6: NOTEBOOK

97 57 12
                                    

*KINABUKASAN*

HELLA POV
Isang malaking BANGUNGOT yung napanaginipan ko kanina. Grabe yung panaginip ko gosh basta ang naalala ko ay yung mga sulat sa notebook na gumagalaw tapos nag-foform ng "I'M SORRY" tapos yung pagkakasulat nun ay DUGO tapos may smile emoji pa sa dulo.

'Ang creepyyyy.'

"Ay gag*." Sigaw ko bigla ng may kumalabit sa akin. Anak ng nanahimik yung tao dito ehhh tapos mangangalabet. Paranoid pa naman ako ngayong araw kasi iniisip ko kung anong meaning nung panaginip ko. Kakaisip ko siguro ito sa mga nangyayari sa mga kaklase ko.

"Bibig mo masyadong makasalanan." Sabi ni Kian na hawak nanaman ang bibliya nya. Nagsign of the cross pa sya nung napamura ako kanina. Tapos nilapat nya ang kamay nya sa ulo ko sabay pumikit at pinagdasal ako. "Patawarin ka nawa sa iyong mga kasalanan."

'Grabeee syaaa hahaha. '

"Lahat ng tao marunong mag-mura maliban nalang kung hayop ka hahaha." Sabi ko sa kanya nagulat ako ng nimarkahan nya ang noo ko ng pa cross gamit ang daliri nyang may laway iwww. Binigyan ko sya ng look na nandidiri.

"Patawarin ka nawa---." Tinabig ko ang kamay nya dahil sa sinabi nya at inirapan ito. Pumilas ako ng isang papel sa notebook ko at winisikan ng alcohol ang noo ko bago ito pinunasan. Kulang na lang ay ipangligo ko itong alcohol.

"Ano bang kailangan mo ah?!." Inis na saad ko sa kanya kaya ngumiti ito sa akin. Nakakainis ang future pari ng section na ito. Alam kong mala anghel talaga sya kapag ngumingiti pero naiinis ako sa tuwing ngumingiti sya... I guess dahil sa HELLa nga ang pangalan ko LOL.

'Kukunin na ba ako ni lord?. Kasi naman sa ngiti nya parang kukunin na ako ng liwanag. Pwede syang maging model ng toothpaste sa puti ng mga ngipin nya.'

"Naiwan mo tong notebook mo nung nakaraan... ngayon ko lang naalala na ibalik hahaha." Natatawang saad nya at binigay sa akin yung notebook ko daw. Kunot noo lang akong tinanggap yung Notebook dahil sa pagkakatanda ko ay isa lang ang notebook ko which is yung pinilasan ko kanina. Nung nakita ko yung notebook na nasa kamay ko ay nanlaki ang mga mata ko at nahagis ko ito bigla sa may pader na syang ikinatingin ng ibang kaklase ko sa akin.

A-ang diary ni H-honeylyn...

Nakita kong napakunot noo ang karamihan kaya dinampot ko ito bago bumalik sa pwesto ko. Napalunok ako bago tumingin kay Kian na para bang walang nangyari.

"A-ahhh salamat dito." Nauutal ako pero ngiti lang ang ginawad nya sa akin bago umalis. Napapalunok ako habang lumilipas ang oras. Panay ang silip ko sa dairy ni Honeylyn na nasa bag ko. Hindi ako mapakali to the point na hindi ako makatulog sa klase.

Hindi ko alam kung babasahin ko ba ang nilalaman o hindi.
May parte sa akin na gusto kong basahin pero may parte ding ayaw.

Lumipas ng lumipas ang oras ng dumating ang recess. Hinintay kong mag si labasan ang mga kaklase ko bago ako kumain. Nakakahiya ang pagkain kong sardinas. As far I know pinapakain lang ng mga kaklase ko itong sardinas sa mga alaga nilang hayop. Nakakainsulto lang ganern... you know parang ka level ko lang yung mga alaga nila.

Hindi mawala sa isip ko yung Notebook kaya kinuha ko ito habang nanginginig. Napahinga na lang ako ng malalim bago ito itinago ulit sa bag ko para hindi mawala. Wala akong lakas basahin ito. Nanlaki ang mga mata ko ng may mapagtanto.

'Nabasa kaya ni Kian yung nilalaman ng notebook?.'

"Hella peram kami notes." Sabi ng iba kong kaklase na walang pakundangan na kinalkal ang bag ko para mag agawan sa notes ko. Anong notes pinagsasabi nila?. Hindi ako nag-nonotes huy!. Gumagawa lang ako ng notes kapag pasahan na at kinokopya ko lang ang mga notes ko kay Honeylyn.

ROOM 411On viuen les histories. Descobreix ara