Chapter 11

98 29 9
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙴𝙻𝙴𝚅𝙴𝙽


Dumaan ang ilang araw ay na discharged na 'ko sa Ospital. Ngunit hindi pa rin alam ni Harley, na alam ko na may babae siya. Hawak-hawak ko ang isang basong juice habang nagbabasa ng pocket book. Medyo kinikilig ako rito sa binabasa ko. Hay, napaka boring naman talaga kapag bakasyon.

Si Tanya, umuwi sa lugar ng Mama nya sa bulacan, si Andrew naman naroon sa Paris, all i can say is sana all Andrew, si Sandy naman nasa syudad, at si Mia, wala na 'kong balita.

Sumipsip ako ng juice at nilagay sa munting mesa. Tumayo ako habang nagbabasa at sumayaw. Yung sayaw na para bang disney princess. "Summer anak, may bisita ka." biglang usal ni Mommy Azarella. Tumigil ako sa pagsasayaw nang makita ko kung sino ang aking bisita. Si Harley, may ngiti sa labi.


"Thanks po, Tita." sambit bi Harley kay Mommy. Ngumiti lamang si Mommy at nagsalita ulit.


"Maiwan ko muna kayo ah, magp-prepare lang ako ng meryenda." malambing na wika ni Mommy, ngumiti lamang ako at tumango. Nang tumalikod na si Mommy ay pormal kong hinarap si Harley.


Inilagay ko sa couch ang pocket book kong hawak. "Anong ginagawa mo dito?" walang ganang tanong ko sa kanya. Napawi ang kanyang ngiti. "Hindi mo ba 'ko namimiss?" nahimigan ko sa kanyang boses ang lungkot.


Mapagkunwari ka talaga, Harley!



"Ilang buwan o linggo mo na ba 'kong niloloko, Harley?" straight to the point kong tanong sa kanya, nakita ko ang paglunok niya at tila ba'y nangangapa siya ng maayos na salita.


Umupo ako, habang pinagmamasdan ko lamang siya na nakatayo. Parang isang studyante tuloy siya na pinapagalitan ng kanyang guro. "B-babe let me explain—"


"No, umalis ka na. Huwag na huwag mo na 'kong lapitan o kausapin, naiintindihan mo ba?" paglilinaw ko, habang pinapanatili ko ang pagiging kalmado sa aking boses.

"Pero babe—"


"No more buts, umuwi ka na." mahina kong sambit at napahawak ako sa aking ulo. Katulad ng aking sinabi ay umalis na kaagad siya.


Tumayo ako, dinampot ang juice at ang pocket book.

Siya na nga 'tong nagloko, nakuha pang pumunta dito. Anong akala niya sa'kin, laruan? Gago talaga. Nagmartsa ako patungo sa kusina, nadatnan ko si Mommy na nagp-prepare ng sandwich.


"Nga pala, Summer anak. Nakita mo ba si Kuya Finn mo?"

Napatigil ako at inilipag sa lababo ang baso. Umiling ako. "Hindi po," mahina kong sagot.


Hindi ko alam kung nasaan si Kuya Finn, baka naman ay nagd-date nanaman sila ng bago niyang girlfriend. Hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa mga ginagawa niya? Hindi ba halata sa kanya na gustong-gusto ko siya? Hay nako.


Taste of Love (Taste Series #1)Where stories live. Discover now