Uno

173 3 0
                                    


" Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka pwede dito " nakapamewang habang nakatulis na nguso na saway sakin ni anti na kadalasan niyang bungad sakin tuwing nahuhuli niya akong pumupuslit para makita ang tropa kong si negro

" pero anti-- "

" tumigil kana Sol kung hindi, isusumbong kita sa--- " hindi ko na siya hinayaan pang matuloy ang pagbabanta at tuluyang naglakad takbo palabas ng kwadra habang nagpapaalam kay Negro

" paalam negro! paalam anti, wag niyo pong isumbong kay nanay! " pangunguna ko dito pero duda akong gagawin niya yung sinabi niya sakin

" Hoy Sol! san ka na naman nagpunta? " nagtatakang tanong sakin ni paula nang makasalubong niya ako palabas

tulad ko, nagtatrabaho din sa palasyo ang kanyang mga magulang, Isang sundalo ng hari ang kanyang ama at isang katulong ang kanyang Ina, sa totoo lang mas mataas sila kung maituturing dahil kalahating bampira ang tatay ni Paula habang mortal ang kanyang Ina, dahil sa anyo ng katayuan ng estado ng isang nilalang ay makikita kapag may dugo kang lobo o hindi naman kaya ay bampira, at kahit pa nga isa kang salamangkero mataas ka kung maituturing, hindi gaya ko na isang isang daang porsyentong tao

mapaglarong ngisi ang biglang gumuhit sa labi niyang nang mapansin ang ilang butil ng pawis sa noo ko

" naku naku! mananagot ka na naman kay aling Sally " nakangising pang aasar nito na siyang naging dahilan para magkulay papel ang buong muka ko sa nerbyos

" ano kaba! wala kang ibedensya noh! " natawa ito na mas kinalamig ng dalawang palad ko na pinaglingkis ko sa bawat isa

itinaas nito ang hintuturo habang ginagalaw galaw sa magkaibang direksyon " napakasinungaling! sabi ni Inay masama sa bata ang nagsisinungaling hindi na daw nakakapag asawa ng bampira " napakunot ang noo ko sa nadinig

Isa yan sa nagiging dahilan kaya ayoko siyang kalaro kung hindi bahay bahayan ang gusto niya eh paglalaro ng manika at palagi siya ang nanay at ang kalaro naming si Rion ang asawa niyang bampira at ako ang palaging ginagawang kabit, dahil inspired na inspired sa palaging pinapanood nila ng nanay niya na isabg teleserye tuwing tanghali, kaya hindu niya ko masisisi bakit palaging si Negro ang gusto kong kalaro bukod sa hindi siya maingay ay talagang masarap siya kausap kahit na madalas hindi magkaintindihan

" pwede ba alam ko namang alam mo na ang dahilan kaya tigilan mo na ko! " inis kong sikmat dito at akmang aalis nang hablutin nito ang braso ko

" mas gusto mong kalaro si Negro kabayo kesa sakin? " walang pag aalinlangan akong tumango na biglang kinangawa nito ng walang tigil

napahilot ako sa sentido lalo na ng dumating bigla ang nanay niyang si Aling Linda na akala mo sasabak sa gulo dahil parang kakainin ako kung makatingin

" Sol! bakit inaaway mo na naman itong si Paula ko! " masungit nitong sabi habang pilit na pinapatahan ang anak na wala paring tigil sa kakaiyak

hindi naman ito ang unang pagkakataon kasi tuwing umaayaw ako na makipag laro sa kanya umiiyak na siya, ang hindi ko maintindihan sa dami ng mga bata sa bayan ako at ako ang palagi niyang gustong guluhin

" t-teka ano ito Sol? " napalingon ako kay Anti na kalalabas lang sa kwadra ni Negro

bumuka agad ang bibig ni Aling Linda para bumira " aba! bakit hindi mo itanong d'yan sa magaling mong pamangkin Selya! lagi niya nalang pinapaiyak ang anak ko! napakasutil na bata yang si Sol! ang anak ko na nga lang ang nagtitiis na kaibiganin siya ay talagang palagi niya pang inaaway! " hindi tumugon si Anti ako na naman ang napandilatan na kinahaba ng nguso

" n-naku Linda pasensya kana kay Sol kasi--- "

" kaya siguro ganyan ang batang yan ay dahil walang amang kinalakihan kaya kinulang sa disiplina! " singhal nito na kinatungo ko habang pilit na pinagdidikit ang dalawang paa

The Beast and His Crown ( COMPLETED )Where stories live. Discover now