Ngunit nanatiling naka-squat sa tabi niya ang binata. Sa itsura tuloy nito ay mukha itong nakaluhod na sa harap niya. Napansin na rin niyang lihim ng napapangiti sa direksyon nila ang ibang customers ng restaurant na iyon.

"Hans, bumalik ka na sa kinauupuan mo."

"I'm sorry," bulong lang nito saka walang imik ng bumalik na nga sa silya nito. "Nasaktan na naman kita. Wala na talaga akong ginawa sa iyo kundi saktan ka."

"Hindi naman—"

Napabuntunghininga na lang ito saka marahang umiling. "Hindi na ito mauulit. Ito na ang huling pagkakataon na masasaktan kita, Nissa."

"Ha?" Bakit parang may ibang ipinahihiwatig ang mga sinasabi nito?

Hindi ito nakatingin ng diretso sa kanya kaya hindi niya mabasa kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi nito. Kung sana ay nakikita niya ang mga mata nito, mas maiintindihan niya ang lahat. Kaya iniangat niya ang baba nito sa pamamagitan ng kanyang mga daliri upang makita ang mga mata nito. And she almost sucked in her breath when she finally saw his sultry brown eyes. And what it was saying. Pero hindi rin siya sigurado dahil agad din iyong naglaho. Pero...

"Tatawagan ko si Roz mamaya," wika nito. Bumalik na ang sigla sa boses nito. "Sasabihin kong may pag-uusapan kaming importante para makabalik na siya rito agad sa Stallion Riding Club. Meanwhile, kumain ka na at nang makapagpahinga ka na rin. Mslayo rin ang binayahe natin."

"O-okay." That expression on his eyes a moment ago...Ah, baka nga naman namalik mata lang siya. "Saan nga pala ako tutuloy?"

"Saan pa nga ba? E di sa bahay ko."

"Bahay mo?"

"Siyempre. Ganyan talaga ang mayayaman. May pabahay-bahay na lang sa Stallion Riding Club." The other men in that restaurant agreed with him. "See?"

"Sa iyo ako titira?"

"Oo. Unless kaya mong bayaran ang rate ng Stallion Guesthouse."

"Ah..."

"Pero siyempre hindi pa rin ako papayag na doon ka tumira. Ako ang nagdala sa iyo rito kaya ako ang bahala sa iyo. Okay?" He winked at her.

He actually winked at her! Lumagabog na naman ang kaba sa kanyang dibdib. Darn! Wala na yata talaga siyang kawala sa karisma nito. Dalawang babae ang pumasok ng restaurant na iyon at naupo sa bakanteng table na malapit sa kanila.

"Hi, Hans!" bati ng isa sa mga babae. "Sa wakas nasilayan ko rin ang kaguwapuhan mo."

Nilingon naman ito ng binata. "Hello, Mina. Long time, no see, ah."

"I'm always here. Ikaw lang ang laging missing in action."

"Then let me make it up to you."

Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Pagkatapos siyang kindatan ng herodes na ito, ngayon ay nakikipag-flirt naman ito sa ibang babae. At sa harap pa mismo niya!

Binalingan siya ng babae. "Ay, hindi ka na yata puwede, Hans."

"Ha?" Bahagya pa siyang nilingon nito bago muling hinarap si Mina. "Nissa's not my giflriend. We're, ah...ano nga ba ang itatawag ko sa relasyon namin...acquaintance. Yeah, acquaintance. Sinamahan ko lang siya rito para sa isang misyon niya."

Napayuko na lang siya. Batid niyang tama agn mga sinasabi nito pero bakit hindi niya maiwasang masaktan? Acquaintance. Isang kakilala. Iyon ang totoo. Kaya lang...hindi talaga niya mapigilan ang makaramdam ng munting kirot na iyon sa kanyang puso.

Nakita niyang dumaan sa gilid ni Hans si Jhunnica na may dalang stainless pitcher. Nabuhos iyon sa binata nang tila natisod ito ng kung ano.

"Ops, sorry, Hans. Teka, ikukuha kita ng tissue." Bago tuluyang umalis ay bumaling sa kanya ang restaurant manager at palihim ding kumindat sa kanya.

Kung ganon ay sinadya nito ang nangyari. Tiningnan niya si Hans. Panay pa rin ang punas nito ng nabasang polo sa tulong ni Mina. Tumingin siya sa paligid. Lahat ng babaeng nakikita niya ay palihim siyang binibigyan ng senyales na hindi naman niya maintindihan. Hanggang sa mapadako ang tingin niya sa babaeng may laptop. Iniharap nito sa kanya ang computer nito. And there, in big, bold letters, it said 'GET YOUR MAN'.

Ewan niya kung anong espiritu ang pumasok sa utak niya at bigla na lang siyang tumayo, nilapitan si Hans, iniharang ang katawan sa pagitan nito at ni Mina, saka niya inasikaso ang pagpupunas sa nabasang polo ng binata. Habang ang lalaki ay nagtataka lang siyang pinagmamasdan.

"Wala ng pag-asa iyan," tukoy niya sa polo nito. "Kailangan mo ng magpalit ng damit. Halika na." Hinawakan niya ito sa braso at pinatayo ito saka hinila palabas ng restaurant. "Napapagod na rin ako at gusto kong magpahinga. Ay, teka nga pala. Wala pang bayad—"

"Its already paid for!" boses iyon ni Jhunnica. "Go and enjoy yourselves!"

"Jhun, you're doing it again, aren't you?"

"Eneru, hon, pagbigyan mo na ako. I think now I know why those twins enjoyed messing up someone else's lovelives."

Hindi na niya inintindi pa ang sinabi ni Jhunnica at ng lalaking obvious na esposo nito. Nagmamadali na kasi niyang inilayo roon si Hans. Kapag humabol sa kanila ang Mina na iyon, makakatikim talaga iyon sa kanya ng mag-asawang sampal at flying kicks. Kahit hindi niya alam kung paano iyon.

Nang maramdaman niyang huminto na sa paglalakad si Hans. When she turned to him, she saw that twinkle in his eyes once again. And that sexy smile on his lips. Kung hindi siya nagkakamali, nang-aakit na naman ito. At ang sira ulo niyang puso, nagpaakit naman.

Tumikhim siya. "Sorry."

"For what?"

"Hindi kita dapat inagaw sa girlfriend mo."

"Girlfriend? Hindi ko girlfriend si Mina."

Somehow, it made her feel...satisfied. And happy. Oh, crap! She was jealous of that woman! Umalis na siya sa harap nito bago pa kung ano ang mabasa nito sa kanyang mukha. Pero hindi siya nito agad hinayaang makalayo. Ginapang na naman ng kakaibang kaba na iyon ang dibdib niya nang hawakan siya nito sa braso. She was ready to fight off if he ever asked her a question, when he suddenly touched her loosened hair.

"You're going the wrong way, Miss Nissa Jean," wika nito sa pinakamalambing na boses. "Hindi diyan ang papunta sa bahay ko."

Then he casually put his arm around her shoulder and walked with her. Wala ng nagsalita pa sa kanila habang naglalakad. On her part, she was just too glad he didn't ask anything about her behavior. Dahil hindi rin siya sigurado kung ano ang isasagot dito kung sakali.

Pero...maganda ang pakiramdam niya ngayong nasa mga bisig siya ni Hans.

Stallion #39:  HANS CERVANTES (Completed)Where stories live. Discover now