MRML 62: SACRIFICE

Magsimula sa umpisa
                                    

" Sige sige, Daryll maiwan ka dito, ikaw sasalubong kina Ecka at sa iba." Sambit ni Gabb

" Sige Gabb, Dian, mag-iingat kayo." Sambit ni Daryll.

" Nile, antayin mo kami diyan, at mag-iingat ka." Sambit ni Gabb

" Yes Gabb, I will, kayo rin." Sambit ko

Gabb's P.O.V

" Let's Go Dian." Sambit ko

" Tara tara!." Sambit niya, at agad na pumasok sa Kotse, sumakay na rin ako, at nagsimula na magmaneho si Dian

" Napakahayop talaga ng Guin na yan. Gia, tulungan mo kami, alam mong hindi mo nais itong ginagawa ng kakambal mo" Sambit ko

Nakarating na kami sa Villa Cuerpo, nauna akong bumaba. 

" Dian, hanapin muna natin si Nile." Sambit ko, bumaba na rin si Dian.

" Maligayang pagdating sa lugar ng iyong kamatayan Gabb Skribikin!." 

Nanlaki ang mata ko kasi andito si Guin, at mga armadong lalaki na may hawak na mga baril, Teka pano niya nalaman? 

" Patawarin mo ako Gabb, napag-utusan lang." Sambit ni Dian sabay tutok ng Baril sa akin. 

" Traydor ka Dian! Magkaibigan pa naman tayo!." Sambit ko

" Kawawang Skribikin, ayan kasi bilis mo magtiwala hahahaha." Sambit ni Guin

" DEMONYO KA! SAAN MO DINALA SI ELLA?!!!." Sambit ko

"Kalma ka lang Skribikin, magkikita rin kayo, siyempre mabait pa rin naman ako, kaya hahayaan kong magkita muna kayo bago ko tapusin ang buhay mo!." Sambit ni Guin

" HAYOP! DEMONYO!." Sambit ko

" May isa pang nandito Guin, si Nile, Ipahanap niyo si Nile." Sambit ni Dian

Agad akong dinala sa isang kwarto at tinulak, at dun ko nakita si Ella, nakagapos siya at may piring sa mata at nakatakip sa bibig. 

" Oh, Mag-enjoy muna kayo. Bye!." Sambit ng baliw na Guin. matapos isara ang pinto at kinandado.

" Akin." agad akong tumayo at tinanggal ang tali ni Ella pati ang piring at nakatakip. 

" A-Akin? A-anong ginagawa mo dito?." Sambit niya at niyakap ako

" Si Dian, siya ang binayaran ni Guin para magmanman sa atin, siya rin ang nagdala sa akin dito." Sambit ko , umupo kami ni Ella sa sahig habang yakap ko siya

" NAPAKAHAYOP NI GUIN!." Sambit niya

" Sobra, sana di nila mahuli si Nile. si Nile nalang ang pag-asa natin, sana makatakas niya at makabalik kay Daryll dahil parating din sina Ecka dito." Sambit ko

" Akin, magpapakasal nalang ako kay Guin, kung yun ang tanging paraan para maligtas kita." Sambit niya na umiiyak

" No Ella, Hindi ako papayag, ayoko. Mas gugustuhin kong mamatay kesa sa makita kitang kinakasal sa kanya." Sambit ko 

" Mahal ko, wala na tayong magagawa, hawak na niya tayo sa leeg. hindi ko kakayaning may mangyaring masama sayo Gabb, Hinding hindi ko talaga kakayanin, kaya ako na magsasakripisyo." Sambit niya

" Hindi ayoko Ella, Wag please." Sambit ko at umiiyak

" Mahal na mahal kita Gabb, Tatandaan mo lagi yan ha? Gagawin ko to para mabuhay ka." Sambit niya habang hinahaplos ang mukha ko at umiiyak

" Ella, may iba pa namang paraan, Ella please, sabi mo hindi mo na ako bibitawan kahit anong mangyari." Sambit ko na umiiyak din

" Hindi ako bumibitaw mahal ko, kumakapit ako. Lumalaban ako para sa pagmamahal ko sayo, kaya magsasakripisyo akong pakasalan si Guin nang sa ganun, hindi ka mawala sa akin. Kahit sa kanya pa ako ikakasal, yung puso ko sayong sayo lang, ikaw lang ang pinaka huling mamahalin ko Gabb wala nang iba." Sambit niya

" Ella, mag-iisip ako ng ibang paraan, please mangako ka sa akin na hindi mo papakasalan si Guin, hindi please Ella. makakatakas tayo dito, please trust me mahal ko." Sambit ko sa kanya, napatango naman si Ella at niyakap ko ulit siya sabay halik sa tuktok ng ulo niya. 

Nile's P.O.V

Nakatakas ako sa kanila at nakarating din ako pabalik dito. 

" Daryll! Buksan mo please." Nanginginig na ako sa takot dahil baka nasundan ako, wag naman sana. 

Agad namang bumukas yung pinto.

" Ikaw ba si Nile?." Sambit ng isang magandang babae

" Ako nga po, sino po kayo." Sambit ko

" Nile!." Agad naman akong niyakap ni Daryll

" Nile, asan sina Gabb?." Sambit ni Daryll

" Traydor ang pinsan mo Daryll, Kasabwat siya ni Guin, Andun sina Gabb, Ella at Ate Lei dun. Wala na tayong oras, Maaga ang gaganaping kasal nina Ella at Guin." Sambit ko na umiiyak

" Hayop yang Guin na yan, multuhin sana yan ni Gia." Sambit naman ng isang babae din na di ko kilala

" Gusto ko sana kayong makilala pero wala na tayong oras kailangan na nating magtungo dun baka ano pa gawin nila Kay Gabb at Ella." Sambit ko

" Sige sige Tara na, Ako si Sela, Kapatid ni Gabb." Sambit niya

" Hello po Ate Sela." Sambit ko.

Agad na kaming sumakay sa Van at nagtungo sa Villa Cuerpo

Ella's P.O.V

" ANO AYAW MO PA RIN AKONG MAHALIN HA ELLA?." Sambit ni Guin

" Kahit mamatay pa ako ngayon, hinding hindi kita mamahalin Guin,Hinding hindi." Sambit ko

" Madali akong kausap Ella, Sino ba maysabing ikaw ang mamamatay ngayon?." Sambit niya sabay smirk

Nakita kong kinarga ng dalawang lalake si Gabb, andami niyang dugo, binugbog nila ang mahal ko. HAYOP KA GUIN! HAYOP KAYO!!!

" HAYOP KAYO! PAKAWALAN NYO SIYA!." Iyak ako ng iyak tinadyakan ko yung may hawak sa'ken at tumakbo kay Gabb,

" Akin, please hayaan mo na ako." Sambit ko sa kanya, nanghihina na si Gabb hindi ko kakayanin pag nawala siya.

" N-No p-please wag Ella please." Sambit niya

" Iloveyousomuch Gabb, Iloveyousomuch." Sambit ko at hinalikan siya ng madiin.

" I have to do this para sayo mahal ko." Sambit ko

" Pl-Please wag." Sambit niya

" Guin!." Sambit ko

" Yes? My Ella?." Sambit niya na nakangisi na parang demonyo

" Pakawalan mo si Gabb, magpapakasal ako sayo ng kusang loob at pangako di kita tatakasan." Sambit ko

" ELLA WAAAAG!." Sorry Gabb, Hindi ko kakayaning mawala ka. 

" O sige ba My Ella, Tumutupad ako sa Usapan, basta't magpakasal ka muna sa akin." Sambit ni Guin

" You have my word Guin, basta papakawalan mo si Gabb." Sambit ko

" Oo naman, basta pag kinasal na tayo, papakawalan ko siya." Sambit ni Guin

" Akin, Mahal na mahal kita ha? Sobrang mahal na mahal kita." Sambit ko at hinalikan ang noo ni Gabb, awang awa na ako sa mahal ko, sobrang hinang hina na siya, hindi ako sanay na ganito si Gabb. 


Wala na akong choice, Inaayusan na ako ngayon para sa kasal namin ni Guin, kasama ko si Nanay at Ate Lei. 

"My Rival; My Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon