Chapter 1

7 2 0
                                    

"We were wasted when drunk, but coward when sober"

-Lovely's diary-

Unti-unti na akong kinakabahan noong kami ay papalapit na sa may entrance ng bar nila Monica at Audrey. Napahinto muna ako para bumuntong hininga.

Ano ba 'tong ginagawa ko?

Tama ba na magpakalasing at magpakatanga ako sa hinayupak na Ludus na yun?

Well in fact Alam ko namang player ang kumag na yun, pero nagpauto pa rin ako.

"Hoy, ano ba papasok ba tayo o itutulog mo nalang yan?, takang tanong ni audrey

"Ulol ka audrey barek lang katapat nan, kung sa bagay di mo pa nararanasang mainlove at masaktan! "

"Shut up Monica, obssessed ka noh hindi inlove! ", pabalang na sagot ni audrey at nagtaas pa ng kilay

Ewan ko ba kung bakit kami magkakaibigan, iba iba pa naman kami ng ugali. Mixture ng tanga, obsessed at yung isa naman puno ng sikreto at surprises.

"Kaya nga nag-eexist ang obssessive love kase LOVE pa rin yun noh,  kaya 'wag ka nga", depensa ni Monica habang nakapout pa

Napatawa na lang ako sa kanilang dalawa, parang mga bata kasi.

Anong tinatawa mo dyan PrInsEsA?,  pagtataray ni audrey na sinundan pa ni Monica

"Oo nga! Ikaw nagdala sa'min dito Lovely", may pagtataas pa ng kilay si Monica

"Correction lang, sasakyan at mga paa natin ang nagdala sa'tin dito okay", pamimilosopo ko

"Broken ka ba talaga o nagiinarte ka lang? ", sumbat sa'kin ni Monica

"Ewan ko, Basta pumasok na nga tayo"

Agad kong kinawit ang kanang braso ko kay Monica at ang kaliwa naman ay kay audrey.

Pagpasok palang namin ay agad na naming nakita si Ludus sa pinakasulok na parte kasama ang tatlong babae sa table at yung isa nakakandong pa sa hita niya.

A Player will never be afraid to caught him cheating.

Anyway, break na kami so di na cheating yun?

Nang magtama ang aming mga mata ay agad siyang umiwas. Weird, kasi dapat ako ang umiwas ng tingin.

No'ng makita ni audrey na nakatingin ako sa gawi nila Ludus ay agad ako nitong hinatak sa kabilang table malayo sa kanya, pero bahagya ko pa rin siyang tanaw.

Naglapag naman ng limang boteng beer at tatlong boteng san mig si Monica sa table.

"Parang marami yan ahh?"

"Hindi ka lang broken noh, babarek din ako!",
Seryosong sagot niya

"Problema mo Monica? " nag-aalalang tanong ni Audrey.

"Well, nakita ko lang naman dumating si Phil kasama yung bruhildang Angie na yun.", inis niyang singhal

"Malamang nandito talaga yung dalawang yun noh"

"Tropa kaya nila si Ludus", dagdag pa ni audrey habang hawak ang isang bote ng beer.

Mariin na pinatong ni Monica ang bote sa table at tumingin sa'ming dalawa ni audrey ng matalas.

"Yeah. Tropa nga si Phil at Ludus, pero si Angie palabas niya lang yan para malandi si Phil"

"Okay okay, chill Monica! "

"Iinom nalang natin lahat ng sama ng loob", pagkukumbinsi ko

Sinimulan ko na rin uminom ng beer habang may chaser na tubig.

"Pakla naman nito ohh", reklamo ko sa kanila

"Malamang alak nga ehh"

"Huwag ka nga dyang magreklamo parang first time mong uminom ahh!",  pabalang na sagot ni Monica

Isang bote palang ang iniinom ko at tinatamaan na ako, feeling ko lumulobo na yung ulo ko at ang gaan ng gaan ng katawan ko.

Nagsimula nang tumayo si Monica at lumapit sa table nila Phil. Palibhasa lasing na ang babaita at nakatatlong bote na.

Ginawi ko ang mata ko para hanapin si audrey,  ang kaso di ko na mahagilap at ang dami nang nagsasayaw sa gitna.

Hirap naman kapag ang alcohol tolerance mo ay mababa, lasing ka kaagad at nawawala ka sa ulirat.

Pinagmamasdan ko lang yung paligid ng matanaw ko ang malalim na tingin sakin ni Ludus. Pinaningkitan ko siya at umiiling iling pa.

Tatayo na sana ako ng upo para hanapin yung dalawang babaita na mapansin kong may kamay na palang nakapulupot  sa balikat ko. May tama na talaga ako dahil 'di ko na 'to napansin 'yon kahit naka black off shoulder lang ako.

"Excuse me, tatayo ako"

Agad kong tinanggal yung kamay niya sa balikat ko at nang akmang tatayo na ako ay agad niya akong hinila kaya napaupo ako sa kanyang hita.

Pinulupot niya ang dalawang braso sa waist ko at sinandal ang kanyang ulo sa likod ko. Hindi ako makagalaw at makahinga sa ginawa niya. Nagpumilit akong alisin ang kanyang kamay pero lalo niya  pa itong hinihigpitan.

"Ano ba!? "
"Tanggalin mo nga 'yang kamay mo", irita kong usal

Pinakawalan niya 'ko, pero agad rin niyang hinatak ang aking kamay paharap sa kanya.

"Huwag ka ngang pakipot, nandito ka para makipaglandian diba", mapang-akit niyang sagot

"Siraulo kang hinayupak, 'wag mo nga akong hawakan! ", malakas kong sigaw habang nagpupumiglas

Nagulat nalang ako ng bigla nalang itong bumagsak sa sahig.

Inangat ko sa kanan ang akin tingin at nakitang nakatayo roon si Ludus. Akma na mang babawi ng suntok yung lalaki kaya agad namang umiwas si Ludus at muling sinuntok ito.

Hindi pa nakuntento si Ludus at agad na pinaulan ng suntok, kahit pa 'di na ito lumalaban. Marami na rin ang nakikinood, animo'y palabas sa telebisyon.

Bar nga pala 'to. 'Di mo alam kung sino ang may magandang loob.

Agad namang inawat ni Phil si Ludus kaya natauhan rin ito sa ginawa. Nawala yung tama ko nang tumayo ito at galit na galit na tumingin sa'kin.

"Sumunod ka sa'kin", utos niya

Lumingon pa ako para hanapin yung dalawang babaita pero di ko pa rin sila nakita, kaya tumingin ako kay Phil para humingi ng tulong.

"Just follow him", mahinang tugon niya

He's the rule that she must follow, but she keeps breaking that rule.

-Author's pov

Mischievous LoveWhere stories live. Discover now