PT: CHAPTER 3⚬Mendoza Cousins_4

Start from the beginning
                                    

"Sige na, Takeshi.."

"Pero pag-umalis kayo, sinong makakasama ko rito? Ya, naman.. Akala ko po ba hindi kayo kagaya ni Mommy- ni Victoria?"agad kong binawi ang sinabi ko.

Mommy? What the fvct.

Humawak ako sa handrail ng hagdan.

"Takeshi, Ina mo parin siya." sita ni Yaya at bahagya pa akong hinampas sa braso.

Doon ko na hinarap ko si Yaya. "Ya, Ina?" hindi makapaniwalang tanong ko. Sinabayan ko pa 'yon ng pag-iling. "Ya, sa tingin mo.. ina ang tawag sa kanya?"

"Takeshi-!"

"May Ina po bang nang-iiwan ng anak?!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng bosses ko. "She's not my mother.. and she'll never be." madiing sabi ko.

Ang lakas lakas ng tawa ko sa labas pero sa loob loob ko, durog na durog na ako. Hahaha!

"Takeshi!"

Hindi ko na pinasin si Yaya at dumiretsyo na palabas.

Pagkarating ko sa gate ay isinuot ko na ang earphones na nasa bulsa ko. Every time naman na nagjojoging ako ay palagi akong nagsusuot ng earphones. Nag stretching muna ako. Pagkapos ay nagtimer na ako. Nag set ako ng 15 minutes at saka lumabas na.

Naisipan ko na dito lang ako sa loob ng Subdivision namin. Dito lang ako magjojoging. Kumbaga ay ito na yong time para maikot ko na ng tuluyan itong Subdivion. Dati kasi ay isang daang metro lang ang tinatakbo ko at pagtapos no'n ay doon na ako lalabas ng Subdivision.

Masipag ako ngayon. At ang pagjojoging ko ngayon ay hindi para sa katawan ko. Para to sa isipan kong mabigat na gustong gusto kong pagaanin ng sobra. Imposible kaya yon? Haha.

"The timer starts now.." pagkapindot ko ng start ay nasimula na akong tumakbo.

Habang tumatakbo ako ay naisip ko yong kanina. Pakshit lang. Bat lagi nalang akong iniiwan?

Bata palang ako ay si Yaya Gie na ang nasa tabi ko kaya hindi ko siya kayang i-give up nang ganon ganon nalang. Sabihin mo ng selfish ako pero.. hindi ko kayang mawala si Yaya sa tabi ko. Mawala na lahat ng kotse ko, wag lang si Yaya. Sabihin mo narin na OA ako, (Over sa pagka-Adorable), pero gan'on 'yong nararamdaman ko. Feeling ko, pagbumalik na si Yaya sa kanyang pamilya ay malilimutan na niya ako. Shittt!! Naiintindihan ko rin naman siya. Alam ko na may sakit na cancer ang anak niya, noon paman. Sobra nga yong hiya ko kanina dahil sa tanong kong How about me? .

How about her daughter, too, Zyian?

Napailing nalang ako.

"Siguro nga.. ito na yong time. Ito na yong time para mamuhay ako nang hindi umaasa at dumidipende sa ibang tao."

Napahinto ako dahil sa narinig ko. Agad kong tinaggal ang earphones ko at sak ako luminga linga para hanapin kung saan ba ng galing ang bosses na 'yon.

"Siguro nga.."

Dahan dahan akong napatingin sa likod ko, sa bandang kaliwa ko. Nakaupo ang babae sa plantbox. Hindi pa abot ng kanyang paa ang kalsada.

"Tama.."

Nagsalita ulit siya, patang-tango pa. Dahan dahan naman akong humakbang nang paatras. Lumayo rin muna ako ng isang metro sa kanya. Kita ko ang kabuoan niya. Nakasuot siya ng kulay pink na jacket, pantalon na rip jeans at sapatos na ang kulay ay puti. . Yong buhok niya ay nakapasok sa hood ng kanyang jacket pero yong kalahati ng kanyang mukha ay natatakpan ng panyo. Lumapit na ako sa kanya at walang ginawang ingay na inilapit ang mukha ko sa kanya. Nakapikit kasi ito kaya hindi niya nakita ang papalapit na mukha ko sa mukha niya.

PERFECT TWO Where stories live. Discover now