Chapter 1:Lipstick

2 1 0
                                        

~kring ~kring... (alarm clock)

"GOOD MORNING PHILIPPINES! GOOD MORNING WORLD! GOOD MORNING BEAUTIFUL ME!" sigaw ko habang nag uunat.

Panibagong araw na naman, pero para sakanya Itong araw na ito ay Laban niya.

Ginawa ko na  ang aking morning routine na ligo,nag toothbrush at nag bihis.
" Charaannn! Maganda na ako, Hooooo! Sino ba tung magandang kaharap ko, parang ako! Haha hahaha"

"Sige lang te!, purihin mo lang sarili mo, wala namang masama"

"Tse! Maganda naman talaga ang ate mo, sakin ka kaya nag mana".

"Oh, ganda yata ng anak ko ha! San punta natin?"

"Oh, ikaw pala tay! Mag hahanap ako ng trabaho ngayon Kasi malapit na ang pasukan, okay na din yung may extra ako para sa gastusin sa school ."

"Diba, scholar ka ate? Bakit mag t-trabaho kapa eh, libre naman na yun."

"Syempre, May mga project tsaka kung ano-ano pa kaya kailangan may sarili akong pera, tsaka para dito na rin sa mga gastusin natin sa bahay."

"Sabagay."

"Pasensya ka na anak ha, kung kailangan mo pang mag trabaho maliit lang Kasi ang kinikita ko sa pag mamasada eh."

"Tatay naman, okay lang para para't saan pa eh, kailangan natin mag tulungan kaya ko naman tsaka mag h-high school na rin to  si Lorraine."

"Wag kayong mag-alala ate,Tatay mag-aaral po ako ng mabuti para po  makatulong sa Inyo."

"PARA SA FUTURE!!!"
"PARA SA FUTURE!!!"
"Group hugggg!"

"Teka lang, ang baho ng kili kili mo Lorraine maligo ka na nga! Hahahha amoy bulok na bayabas ka."
"Tatay oh, si ate."
"Mabaho ka nga anak!"
"Ehhhh, ang sa sama ninyo, heto na maliligo na."
Hahaha haha Nakakatawa talagang awayin yun.

"Sige tay, alis na po ako."

"Sige nak, good luck!"

"Ayy, mag l-lipstick muna ako"

Nasa harap na naman ako ulit ng salamin, nakita ko na naman ang angkin Kong kagandahan 'Hahahaja Ganda ko talaga.'
Kuha ng stick tusok sa lipstick tapos lagay sa kissable lips. Bibili na ako ulit ng lipstick kunti na lang toh. 'Yan tapos naaa, Ganda'

Umalis na ako ng bahay, habang nasa byahe nag iisip na ako ng mangyayari mamaya. 'Matatanggap kaya ako?' sana naman.

"Bayad po manong." sa wakas at nandito na rin, ang sakit ng pwet ko Don.

"Teka, tama ba talaga tung pinasok ko?"

Parang ang susyal naman yata dito, baka Di ako matanggap.

"Ahmmm, excuse me miss pwede mag tanong?"

"Nagtatanong kana." aba'y pilosopo pala to eh! Rhianna chill lang wag ngayon baka mabahiran pa nang dumi ang damit mo.

"Ay, sorry gusto ko lang sanang mag tanong kung dito ba ang restaurant ni Mr. Uy?"

"Oo, dito bakit mag a apply ka rin ba?" sabi nung isang babae.

"Ahhhh, Oo sana ikaw din ba?" mukha siyang mabait Di tulad ng katabi niya parang kulang na lang Iligo ang make-up sa sobrang kapal.

"Oo, halika dito tabi tayo nag a apply din kami dito kaya kami naka pila."

"Salamat." sabi ko.

"Sana matanggap tayo noh?" sabi niya.

"Oo, nga eh kailangan ko rin Kasi pasukan na rin sa susunod." sagot ko.

Sizzling BitchWhere stories live. Discover now