Chapter 8

100 32 6
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙴𝙸𝙶𝙷𝚃







“Where are you going, Summer?”


Napako ang aking paa sa sahig na aking kinatatayuan ngayon. Nanlamig ang aking kamay at pinagpawisan ako ng sobrang lamig.


Sinalubong ko ang kanyang malamig na tingin.

Bumilis ang pagtibok ng aking puso nang nagtama ang aming paningin. Hinigpitan ko ang paghawak sa pompom at kinagat ang aking pang ibaba na labi. “Uhh um, may p-praktis kasi kami, Kuya,” sabi ko sa kanya, na may diin sa pinakahuling salita na binanggit ko.


Umigting ang kanyang panga at nag-iwas ng tingin. “Okay go, take care.” tipid niyang sabi.


Inayos niya ang kanyang suot na white long sleeve. Pinasadahan niya ang kanyang buhok bago niya ako tinapunan ng tingin.


“How about you, wala po kayong praktis?” tanong ko sa kanya pabalik. What a stupid question, anong p-praktisin niya, magloloko sa mga babae?


He shook his head. “Wala,” simpleng sagot niya.


Kung ganoon na wala siyang ensayo ngayon, bakit bihis na bihis siya?


Si Kuya Finn kasi ay may talent din sa pag Ice skate. Hindi ko naman siya masisi kung bakit maraming babae ang magkakandarapa sa kanya, sa kagwapuhan at tindig niya pa lang, sobrang nakaka-attract na.


“I have a date, baka gagabihin ako nang uwi mamaya. Just In case our Mom will ask where I am, tell her that I have a date, understand?” malamyos niyang sabi.

Parang piniga ang aking puso sa aking narinig.

Really? May date siya?

“Okay.” I uttered.

Hindi ko na hinintay pa ang kanyang susunod na sasabihin. Tinalikuran ko na siya at nagmamadaling tinahak ang daan patungo sa pinto.

Oh my god, Summer, why do you care? You're just his younger sister! Pangkompronta ko sa aking sarili.

Oo nga, he's just my eldest brother and I'm his younger sister. Abnormal ba 'ko? Ba't nagkakagusto ako sa sarili kong kapatid. Hindi lang sa mata ng diyos ako nagkakasala, pati na rin sa mata ng mga tao, kung ipagpapatuloy ko ang kahibangang ito.







NANG makarating na ako sa gymnasium agad akong pumasok. Nakita kong nakabusangot si Tanya habang hawak ang kanyang cellphone na nakatapat sa kanyang tainga.

“Oh my god, Summer!” aniya, ibinaba niya ang kanyang cellphone at lumapit sa aking gawi.

Nagpeace sign ako sa kanya.


“Ba't ang tagal mo? What time na oh, jusko ka, pilipino time ka talaga eh no?” reklamo niya.

I pouted my lips.


Umirap siya sa ere at nameywang sa aking harapan.


Taste of Love (Taste Series #1)Where stories live. Discover now