"Bakit ngayon lang sinabi?!" diin na tanong n'ya sa kaharap.

"It was too late. Nalugi ang negosyo ng pamilya namin at doon ko lang nalaman na buntis ako nung nasa ibang bansa ako. I am so s-sorry."

Napabuga ng malalim na hininga si Jungkook at naiiyak na tinignan ang batang kasama ng kapatid ni Selena.

He is now a kid. Napakalaki na neto. Nang makarating ito sa kanya ay niyakap n'ya kaagad ito. Umiyak namam ito.

"P-papa. I've been waiting for you. Bakit ngayon ka lang po?" naiiyak na tanong neto. Kinarga n'ya naman ito.

Parang s'ya lang ang postura neto nung bata pa. Kamukhang-kamukha n'ya. No doubt he is his child.

"I am so sorry son. N-ngayon lang si Papa, don't worry we will be together.." nakangiti naman silang tinignan ni Selena at ang kapatid neto.

"So, you and Mama will live each other right?" natigilan si Jungkook sa tanong ng anak.

Taehyung..

Kaya ay napagkasunduan nila na araw-araw s'yang dadalaw sa bahay neto at igala ang anak. Masaya naman ito kahit ganu'n lang. Minsan ay gusto n'yang iuwi na lang ito sa bahay.

Napatingin s'ya sa cellphone nang may may tumawa. It is Selena. Hindi n'ya sana sasagutin pero baka importante ito.

"Hello?"

"Balik ka dito bukas gusto kang makita ni Neeko." sabi neto sa kanya.

Pero bukas ang alis ni Taehyung kailangan ko s'yang ihatid pero ngayon lang kami nagkakasama ng anak. 

"O sige." tahimik ang linya.

"May chance pa bang magkabalikan tayo? Para sa anak natin." Naglakad s'ya papasok sa bahay.

Sinagot n'ya ang tanong neto.

"No."


NAKAUPONG hinintay ni Taehyung si Jungkook, malapit na itong pumasok. Nakangiti naman ito agad nang makkta s'ya.

"Baby. I am tired, what's our food?" aakmang yayakap sa kanya nang lumayo s'ya rito.

"Kailan pa?" tanong n'ya rito. Naguguluhan naman itong tumingin sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Kailan mo pa sasabihin sa akin ang tungkol sa anak mo?" ramdam ni Taehyung na natigilan si Jungkook.

"B-baby.."

"I trusted you! Ba't hindi mo kaagad sinabi?!" sigaw n'ya rito. Lalaki ang kalooban n'ya pero nakakapanghina. Masyadong masakit ang isang 'to.

"Humanap lang ako ng tyempo kung kailan ko sasabihin sa'yo. Naguguluhan pa ako kung sasabihin ko ba sa'yo o hindi, baka masaktan lang kita." nagsusumamo ang boses neto.

"Nasaktan mo na ako! Sana inisang bagsakan mo na lang! Hindi 'yung iisa-isahin mo." tumulo ang luha n'ya."Sana sinabi mo sa akin para matulungan kita tungkol sa anak mo, sana sinabi mo sa akin para malaman ko kung saan ako lulugar sa buhay mo, s-sana sinabi mo para alam ko kung paano kita m-mamahalin ngayon."

Nakayuko na ito kaya naman ay mas lalo s'yang nasasaktan dahil nakikita n'yang nahihirapan nga itong magdesisyon.

Kapag pinapili ka sa dalawa ay sana ang gawin mo ay piliin mo ang anak mo.

"Mahal kita V. Sobrang mahal kita pero hindi ko na alam ang gagawin ko, i've been an ass for keeping you this as a secret. Naguguluhan na ako sa gagawin ko, mahal kita pati ang anak ko." inangat neto ang mukha neto na naiiyak.

Umiwas s'ya ng tingin dahil sa tuwing titingin s'ya rito ay naninikip ang dibdib n'ya.

"Alam mo ba kung ano ang mas masakit doon? Nalaman ko sa ibang tao!" sigaw n'ya rito.

"Who? Sino nagsabi?"

"Kapatid ni Selena.." hindi s'ya umimik nang yakapin s'ya neto ng mahigpit.

"P-please. I am so sorry baby, patawarin mo ako hindi ko alam anong gagawin ko.." umiyak ito sa balikat n'ya. Tumulo din ang luha n'ya.

"Hindi ko alam ganito pala kahirap ang mahalin ka." umiiling ito at niyakap pa s'ya ng mahigpit na halos hindi s'ya makahinga."Bitawan mo ako."

"Ayoko. You know how much I love you right?" hindi s'ya umimik. Tinignan s'ya neto."Ba't bihis na bihis ka? A-aalis ka ba?"

"Kailangan ko lang huminga. Kailangan kong mag-isip. Kung sana ay sinabi mo sa akin ng maaga, sana nakahanda ako sa sakit, nakahanda akong makilala ang anak mo."

Naglalakad na s'ya paalis kasama ang bag nang nakatayo lang ito sa likod n'ya. Tinignan n'ya ito.

"Patagal ng patagal, pahirap ka ng pahirap na mahalin.." yumuko ito at halos umupo na sa kinatatayuan.

"Mahal kita.."

Huling narinig n'ya bago s'ya lumabas.

Ganito pala kahirap ang mahalin ka boss. Hindi ko alam, hindi din ako handa na sana ay sinabi mo sa akin. Tatanggapin ko, sobrang tatanggapin ko kasi ang lahat sa'yo ay minahal ko. He is your son, your blood.

Hindi ko na alam kung paano ka iintindihin ngayon.

The more you love the person the more they can hurt you more than you can do.

WHAT'S WRONG WITH SECRETARY KIM? [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz