Chapter 12

107 28 3
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝚆𝙴𝙻𝚅𝙴

• Kapag walang warning, mas exciting. •

__________________________________


Pagkatapos ng pag-uusap namin kagabi ni Kuya Finn ay hindi muna ako lumabas sa aking kwarto. Kailangan magplano muna, sobrang naboboring na talaga 'ko dito sa bahay. Yung mga kaibigan ko, enjoy na enjoy sila sa bakasyon nila, samantalang ako parang pinapatay dahil sa pagka bagot.


Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa ending ng binabasa kong pocket book. Akala ko talaga hindi magkakatuluyan yung bidang babae at ang bidang lalaki, ilang luha naman ang sinayang ko kagabi dahil sa ending nun. Namumugto naman ang mga mata ko. Naramdaman ko agad ang lamig na dala ng hangin. Kinuha ko ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan.


September 01, 2024



Kaya naman pala ang sobrang lamig na e, ber months na pala. Malapit na ang birthday ni Daddy. Tapos ako naman, birthday ko sa December, alam ko naman na malayo pa, pero medyo excited ako. Mahaba naman ang ang bakasyon namin.


Nagmartsa ako patungo sa kwarto. Nang nasa loob na 'ko ng kwarto, bigla akong nagulat sa pag-vibrate ng aking cellphone sa ibabaw ng cabinet. Agad kong dinampot. Si Andrew lang pala


From: Andrew

Hey Summer! Musta ka na? Alam mo na ba yung balita?


Napakurap ako at nag-reply.


To: Andrew

Hi Andrew! Oo, anong balita?

From: Andrew

Next year na tayo babalik sa university! May mga renovations daw ang university, pero may modyul naman tayo para sa mga subjects. Exciting, 'di ba?


Napangiti ako sa nalaman. Iniisip ko kung paano nga kaya magiging ang pagbabalik sa university sa gitna ng mga nagbago sa dahil sa mga renovations. Tumagal na panahon mula nang ako'y nagkasakit nang dalawang linggo, at tila ba may pag-asa na maging normal ulit ang aking sarili.


T

o: Andrew 

Wow, that's great news, Andrew! Excited na rin ako makita ang mga              changes sa school. Ano kaya ang itsura ng university pagbalik natin?


Tanong ko sa kanya.


From: Andrew

I heard maganda raw ang renovations. Baka parang bago na ang lahat. Pero at least, may modyul tayo, so hindi masyadong mahirap.


Nagpasalamat ako sa kanya at nagkaroon kami ng maikli ngunit masiglang pag-uusap tungkol sa mga plano sa pagbabalik sa eskwela. Buong akala ko nga ay kinalimutan na niya ako. Iniisip ko na sana'y maging maganda at magaan ang pagbabalik namin sa unibersidad, at hindi ko maikakaila ang kakaibang excitement sa renovation sa university namin.


Taste of Love (Taste Series #1)Where stories live. Discover now