes only to find out that I'm not in my bed. I'm what...

I looked around. Different types of fish are swimming at different directions. Their tails are swiftly moving as they swim through the blue ocean. The sea grasses are dancing with the graceful rhythm of the waves.

How come? Paanong nasa ilalim ako ng tubig? I thought I was just sleeping peacefully on my bed. This might be a dream. No, this should be a dream.

I've realized that I am not choking to death. Nakakahinga ako. Panaginip nga lang.

Tumingala ako at nakita ko ang liwanag na sobrang taas pa. Halatang hindi ko kayang languyin 'to.

Isinawalang bahala ko na lamang ito dahil hindi naman ako mamamatay sa panaginip na ito.

Dahil hindi ko naman alam kung anong dahilan kung bakit ako naririto, inilibot ko na lamang muli ang paningin ko.

Napukaw ng isang makinang na kulay bughaw...luntian...lila? Hindi ako sigurado kung ano nga ba ang kulay ng isda dahil nagbabago ito kapag gumagalaw ang buntot nito.

Sinundan ko ang nakakaakit na nilalang hanggang sa hindi ko na namalayan na napalayo na ako sa pwesto ko kanina.

Nagtaka ako nang biglang lumangoy papaikot ang isda hanggang sa naglabas ito ng isang nakakasilaw na liwanag. Napapikit ako nang mariin dahil hindi kayang tiisin ng mata ko ang sakit na dulot ng pagkasilaw.

Pagmulat ko,  wala na ang isda. Bagkus, isang kulay asul na bilog ang umiilaw sa harapan ko. Sa loob nito ay mayroon pang ilang layer ng bilog na may nakasulat na kung ano-anong letra at simbolo. I didn't really know kung ano ang mga nakasulat dito and God knows, wala akong ideya kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.

Sa gitna, kung saan nakalagay ang pinakamaliit na bilog ay nakalagay ang ♏︎na simbolo. If I remembered it correct, this is the symbol of scorpio.

Marahan itong umalis sa bilog at unti-unting lumutang papalapit sa akin. Unti-unti rin akong umatras ngunit kahit anong gawin ko ay sumusunod lamang ito.

Whatever this is that's happening, it's creeping me out.

Lumangoy ako papalayo sa simbolo at hindi ko na ito binalikan ng tingin. Ang mahalaga, hindi ako malapitan nito—

Napakapit ako sa batok ko nang maramdaman ang  isang mahapding sensasyon mula rito. Tila pinapaso ito isang mainit na bakal na isinalang sa apoy. Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko upang indahin ang sakit.

Kahit nababalot ng tubig ang buong katawan ko, ramdam ko ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. I'm literally crying under the sea.

When will this pain end?

"Ali? Ali!" Napabalikwas ako ng bangon at humihingal na napahawak sa dibdib ko nang maramdaman ang pag-alog ni daddy sa balikat ko. Tila kinakapos ako sa hininga nang magising ako mula sa panaginip na iyon. 

"Are you alright? Why are you crying?" Pinunasan niya ang basang pisngi ko gamit ang isang bimpo.

"It's just a bad dream, dad."

"Get up and go get ready for school. I'll wait on the dining room," sabi niya bago lumabas ng aking silid.

I guess I'm too unfortunate to have such a bad dream.

Nagsimula na akong tanggalin ang mga saplot ko nang may maramdaman akong mahapdi sa ibabang bahagi ng batok ko. Tumalikod ako upang tingnan ang parteng ito sa salamin. 

What the—

The symbol of Scorpio is now marking the lower part of my neck. It looks neatly engraved there, like it was normally imprinted on my nape. It's good though. 'Yon din naman ang zodiac sign ko. Pero delikado ako sa panahong malaman ito ni Dad.

Bahala na si Lord.

• • Φ • •

Spellcast: Seeking the AdderstoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon