MRML 63: BIG TWIST

Start from the beginning
                                    

" Bal, Mahal ko din si Ella, at gusto kong maging masaya siya, kahit na hindi pa ako yung maging dahilan ng kasiyahan niya bal." Sambit ni Gia

" Anak, minsan kaming dinaig ng galit at pagiging makasarili, sa kagustuhan naming maangkin ang mga bagay bagay." Sambit ni Mom

" Bal, tinangka ko ring angkinin si Ella, pero walang saysay kung kasama mo nga siya, mapapasayo nga siya pero hindi naman siya masaya dahil iba ang sinisigaw ng puso niya." Sambit ni Gia

Naiyak ako ng tuluyan, parang naglaho yung maitim na bumabalot sa akin. 

" Pero sa huli pinili ko pa rin ang kalimutan ang sarili ko para sa babaeng mahal ko. Sinalo ko ang bala na dapat sana tatama sa kanya, at dun ko napagtantong kay sarap pala sa pakiramdam na magsakripisyo para sa minamahal natin." Sambit ni Gia

" Anak, nandito lang kami lagi ni Gia nakakagabay sayo, hinding hindi ka nag-iisa Guin, kaya anak, gawin mo na ang tama, mabuti kang tao anak at ikaw mismo kilala mo ang sarilli mo." Sambit ni Mom

" Bal?." Sambit ni Gia at hinawakan ang kamay ko

" Tuparin mo ang pinangako mo sa akin na poproteksyonan mo si Ella at gagawin mo lahat para mapasaya siya." Sambit niya, umiiyak ako at niyakap si Gia. 

" Miss na miss na kita Kambal ko, Bestfriend ko, nung mawala ka nawalan ako ng kakampi." Sambit ko

" Hindi ako nawala Bal, marahil sa paningin mo lang siguro pero narito lang ako bal, konektado mga puso natin." Sambit ni Gia

Nagyakapan kaming tatlo..

" Guin! Guin! Iha!." Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko si Tita Barbara 

" TI-Tita?." Sambit ko

" We're ready, asan na si Ella?." Sambit niya

Wala akong magiging kalaban laban kung kakalabanin ko sila ngayon din, kayo bibitagin ko nalang sila. Gabayan nyo ako Mom, Gia, gagawin ko na ang tama. 

End Of Flashback

" Patawarin nyo akong lahat, sa pag-iisip ko ng masama noon, masyado ko lang minahal din si Ella, nakalimutan kong nagiging demonyo na pala ako." Sambit ko

" Kalimutan na natin yun Guin, ang mahalaga ay napagtanto mo lahat at siyempre salamat sa Mom mo at kay Gia, hanggang ngayon, hindi pa rin tayo pinapabayaan ni Gia, gaya ng pinangako niya bago siya mamatay." Sambit ni Ate Alice

" Nakakainis ka talaga Guin, kumulo pa naman dugo ko sayo! I hate you!." Sambit ni Nile at nag pout, natawa nalang kaming lahat. 

" So Guin, alam na siguro ni Gabb ang tunay mong motibo?." Sambit ni Coco, nginitian ko lang siya


Gabb's P.O.V

" Gabb, heto na yung rings, check mo kung maganda ba." Sambit ni Dian

Napangiti ako at tiningnan ko ang singsing. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"My Rival; My Love"Where stories live. Discover now