Chapter 1

201 33 19
                                    

Chapter 1

ZAYNA'S POV

School, Party, Drink, Have fun with friends or keep up with other guys.

That's my happy pill!

Yes, ako 'yung babaeng makulit, spoiled brat, at kung ano-ano nalang ang katarantaduhang naiisip at ginagawa. Marami ng mga schools na nag kick-out saakin.

Isang beses, may nakaaway akong isang Teacher. Pinagalitan niya ako dahil sa grades ko.

"Ms. Channells, gusto mo ba talagang maka-graduate ka ng hayskul?" Taas kilay na sabi ni Ma'am.

"Of course! Sino naman ang studyanteng nangangarap na gustong mananatili sa Unibersidad na ito." Sarkastiko kong sabi dahilan kung bakit mas lalo siyang nainis.

"Until now, wala ka paring respeto!" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ma'am, paulit-ulit niyo na po iyang sinasabi saakin. Hindi lang isang beses o dalawa kundi araw-araw." Umiling siya.

"Alam mo bang line of six lahat ang grado mo?" Napanganga ako sa sinabi niya.

"Lahat talaga?" Kunot noo kong tanong.

"Yes, lahat. May problema ka?" Nginitian niya ako.

"Okay, ano ngayon kung line of six lahat?" Napawi ang ngiti niya sa sinabi ko.

"Wala kaba talagang ibang gawin ha, Ms. Channells?! Sa tingin mo makakasama ka sa graduation ceremony kung iyan ang performance mo?!" Huminga ako ng malalim.

"At least naman, hindi line of seven 'yung grades ko diba?" Napabuntong hininga siya at umiling. "Tsaka, kung pinipilit niyo talaga akong makapasa. Pwede mo namang dagdagan ang grades ko para makapasa ako."

"Inuutusan mo ba ako?" Seryoso niyang tanong.

"Yes, ma'am. Oh, sorry I forgot to say please to you." Napakunot ang noo niya.

"Ma'am, could you please make my grades into line of nine instead of line of six?" Mapakumbaba kong sabi.

At dahil du'n. Kinabukasan, hindi na ako pinapasok ng guard sa school nila dahil kick-out na naman ako.

Ang sunod na nangyari, ay pinasok ako nila Daddy sa isang science school. Naisip ko nu'n na mag-aral na ng mabuti to make my parents proud. Kaya nu'ng experiment time na namin, naglakas loob akong gagawa ng experiment namin instead na leader sana ang gagawa. Sobrang confident ako sa sarili ko noon at alam niyo ba ang nangyari? Nasunog ang Science Laboratory at nadamay ang Dean's Office.

Ganu'n parin ang nangyari hanggang sa mag kolehiyo ako. Umabot ako ng Eight years sa pabalik-balik na pag-aaral ng hayskul at mabuti nalang, hindi na naulit pagtungtong ko ng kolehiyo.

Naging good girl na ako simula nu'ng makilala ko si Matheo Adelson. Ang super hot at sexy ng Campus namin. Sikat sila dahil sa Business ng Daddy niya. Lalo na na business partners nila ang V's Corporation na pagmamay-ari ng Villanueva Family.

Araw-araw siyang hinahabol ng mga maaarteng babae maliban saakin. Kahit ganito ako, hindi ako nagpakita ng motibo sa kanya dahil ayaw ko na ako ang lumalapit sa mga lalake. Hinihintay ko talaga na sila na 'yung lalapit saakin. May pagka binibini rin ako minsan.

Kasalukuyan akong nasa pool area mansion kasama ang buong kaklase ko dahil gaya nga ng sinabi ko, mahilig ako sa party kaya inimbita ko silang lahat dito.

Halo-halo ang ingay na maririnig namin dahil sa lakas ng tunog ng music, may nagsisigawan, sayawan, kantahan at kung ano-ano nalang ang ginagawa nila.

Hopeless WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon