Part 10

6K 213 31
                                    

PINANONOOD LANG ni Nissa si Hans sa tahimik nitong pag-atake sa kanilang pagkain. Mula nang tuksuhin ito ng mga tao sa restaurant na iyon ay hindi na bumalik pa sa pagiging jolly ang personality nito. Ganon na ba kasama ang ma-link sa kanya? Maganda naman siya, ah. Hindi nga ba't ito mismo ang nagsabi niyon ng dalawang beses? Tapos ngayon, aakto itong masama ang loob dahil silang dalawa ang tinutukso. Nakakasama ng loob.

Sinipa niya ito sa ilalim ng kanilang mesa. Nang mapasinghap ito at bumaling sa kanya ay siya naman ang umaktong tila walang nangyari. Ganon na lang ang gulat niya nang maramdaman ang sakit sa dulo ng kanyang paa. Napalingon siya rito. Nakangisi lang ito. Tinapakan siya ng walanghiya!

"Bakit mo ako tinapakan?"

"Bakit mo ako sinipa?"

Halos sabay nilang tanong.

"Dahil nakakasama ka ng loob."

"Dahil nakakainis ka."

Halos sabay din nilang sagot.

"Mukha kang tanga."

"Para kang sira."

Sabay pa rin nilang wika.

"Panget!"

"Panget ka rin."

Eksaherado siyang napasinghap. "Sinungaling! Sabi mo maganda ako, ah."

Saglit itong natigilan at tila nag-isip. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya at pinagmasdan siya ng maigi. The irritation on his handsome face slowly fades away. And a sexy smile was now forming on his lips.

"Oo nga," wika nito mayamaya. "You're not ugly."

She could feel the heat on her cheeks. Hindi na rin tuloy niya matingnan ito ng diretso lalo na ngayong nakialam na rin ang pagtambol na iyon sa kanyang puso. muli niya itong sinipa sa ilalim ng mesa nila. Ngunit imbes na gumanti ay inipit lang nito ang paa niya sa pagitan ng mga binti nito. When she turned to face him again, his sexy smile couldn't be any better. And the twinkle in his eyes didn't help her calmed her chaotic system.

"Ano ba?" mahina niyang tanong dito. "Pakawalan mo nga ako."

"Sagutin mo muna ako. Bakit nasabi mong nakakasama ako ng loob? Anong ginawa ko sa iyo para sumama ang loob mo?"

"Wala."

"Come on, Nissa Jean. Alam kong may dahilan iyon. Tell me."

"Wala nga." Sinubukan uli niyang pakawalan ang kanyang paa pero walang nangyari. Mas lalo lang nitong inipit iyon. "Aray...!"

Nang marinig nito ang daing niya ay agad nitong pinakawalan ang kanyang paa at inangat ang puting tablecloth upang tingnan marahil ang kanyang paa.

"Hoy, ano iyan?" tanong ng lalaki sa katabi nilang table. "Hans, buddy, huwag namang ganyan. Konting respeto sa bisita mo."

"I'm not doing anything perverted, Hayden." Tumayo na si Hans at nag-squat sa tabi niya saka maingat na hinawakan ang kanyang paa. "Does it hurt?"

"What are you doing?"

"Does it hurt?" ulit nito.

"Hindi na..." Tila naglaho na namang parang bula ang ngitngit niya rito nang maramdaman ang masuyong paghaplos nito sa kanyang binti.

Aw, damn it! Lumayo ka na sa akin, Hans. Kung ayaw mong magsisi sa huli kapag...kapag...

"If she's hurt, Hans, bring her to the Clinic."

"No, I'm fine." Binawi na niya rito ang kanyang binti. "I'm fine, Hans."

"Are you sure?"

"Oo."

Stallion #39:  HANS CERVANTES (Completed)Where stories live. Discover now