Chapter 17

99 28 13
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽𝚃𝙴𝙴𝙽


KINABUKASAN nagising ako dahil sa ingay ng aking cellphone. Agad akong tumayo at agad tiningnan kung sino ang caller. Si Tanya lang pala, isang tawag mula kay Tanya.



"Hello?" bungad ko nang sagutin ang tawag.

Lumabas ako sa kwarto ni Finn at nagmartsa patungo sa kusina.

"Summer, kumusta ka na?" ang masiglang boses ni Tanya ang bumungad sa akin sa kabilang linya. "Ayos lang naman ako. Kumusta ka? Anong nangyari sa'yo?" tanong ko, puno ng pag-aalala.

Nagpatuloy si Tanya sa pagkuwento ng mga pangyayari noong nakaraang araw. "Nag-away kami ni Kiethird, Summer. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kailangan kita, Summer. Kailangan ko ng kaibigan ngayon," aniya, may bahid ng lungkot sa kanyang boses.

Naramdaman ko ang bigat ng kanyang mga salita. "Nandito ako para sa'yo, Tanya. Saan mo gusto magkita? Bibigyan kita ng suporta sa anumang desisyon mo." I stuttered.

"Nasa bahay lang ako, Summer. Puwede ba akong pumunta diyan?" tanong niya, tila ba naghahanap ng karamay.


"Oo naman, Tanya. Pumunta ka na lang dito sa uhm—condo ni Kuya Finn. Magluluto ako ng agahan para sa atin," I responded ko, puno ng pag-aalala.

Matapos ang maikling pag-uusap, nagluto ako ng agahan para sa amin. Nagluto ako ng aking pinakamasarap na pritong itlog, sinangag, at may kaunting prutas sa gilid. Pagkatapos, agad akong naligo at nagbihis ng seksing damit. It's just a white short and a white fitted croptop.

Nang matapos akong mag-ayos, tahimik na lumabas ako ng kwarto. Napansin ko na tulog pa sina Finn at Sorrel. Kagabi pagkauwi namin ay gustong makitulog ng bata sa kuwarto ni Finn, dahil gusto niyang makasama kami ni Finn, kaya nga, tulog na tulog pa; pinagmasdan ko sila sandali bago ako tumungo sa kusina upang hintayin si Tanya.

Sa pagdating ni Tanya, agad ko siyang niyakap. "Kumusta ka?" tanong ko, puno ng pagmamalasakit ang aking tinig.

Nang marinig ni Tanya ang aking boses, namilisbis ang butil ng luha sa kanyang mga mata. "Salamat, Summer. Salamat sa pagiging nandito para sa akin," bulong niya, puno ng pasasalamat.

Tahimik na kaming nag-almusal, ngunit ang presensya ni Tanya ay nagdulot ng kakaibang lungkot sa akin. Sinabi niya sa akin ang kanyang mga hinanakit at lungkot, at sa bawat salita, mas lalo kong naiintindihan ang kanyang pinagdadaanan.

"I hate him, Summer, he cheated on me." wika niya, habang kumakain ng pritong itlog.

I tap her shoulder. "Tanya, hayaan mo nalang. Let him realize na hindi tama yung ginawa niya sa'yo." I responded, na may simpatiya ang aking boses.

Taste of Love (Taste Series #1)Where stories live. Discover now