Kakauwi ko lang galing office at pauwi na'ko sa apartment na nirentahan ko. Dun sa nirentahan ko ay Hindi Naman ganun kalaki at Hindi Rin Naman ganun kaliit. Sakto Lang din Naman Yung presyo para sumakto sa sweldo ko Kaya Hindi na ako mag iinarte. Kailangan ko Lang Naman ng matutuluyan.
"Manong, bayad po." Sabi ko dun sa tricycle driver at inabot ko yung bayad. Pagkabayad ko at agad na akong bumaba ng tricycle.
Grabe ang dilim na dito sa labas buti na lang at mabait yung may ari at Hindi masyadong mahigpit pagdating sa curfew. Nagpaalam Naman ako dun sa may ari. Habang naglalakad papasok ay may nakita akong ilaw dito sa hallway na nasira ata. Patay bukas, patay bukas Kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Mag Isa pa Naman akong naglalakad dito.
Pumunta na ako sa kwarto ko. Sa harap ng pinto at meron na namang nakalagay na bulaklak. Nilapitan ko ito at dinampot. Nitong mga nakaraaang araw mula ng lumipat ako sa apartment na ito ay napapansin Kong madalas akong makatanggap NG mga bagay tulad nito. Na parang may nanliligaw sa akin.
Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto sa tabi ng kwarto ko. Lumabas dito ang isang lalaki.
Lumapit ito sakin. Di'ko alam Pero kinilabutan ako nung lumapit siya sakin kasabay ng malakas na Pag ihip ng hangin. Diko alam kung bakit.
"Nakuha mo na pala..." Titig na titig siya sakin nung sinabi niya yun. Lagi niya akong binigyan ng ganito ng patago. Pero nung isang araw nakita ko siyang naglalagay NG bulaklak sa harap ng aking pinto Kaya nakilala ko siya.
"A-ahh s-salamat n-nga pala dito." Sabay pilit na ngiti ko. Di ko alam Kung Bakit pero lagi niya akong binibigyan ng bulaklak.
Masasabi kong may itsura Naman siya Lalo na kapag nag ayos siya ng sarili niya. Kung titingnan mo kasi siya ay para siyang walang panahon para mag ayos NG sarili niya. Yung buhok niyang magulo na, na parang ilang araw na Hindi sinuklayan. Yung mga Mata niyang parang Hindi nakakatulog ng ayos sa Gabi dahil sa laki ng eyebags. Yung mga damit niyang may mga ilang bahid ng pulang likido. Dugo? Ito Rin siguro Ang dahilan ng Hindi magandang Amoy na nanggagaling sa kanya.
"Walang anuman...." Nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. Tila nanigas Ang buong katawan mo sa sinpleng haplos niya Lang sa akin. Kasabay nun ay Ang pag ihip NG hangin dito sa aking kinatatayuan. Marahil nanggagaling Ito sa bintana na nasa aming gilid na may outing kurtina na tila sumasayaw dahil sa hangin. Agad ko naman itong binawi. Gosh! Ang lamig ng kamay niya. Ngumiti siya.
"S-sige pasok n-na'ko." Sabi ko. Papasok na Sana ako pero...
"Ellen..." Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Si ate Rosie lang pala. May ari ng apartment.
"Ellen? Di po ako si ellen. Ate Rosie, ako po si Leni. Bakit po?" Sabi ko.
Sino si ellen?
"Ahh akala ko si Ellen...." Nakatitig siya dito sa bulaklak. "May manliligaw ka na noh?" Sabay ngiti into ng nakakaloko.
"Ay wala po binigay lang po ito ng isa niyong border." Sagot ko. Kumunot ang noo nito.
"Huh? Sino?"
"Binigay niya Lang po sa akin--" sabay turo ko dun sa lalaking nagbigay nito pero napatigil ako nang makitang Wala ni isang tao Ang nandun. Tila napako ako sa kinatatayuan ko.
"A-ate a-andun l-lang--"
"Binigay ni?"
"Binigay po Nung isang border niyo." Sabi ko at huminga ng malalim.
"Border? saan?"
"Dun po sa katabi ng kwartong tinutuluyan ko po." Turo ko sa tabing kwarto. Mas kumunot ang noo niya at parang nabahala. Hindi ko Rin tuloy maiwasang kabahan. Parang may Mali.
"Ah eh nagkakamali ka ata... Matagal ng walang rumerenta sa kwartong iyan, hija. Sa kwartong iyan at sa kwarto mo ay pareho ng patay Ang mga dating rumerenta diyan. Magkasintahan Ang dating rumerenta sa dalawang kwartong iyan... Matagal na silang patay... Kaya imposible yang sinasabi mo, hija..."
"At si Ellen? Yung babaeng dating rumenta diyan sa kwarto mo... Nagpakamatay... at Alam mo bang... Magkamukha kayo? Kaya siguro nagpaparamdam sa iyo Yung nobyo niya..."
Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko at nabitawan ko ang hawak na bulaklak.
THE END.
YOU ARE READING
My Secret Admirer? (One Shot)
Horrorhi guys! here's another one shot story. but this time it's different from my other stories. this is my first horror/mystery story. so, hope you like it. 😊 enjoy reading!
