CHAPTER EIGHT

Começar do início
                                    

May binulong ito at tanging tango nalang ang sinagot ni papa, mabilis na kinuha ni kuya tayrone ang bag at ang cap niya at umalis na pagkatapos.

"san po pupunta si kuya?" tanong ko sa kanilang dalawa habang naka tingin parin ako sa pag kain.

"may pupuntahan lang siya" tanging sagot ni papa na hindi tumitingin sa amin ni mama.

    
                            ******

Nandito nako sa kwarto ko ngayon, at nangangalahating oras nakong nag babasa ng mga libro sa biology.

Ayaw ko talaga ang lahat ng patungkol sa science at math kaya agad kong sinara ang librong hawak ko at kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan.

Pero parang nanlumo ako at nawalan ng gana dahil wala kahit isa ang galing kay oliver sa dalawang text message sa phone ko.

Binuksan ko ang text galing kay kate at wala naman kwenta iyon dahil pinipilit nanaman niya kong sumama sa party na pupuntahan niya bukas,ang susunod ko naman binuksan na text ay galing kay mika, siya ang nagiisang kababata kong babae at naging kaklase ko rin siya magsimula palang ng elementary hanggang high school pero ngayong nag senior na kami ay nagkahiwalay na kami dahil nag aral siya sa ibang school.

Natigil ako sa pagbabasa ng text ni mika ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko,tinignan ko iyon kung sino at nakita ko si mama na nakatayo na sa harapan ko.

Mag ka cross ang dalawang kamay at naka kunot ang nuo na nakatingin sakin kaya dali dali akong naupo sa kama at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

"ma?" tawag ko sakanya na nag tatanong parin ang tinig.

"sino yang ka text mo?"napa buntong hininga ako sa tanong niya, akala ko pa naman kung ano na.

"si mika lang po to mama" pakita ko pa ng cell phone ko sa kanya, pero imbis na tignan niya iyon ay tinignan niya ko sa mata at ngumiti nalang bigla ng napaka laki.

Tsk. Minsan weird rin tong si mama.

"pumunta lang ako dito para kamustahin yung date mo kanina, anong nangyari?" excited na tanong ni mama.

Umupo siya sa kama at sabay yakap niya sa balikat ko, napa ngiti ako ng makita ko ang itsura ni mama, ang laki ng ngiti at makikita sa mukha niya ang pag ka excited, para siyang bata na naghihintay na magkwento ako ng mga fairytales.

"bilis na anak mag kwento kana" pangungulit niya pa sakin sabay yugyog ng balikat ko,kaya huminga ako ng malalim at nag simula ng mag kwento sakanya.

Kwinento ko lahat sakanya, magsimula ng umalis ako ng umaga at hanggang makauwi ako sa bahay.

"bakit daw siya umalis anak?" patungkol niya kay oliver kanina.

"hindi ko nga rin po alam mama, bigla nalang siyang umalis at pinahatid ako sa bwisit na sac nayon" nakabusangot pang sabi ko kay mama.

"anak kahit ano man yung ginawa niya sayo, wag ka parin mag sasalita ng ganyan sakanya, at sa pagkakahintindi ko sa kwento mo sakin sinabihan mo siyang walang nag mamahal sa kanya, anak masakit yon para sakanya" hinaplos ni mama ang pisngi ko kaya tumango nalang ako sakanya.

Bumuntong hininga naman ito sa harap ko"wag mo ng uulit yon anak, mag sorry ka rin sakanya baka nasaktan siya sa sinabi mo kanina"pero sa pag kakataon nayon ay nag protesta nako sa sinabi ni mama.

Duh. Kahit kaylan hindi ako hihingi ng sorry don no, eh siya nga muntik na kong patayin tapos ako pa hihingi ng sorry? No! Never!

Tumayo ako sa harap ni mama at nakapamewang na nakatingin sakanya.

I Love You Even If It's WrongOnde histórias criam vida. Descubra agora