Chapter 10

96 30 29
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝙴𝙽


Minulat ko ang aking mata. Nararamdaman ko ang malamig na kama at puting kurtina't puting kisame. Napagtanto kong nasa hospital na pala ako.

"Anong nangyari?" ang tanong ko sa sarili habang tinitingnan ang mga nakapaligid na gamit sa kwarto. Ang amoy ng antiseptiko at linis ng ospital ang bumungad sa akin.

Biglang pumasok ang isang nurse. "Kamusta ka na, Ms. Sevilla? Kamusta ang pakiramdam mo?. Nahimatay ka raw sa ulan." ngumiti siya, at inayos ang dextrose.


Bakit nagka dextrose ako?


Nag-init ang pisngi ko sa hiya at nagtanong. "Gaano na katagal ako dito?"

"Dalawang linggo ka nang nakahiga. Pero medyo okay ka na, pero kailangan mo pa rin manatili dito sa ospital." sagot ng nurse.

Sino kaya ang pumalit sa'kin bilang cheer leader?

Dama ko ang kirot sa ulo ko, at hindi ko napigilan na magtanong. "May bisita ba ako?"

Tumango siya. "Oo, andiyan si Sir Amodia. Inaabangan ka niya."

Naramdaman ko ang halo ng kaba at ligaya sa balitang iyon. Hindi ko inaasahan na siya ang unang darating. Hinihintay ko ang pagpasok ni Kuya Finn, at doon ko naisip na kahit sa gitna ng unos, nandiyan pa rin siya para  gumagabay sa'kin.

Sa pagbukas ng pinto, pumasok si Kuya Finn, kasama ang maamong ngiti sa kanyang mukha. Napatingin naman ako sa nurse na nagmartsa na palabas.

"Kamusta ka na, baby girl?" bati niya, ang kanyang mga mata'y puno ng pangangamba. Hindi ko napigilang ngumiti. "Salamat, Kuya Finn. Medyo magaan na po ang pakiramdam ko. Anong nangyari?"


"Sa sobrang lakas ng ulan, nahimatay ka. Eh, ako lang naman roon ang kasama mo, kaya dinala kita agad sa ospital," paliwanag niya, nag-aalalang tanaw ang mga mata.


"Nakakahiya naman. Pero salamat sa pagdala sa akin," sabi ko, puno ng pasasalamat.


"Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng kasama. Kapatid kita, 'di ba?" sabi niya, ang kanyang ngiti ay nagbibigay kapanatagan.


Kailangan pa ba talagang ipamukha mo sa'kin na kapatid lang ang tingin mo sa'kin?!


Naglakad siya palapit, at hinawakan ang aking kamay. "Malasakit lang ito, Summer. Kailangan mong ingatan ang sarili mo."


Oo na oo na, malasakit bilang kapatid. Napaka echoss mo, Kuya Finn.


Taste of Love (Taste Series #1)Where stories live. Discover now