TTU 13: IS SHE STILL HUMAN ??

Start from the beginning
                                    

Mga alas syete na ng gabi nakauwi si ayesha. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay agad siyang naligo at nagbihis. Umupo muna si ayesha habang inom2 ang tsaa na kanyang ginawa kani bago siya naligo. Maya2 pa ay naisipan niyang tawagan si sassy dahil nag alala siya sa kaibigan. Ilang minuto din ay sinagot naman ito ni sassy.

[ Hello ayeee ]

[ Sassy how's your date ? ]

Pag alalang tanong ni ayesha, napansin niyang hindi nagsalita si sassy at natahimik ito saglit. Napansin din ni ayesha na may ingay at hiyawan siyang narinig sa kabilang linya.

[ Hey sassy are you okay ? Where are you know? Bat ingay jan ? ]

[ Ahhm...me?.. I'm...I'mm..finee ayeee..haha... ]

[ Sassy!! Are you drunk !? ]

Napansin ni sassy na may galit na ang tono ni ayesha kaya wala itong nagawa at sinabi ang totoo sa kaibigan.

[ Ayee... *sob*sob*.. he cheated on me...I...i tought..he...he loves meee *sob*sob. ]

[ Where are you now?! ]

[ I'm at Jazz Bar... ]

[ Wait me, I'll be there ! ]

At ibinaba agad ni ayesha ang kaniyang telepono. Nag alala si ayesha sa kaibigan, nagbihis siya at agad niya itong pinuntahan.

****

AT JAZZ BAR

Ang bar na ito ay famous sa lugar kaya marami ang pumupunta dito. Hiyawan ang nasa loob ng bar iba't ibang kulay ng lights ang nakapalibot sa loob. Ang iba ay sumasayaw sa gitna. Dalawang palapag meron ang bar, sa ikalawang palapag ay ang VIP pero makikita parin ang mga tao na nasa baba dahil transparent lang ang pader. Mag isa lang si sassy na nakaupo sa may bakanteng table habang inom2 ang isang baso ng alcohol. Naka soot siya ng red off shoulder dress at ang haba nito ay above the knee pero kita parin ang mga mapuputing legs nito. Umiinom lang ito habang minamasdan ang mga taong sumasayaw. Sa VIP seats naman may isang grupo ng kalalakihan na nasa anim katao na kanina pay nakatingin kay sassy at minamasdan ito.

" Boss, tignan mo ang babaeng yun napaka ganda at sexy. Sigurado akong mag eenjoy ka ngayong gabi hahaha " sabi ng lalaking naka long sleeve habang turo2 si sassy.

" Hmm interesting.. " sabi naman ng kaniyang boss habang iniinom ang isang baso ng tequilla.

Na excite naman nag naka long sleeve " Boss sisiguradugin kong ito ang pinakamaligayang araw mo hekhek "

Habang nakaupo si sassy at parang nahihilo na dahil sa dami ng alak na nainom sumandal ito sa may couch. Maya2 pa ay may dumating ang grupo ng kalalakihan na kaninay nasa VIP seats lang.

" Hey! Beautiful lady, ito ang boss ko at intetesado siya sayo. Sumama ka na at sigurado akong mag eenjoy ka hekhek " sabi ng naka longsleeve.

Hindi ito pinansin ni sassy at inirapan niya lang ito. Maya2 pa nagsalita ulit ang lalaki. " Beautiful lady wag ka ng choosy alam ko namang ito ang gusto mo kaya sumama ka na sa boss ko at mag eenjoy ka talaga. Diba boss? " at tumingin ang lalaki sa kaniyang boss na umiinom parin ng tequilla at tumango lang ito ng may ngiti sa labi.

" I'm not interested! " pagtanggi ni sassy habang naka sandal parin ito.

Nainis naman ang naka longsleeve dahil alam niyang hightemper ang kaniyang boss kay mas hinikayat niya ang dalaga. " Miss wag ka ng pumalag. Itong boss ko ang may ari ng bar nato kaya walang sinuman ang pweding tatanggi sa grasya naintindihan mo ba? " at hinila niya ang dalaga patayo " halika na hekhek ".

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now