Chapter 7

117 30 36
                                    

𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽



Exam week na, it means hell week na para sa aming mga Nursing student at nandito ako sa malawak na examination room kasama ang mga ka-block ko. First examination for today Anatomy and Physiology. Pabigla-bigla naman kasi sila mag desisyon, buong akala ko ay next week pa ang exam, pero nilipat sa week na 'to.


Alright, I can do this. Anatomy and Physiology, here I come.

While I'm preparing my self. The examination paper ang magsisilbing magsusukat ng kaalaman ko. Napatingin ako sa mga tanong, geez, ang mga tanong ay parang gustong sabunutan ang utak ko, may plano ata ang Clinical Instructor namin na torture-in ang utak namin gamit 'tong mga tanong. Ang tunog ng wall clock ay nagbibigay sa'kin ng matinding kaba.


Sinimulan ko na ang pagsagot sa test paper.

Question 1. Describe the structure and function of the nephron.

"Nephron, nephron... filtration, reabsorption, secretion. Got it." I muttering to myself.

Sagot lang ako nang sagot, anuman ang tumambad sa mga mata ko. Ang kidney, liver, at iba pang bahagi ng katawan ay naglalaro sa isipan ko. Kailangan ng malalim na pag-intindi sa anatomical structures at physiological processes.

Question 2: Explain the process of muscle contraction and relaxation.

"Actin, myosin, ATP... Ah, the sliding filament theory. Okay." wika ko sa aking isipan.

Ang mga tanong ay hindi lang puro memorization, kundi ang tunay na pag-unawa sa mga prinsipyong bumubuo nito. Binabaybay ko ang bawat tanong, nagmumula sa mga buwan ng pagsusuri, lecture notes, at mga gabi ng puyatan. Sapat na 'yung pagpupuyat ko no'ng nakaraang araw.

Question 3: Differentiate between somatic and autonomic nervous systems.

"Somatic for voluntary, autonomic for involuntary. The sympathetic and parasympathetic divisions... Fight or flight, rest and digest. Got it." saad ko gamit ang aking isip.


Namayani ang katahimikan dito sa examination room, bawat estudyante ay nakatutok sa sariling test paper. Ang aking pen ay ikinilos ko nang may determinasyon, sinulat ko ang aking kaalaman sa mga tanong sa baba ng test paper.

Sa paglipas ng ilang oras, ang mga huling minuto ay parang karera. Ipinapasa-Diyos ko na lang ang bawat tanong, ginagamit ang bawat segundo na may natitirang lakas.

"Time's up. Please put down your pens." Our Clinical Instructor spoke.

Natapos na ang exam namin sa Anatomy and Physiology. Medyo napapagod ako, pero puno ng kaba at excitement.

Ibang subject nanaman ang makakasalamuha ko mamaya. Oh my God, Summer! You have no right na magreklamo, in the first place... Ikaw ang pumili ng kursong 'to!


Palabas na ako ng examination room na puno ng determinasyon. Next is, Biochemistry, heto na ako. Isa-isa kong haharapin ang mga exam, at sisiguruhing bawat tanong ay tatanggapin ng buo ang lakas at tapang bilang isang Nursing student.

Taste of Love (Taste Series #1)Where stories live. Discover now