"Jeremiah"

Agad akong napatingin sa taong tumawag sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.

"Pwede maki-upo?"

"Oo naman. Wala naman akong pangalan na nakalagay dito para magpaalam ka pa sa'kin."

Agad akong umusod para makaupo siya. Malaki naman 'tong bench, kasya ang tatlo.

She chuckled "You're so adorable. That's why, Vi is interested in you." bulong niya sa huli

"Ha? Ano 'yun Selene? May sinasabi ka?" tanong ko

Ngumiti lang siya bago umiling. Napatango na lang ako bago muling binaling ang atensyon sa fountain.

"Nga pala, bakit mag-isa ka lang?" pagkaraa'y tanong ko

"Dapat ba may kasama ako?"

Napatingin ako sa kanya. Hindi na ko magtataka na magkaibigan nga sila ni lila. Parehong pilosopo.

"Ang ibig kong sabihin, bakit hindi mo kasama mga kaibigan mo?" pagtatama ko

"Hmm. Busy sila ee. 'Yung iba may kanya-kanyang lakad." kibit balikat na sagot niya

Napatango na lang ako. Si lila kaya. Nasan? Ano kayang pinagkakaabalahan niya ngayon? Ilang araw ko na siyang di nakikita. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung nasan ang kaibigan niyang pinaglihi sa sama ng loob, kaso wag na lang. Baka kung ano pa isipin nitong kasama ko.

"Si Vi, nasa mansion. Wala siyang balak umattend ngayon. And I don't know why." saad niya parang nabasa niya ang nasa isip ko

Napakunot noo ako. Hindi ko naman tinatanong kung nasan siya ah!

"Your face says it all. Haha." dagdag pa niya

Napayuko na lang ako.

Bakit hindi siya aattend? Talaga bang ayaw niya ko makita? Final na 'yun?

Pinaglaruan ko na lang ang ribbon ng box na cup cake na hawak ko. Buti pa 'tong ribbon, abot kamay ko. Pero ang lilang 'yun! Para siyang bituin, ang hirap sungkitin.

Ha? Ano daw? Tangina Jeremiah! Anong bituin? Anong sungkitin? Nababaliw kana. Juskodai!

"Para kanino 'yang cup cake?" pagkaraa'y tanong ni Selene

"Para sa lahat." nakayukong sagot ko

"Ahh. Akala ko kasi para kay Vi 'yan."

"Hindi 'no. Ako ang para sakanya." walang kagatol-gatol na sagot ko

Biglang natahimik ang paligid. Agad akong nagbaling ng tingin kay Selene na sobra sa laki ang pagkakangiti. Napakunot noo ako. May nakakatuwa ba sa sinabi ko?

Agad akong napatampal sa noo ko ng maalala ko ang katangahang sinabi ko. Tangina Jeremiah! Ano ba naman yang lumalabas sa bunganga mo?

Agad akong nag-iwas ng tingin at bumaling ulit sa fountain na nasa harap ko. Agad ding nanlaki ang magagandang kong mata ng makita ko si Lila sa harap namin na matamang nakatingin sakin.

T-teka, wala naman siguro siyang narinig diba? Nahuli siguro siya ng dating diba?

Napalunok ako. Takte! Hindi ko sinasadyan na masabi 'yun. Promise!

Craving You Where stories live. Discover now