But I ignored all of them. I also distanced myself from Samantha kasi ayaw kong madamay siya. Mabuti nalang at naiintindihan niya.

Humihingal na pumasok ang kaklase namin habang nakatingin saakin. “ Kamahalan. Si Samantha po. Pinatutulungan po nila sa baba! ”

Agad na pumunta ako sa ibaba kung saan maraming malalaki ang katawan ang nambubugbug kay Sam. Nag-igting ang panga ko at biglang nandilim ang tingin ko.

Mabilis na sinalag ko ang kamao nito at pinilipit dahilan para umigik ito. Sinulyapan ko si Sam. Puno ng dugo ang katawan niya.

Mabilis kong binuhat si Sam at kinumpas ang kamay ko dahilan para mapaluhod ang mga ito.

“ Aahh! Tama na! Tama na! ”

Hindi ko ito tinantanan hanggat hindi ito hihimatayin sa sakit. Mabilis na tinungo ko ang infirmary para ipagamot si Sam. She's unconscious.

“ Fuck! Heal her! ” hindi makapaniwalang kaba ang nararamdaman ko habang nakatingin kay Sam. Mabilis na dinaluhan ito ng mga nurses kasabay ng pagbukas ng pintuan.

Mabagsik na liningon ko ito.  Nang makita ko si Brianna ay mabilis na hinila ko siya papunta sa quadrangle.

Mabilis na kinwelyuhan ko siya. “ Kung may galit ka saakin huwag mong idamay si Sam. ” madiin kung saad at pabalya kong binitawan.

Naghabol siya ng hininga at tumawa “ What? Pinagtatanggol mo ang pulubing iyon? Ano ba siya sayo? Kaibigan? Nakikipagkaibigan ka pala? Akala ko puro kalandian lang ang alam mo! Alam mong gusto ko si Blade pero bakit pumayag kang lumabas sakanya? ”

“ Do you think it's enough reason to hurt someone? Are you even thinking Brianna? Ako ang kalaban mo at hindi siya. Kaya huwag mo siyang idamay dito! ” galit kung saad.

Galit na sinugod ako nito at sinabunutan. Hindi ako lumaban sakanya at hinayaan nalang siya.

“ Fuck Brianna stop! Stop! ” galit na sigaw ni Blade dahilan para mabitawan niya ako.

Hinila ako ni Blade habang hawak hawak naman nila Slate si Brianna.

Piniksi ko ang hawak ni Blade at mabilis na lumapit kay Brianna para bigyan siya ng isang suntok sa mukha dahilan para mapaupo siya.

“ Madison! ”

Mabilis na hinila na naman ako ni Blade. Tiningnan ko si Brianna na dumudugo ang ilong pati narin ang gilid ng labi.

“ Hindi lang ‘yan ang gagawin ko saiyo kapag guguluhin mo pa ang buhay niya Brianna. Dahil kapag may mangyari sakanya na masama dahil sa kagagawan mo. Sisiguraduhin kong hindi ka sisikatan ng araw. ”

Mabilis na umalis ako at bumalik sa infirmary. “ What happened to her? Is she okay? ”

Tumango ang nurse. “ Okay na siya kamahalan. She'll be awake soon. ” tumango nalang ako at hindi na umimik hanggang sa pumasok si Blade.

“ Get out. ” malamig kong pagtataboy sakanya.

“ No. I'm staying. ”

Malamig ko siyang tiningnan. “ Pwede ba? Umalis ka na kasi baka mapasukan na naman ng kademonyohan ang babaeng iyun at iisipin na gumagawa tayo ng milagro sa infirmary. Alam mo kung saan ko nilalagay ang demonyong kagaya niya Blade. ” malamig kung anas.

Tumaas ang sulok ng labi niya. “ Ba’t hindi natin totohanin para hindi naman masayang lahat ng pag-iisip niya ng kung ano-ano. ”

“ I'm serious Ashton Blade. Get out. ”

“ Ay? Serious ka pala? I thought you're Madison. ”

Mabilis na lumapit ako sakanya at kinwelyuhan siya. “ You're pissing me off! ”

Nabitawan ko siya ng bigla niya akong hapitin sa baywang. Nanlaki ang matang napahawak ako sa dibdib niya.

“ I am pissed too. Bakit ganoon lang kadali saiyong paalisin ako? Talaga bang gusto mo na akong paalisin sa buhay mo after a decade papaalisin mo na naman ako? ” bulong niya.

Tila may bumara sa lalamunan ko dahil sa narinig. I wanted his forgiveness. Kasi sa kapatawaran niya lang mapapanatag ang loob ko.

Napayuko ako hanggang sa namalayan ko nalang na nakasandal na ako sakanya. “ Don't. Please. ”

Hindi ako nakagalaw ng yakapin niya na ako ng husto. “ Pwede bang huwag mo na akong itulak ulit papalayo? ”

Hindi ako nakasagot agad. “ Please. Don't push me away again. Please ”

Napatango ako ng marinig ko ang nangungusap na boses niya.

Hinalikan niya ako sa noo at inangat ang mukha ko. Hinalikan na naman niya ang tungki ng ilong ko kaya naghihintay lang ako sa susunod na gagawin niya.

Our lips almost touched when I heard Sam’s voice. Kapwa kami nanigas.

“ Mad.. ” agad na humiwalay ako kay Blade at tumikhim at agad na dinaluhan si Sam.

Taming the PrincessWhere stories live. Discover now