Chapter 15

96 28 12
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙵𝙸𝙵𝚃𝙴𝙴𝙽

• For minor readers, this chapter is not suitable for you, pero pag makulit ka na minor, hala sige go. •

__________________________________




As I opened my eyes, bumungad sa aking mata ang maamong Mukha ni Finn, peacefully asleep beside me. His mole in his cheeks is really cute. His handsome face exuded a quiet strength, with chiseled jawlines and expressive eyes that held a deep of emotions.

Napapahinto ako sa pagmamasid sa kanyang mukha, naaakit ako sa guwapong anyo ni Finn na tila ba paborito ng poong maykapal. His undercut hair gives him more attractiveness.


I couldn't help but marvelous at how each detail of Finn's appearance seemed carefully crafted by the hands of an artist. From the way his lashes rested on his cheeks to the subtle curve of his lips, every nuance painted a portrait of a man both handsome and gentle.

Ang swerte ko naman, imagine gigising ako palagi na ganitong mukha ang bubungad sa paningin ko.


Inalis ko ang kumot sa aking katawan, dahan-dahan akong bumaba mula sa kama at sinuot ko ang aking bunny na tsinelas. Dumiretso ako sa aking kuwarto kung saan naroroon si Sorrel. Napangiti ako ng makita kong naka nga-nga si Sorrel habang tulog.


Masarap ata ang tulog ng batang 'to.

Maingat kong inayos ang kanyang unan. Nahawakan ko ng konti ang kanyang noo. Ang init niya, maingat na idinampi ko ang aking kamay sa kanyang maliit no noo. Gosh, ang sobrang init niya! Kani-kanina lang sobrang hyper niya, tapos ngayon nag-aapoy na sa init ang batang 'to.


"Sorrel," sambit ko nang maingat. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. "Ano bang nararamdaman mo, baby?"

Bigla siyang sumigaw. "Masakit po ang ulo ko, Mommy!" dahil sa tono ng kanyang boses ay nagdudulot ng panginginig ng aking puso. Agad kong inalis ang kumot na nagbibigay init sa maliit na katawan ni Sorrel.


Hindi ako nag dawalang isip na kinarga siya. Kumapit naman siya nang maigi sa aking leeg. Karga si Sorrel, lumabas ako ng kwarto patungo sa kusina. Sa kusina, hinanda ko ang mga kagamitan para sa pagluluto habang yakap-yakap si Sorrel. Hindi nagtagal, nagsimula akong magluto ng mainit na sopas, he needs to eat, para na rin makainom siya ng gamot.


Hinanda ko ang mangkok na lalagyan para sa kakainin na sopas ni Sorrel. "Baby, do you want to help Mommy with this?" tanong ko kay Sorrel habang patuloy sa pagluluto. Sa mabilis na pag-angat ng kanyang mata, nagbigay siya ng masiglang ngiti at tango.


Dahan-dahan, inilagay ko ang sopas sa mangkok, inalalayan niya ang aking kamay. Tiningnan ko si Sorrel, sobrang saya niya, nakikita ko 'yon sa kanyang mga mata.

"Here you go, baby." bulong ko sa kanya habang inilapit sa kanyang bibig ang unang kubyertos ng sopas.


Ang kanyang ngiti ay nakaplastar sa kanyang mga labi habang dahan-dahang kinakain ang mainit na sopas. Sa bawat kagat, ramdam kong nagustuhan niya ang aking timpla at ang pagkaluto.


"Mommy, where's daddy po?" he inquired, na may pagka-puzzled sa kanyang mga mata.


Napangiti ako sa kanyang tanong, natutuwa na may kuryosidad siyang ipinapakita tungkol sa aming sitwasyon. "He's still sleeping, baby," sabi ko sa kanya, sinubuan ko ulit siya ng sopas.


Taste of Love (Taste Series #1)Where stories live. Discover now