"Alam mo kung sa'n swerte sa'yo si Jungkook? You're understanding, magaling mag-alaga, madiskarte, at matalino lahat na lang ata nasa sa'yo pati mukha. Kaya kung di man kayo ang sayang." ngumiti s'ya ng malungkot. Napatingin s'ya sa phone nang mag vibrate ito.

From Boss:

Baby? Where are you?

Naguguluhan s'ya kung sasagutin n'ya ba o hindi. Napakagat s'ya ng labi. Hindi n'ya na alam naguguluhan na s'ya.

From Boss:

Let's talk please. Nasaan ka?

From Boss:

It's not what you think. Nagkita lang kami sa restaurant.

To Boss:

Okay..

Hindi n'ya na tinignan ang reply neto. Tumayo na sila ni Jin at bumalik naman sila sa taas. Inabala lang ni Taehyung ang sarili dahil ayaw n'yang malaman kung ano ang ginawa ng pamilya sa loob ng opisina ng boss.

"Handsome uncle? You look so busy." napatingin s'ya kay Neeko nang lumabas ito sa opisina. Umupo ito sa katabing upuan n'ya.

"Yeah I am busy. Why are you here? Bored?" hindi n'ya tinignan si Neeko dahil abala s'ya sa pagtipa sa computer at pagtingin sa papers.

"I am bored. Mommy and Daddy talk seriously. Kaya naman ay lumabas na lang ako dito. Ano po ginagawa mo?" tanong neto sa kanya.

Ano kaya ang pinag-usapan ni Selena at Jungkook? Sana naman ay maayos lang ang dalawa, nasasaktan s'ya Oo pero hindi 'yun rason para magsalita s'ya ng masama laban kay Selena. She did nothing.

"I am just fixing some reports baby. Anong oras na oh, dinner na ngayon why don't you talk your dad and said you should go home?" sabi n'ya sa bata. Napahinto s'ya nang yakapin neto ang bewang n'ya sa gilid.

"I am so tired Handsome uncle. Carry me please." natatawa s'ya dahil halata namang pagod ito.

Para ka lang daddy mo kung mapagod magpapabuhat.

Kaya naman ay pinaupo n'ya ito sa hita n'ya habang abala pa din s'ya, kailangan n'yang tapusin ang reports para bukas para wala na s'yang gagawin papasok na lang s'ya at uupo.

Ilang minuto lang ay bumaba ang ulo ni Neeko kaya napatingin s'ya dito, nakatulog na pala ito. Kaya ang ginawa n'ya ay maayos n'ya itong kinarga at isang kamay lang ang gamit sa pagtipa.

Ang hirap maging binatang ama. Ito kaya nafifeel ni boss habang binabantayan si Neeko?

Natawa s'ya dahil nahihirapan talaga s'ya but it's okay, it's Neeko so it's not a problem. After all he still cares.


NAG-UUSAP lang sila ni Selena nang mapansin n'yang wala na sa sofa si Neeko, kaya naman ay dahan-dahan s'yang lumabas at nakita n'yang nakatulog si Neeko sa katawan ni Taehyung at abala naman si Taehyung sa pagtipa. Napangiti s'ya.

"Ano na Jungkook? What's your answer?" hindi n'ya napansin si Selena nang nakita n'yang inalo ni Taehyung si Neeko tumayo pa talaga ito. Nakita n'yang nakatingin pa din sa computer ang nobyo.

Very hard working. That's why I love you.

"Ano sinabi mo nga?" humarap s'ya kay Selena.

"I want you to marry me. Neeko needs a complete and happy family Jungkook. Ilang taon mo ding pinagkait sa kanya 'yun." nagsusumamo ang mukha neto.

Dati ay nadadala s'ya sa mya ganito at lambing ni Selena, pero ngayon ay nandidiri s'ya habang tinitignan ito. Maybe because he feel like he is cheating to his boyfriend.

"Alam mo na ang sagot ko doon. No. Ayoko. Kukunin ko ang custody ni Neeko. Sa akin s'ya titira." nanlaki ang mata neto. Nag handa na s'ya para umalis.

"You can't do that! Ako ang ina ng anak mo!" hinarap n'ya ito matapos n'yang isuot ang coat.

"Of course I can. I love someone else and I don't want to hurt that person." lumabas na s'ya. Nakita n'yang wala na si Taehyung kaya naman ay lumabas na s'ya sa kompanya.

Nakita n'ya ang kotse n'ya. Binuksan n'ya ang pinto at nakitang natutulog si Taehyung habang karga si Neeko. Hinalikan n'ya sa noo ang anak at sa labi naman ni Taehyung.

"Let's go home." tumango ang driver. Habang nasa byahe ay tinignan n'ya ang kasintahan.

Aaminin n'yang natatakot s'ya pag nakikita n'ya si Taehyung, lalo na kanina na wala itong imik at walang ganang nakatingin sa kanya habang kasama n'ya si Selena at Neeko.

Alam n'yang nasaktan n'ya ito pero anong magagawa n'ya? He loves him. Ayaw n'ya itong pakawalan, ito lang ang taong nakakaintindi sa kanya.

Napatingin s'ya sa phone nang tumunog ito. Tinignan n'ya ang caller.

"Hello hobi?"

"Ano? Kamusta ang pamangkin ko?"

"Paano mo nalaman?"

"May pakpak ang balita bunso. So, kailangan mo ipapakita kina Mommy at Daddy?"

Huminga s'ya ng malalim. He decided to let his son meet his grandparents sa birthday n'ya. Ipapaalam n'ya na din dito ang relasyon nila ni Taehyung.

He wanted to make them public. Sila ang mag-aalaga kay Neeko, Taehyung can take good care to the both of us better. Wala ng iba.

WHAT'S WRONG WITH SECRETARY KIM? [COMPLETED]Where stories live. Discover now