CHAPTER 1: The Architect and The Engineer

9 1 1
                                        


Kasabay ng pagsikat ng araw ay ang panibagong araw sa buhay ni Denice. Si Denice ang no. 1 architect sa Pilipinas. Sabi nila nasa kaniya na lahat. Maganda, matalino, no. 1 siya sa ALE, at siya rin ang isa sa mga pioneer ng eco friendly and sustainable skyscrapers sa Cavite. Yun nga lang wala siyang jowa. Pero okay lang, nakapagtayo na rin siya ng sarili niyang kompanya. Pero sapat na nga ba un?

"I am here presenting you the 3-year project for the Cloud Community: A City in the Sky. This 3 year project aims to build an eco-friendly and sustainable community in the mountains of Cordillera. A city that also preserves the indigenous cultures and traditions of our fellow Igorots."
...

"To end this note, this project, as always, centers our firm's motto, "To the world, we are one with nature!" Again, thank you and Mabuhay ang T Corporation"

Masigabong palakpakan ang bumalot sa conference room.

Paglabas ni Denice ay siyang bunto ng kaniyang secretary, si Tay.

"Ma'am, tumawag si Mr. Qian, pinasa niya na raw po sa email niyo ung proposed project sa China..."

"Okay titingnan ko, ako na rin tatawag sa kaniya."

"Tsaka ma'am sabi ni Mr. Ko pumayag na raw po si Jaehyun mag model para dun sa project natin sa Palawan."

"Good good! Please set a meeting with them for contract signing."

"Will do, Ma'am. And may tumawag pala ma'am, Ms. Veronica raw tinanong ko kung ano pong ipapasabi niya pero sabi niya sabihin ko lang daw po pangalan niya."

"Ah okay sige, ako na lang tatawag sa kaniya."

-----

"... yes Mr. Ko, see you tomorrow. Thank you so much!" sabay baba ng cellphone.

"Tay, punta lang muna ako sa cafe, tawagan mo na lang ako if may important stuff. And next week pala, I'll be on Palawan for our project, one week ako mawawala, okay lang ba ikaw muna rito?"

"Ah sige po. Wala naman po akong naka-planong gawin next week." sagot ni Tay.

"Salamat, Tay." sabi ni Denice na nakangiting parang aso.

-----

Pumasok si Denice sa isang cafe at umorder ng Long Black. Umupo siya sa dulong bahagi kung saan wala gaanong tao at binuksan ang laptop niya.

As usual, nag-resespond lang siya sa mga email, at sumasagot ng mga tawag. Nasasakal kasi siya sa office kaya madalas ay sa cafe siya gumagawa ng trabaho. Maganda ang ambiance, at sa di malamang dahilan, napapakalma siya ng mahinang pag-uusap ng mga tao.

Nabasag ang katihimikan niya nang marinig niya ang isang grupo na naguusap nang malakas.

"Oh ayan ayan, libre mo naman kami top notcher ka sa board exam tapos walang pa-celebrate man lang." Sabi ng isang babae.

"Oo na oo na, kaya nga tayo nandito eh." Sabi ng lalaki.

Napatingin si Denice sa lalaki. Napansin niya ang magandang ngiti nito na sinasabayan ng singkit niyang mga mata, eye smile ba, kasama nito ang mapilantik niyang pilik mata, kapansin-pansin ang maganda nitong ilong, at sa di malamang dahilan, na-attract siya sa mga butas nito sa tenga.

"Ten-" tawag ng isa pa niyang kasama.

"Ten ang pangalan niya" napabulong si Denice sa sarili.

"- ay mali pala, engineer Ten ka na pala."

"Hng? Engineer, anong field? Teka teka Denice, ano bang iniisip mo." bulong ni Denice sa sarili. "Kumalma ka nga" sabay sampal nang mahina sa sarili.

-----

Kinabukasan pagpasok ni Denice sa office niya, ay siyang sunod ni Tay. "Ma'am ito nga po pala ung mga nag-apply sa job opening natin."

TenDe (텐데: Timeless)Stories to obsess over. Discover now