Part 3

6.5K 243 19
                                    

"I'M...I'M SORRY, Mr. Villazanta! I'm really, really sorry about this—"

"Forget it." Hans waved his hand dismissively at Nissa. "May katwiran kang mawalan ng pasensiya dahil importante sa iyo ang trabaho kaya naiintindihan kita."

"Ha..." Nakakahiya talaga ang inasal niya. Dapat talaga, hindi sa panlabas na kaanyuan lang tumitingin ang mga tao sa mga nakikilala nila. Just look what happened to her. "E...pasensiya na talaga, Sir."

"Okay. Kung gusto mo talagang patawarin kita..." He crossed his arms over his broad chest, his smile didn't leave his eyes and lips. "Sabihin mo sa akin kung ano ang pangalan mo."

Doon lang niya naalalang hindi pa nga pala siya nakakapagpakilala rito ng pormal. Ano ba naman kasi itong nangyayari sa kanya? Kailangan niyang maibalik ang kanyang composure kung gusto niyang maging successful ang trabaho niya para sa araw na iyon.

"I'm Nissa Jean Llamas, Mr. Villazanta. Nice to meet you." Iniabot niya rito ang kanyang kamay. "And I'm really sorry..."

Ewan niya kung ano ang meron sa handshake nilang iyon at napatingin na lang siya sa magkasugpong nilang mga kamay.

"Nissa Jean."

Napaangat ang tingin niya sa mukha nito. At tila ngayon lang niya mas nabigyan ng pansin kung gaano kaguwapo ang lalaking ito. He had intense smiling brown eyes, eyes that seemed to seduce the hell out of her. And those lips...darn! She just couldn't get her off those kissable red lips!

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Ah! Idiretso mo nga ang takbo ng utak mo, Nissa Jean! Nagtatrabaho ko, bruha!

"Nice name," patuloy nito. "Bagay sa iyo."

Nagkandaligaw-ligaw na ang takbo ng utak niya. Anak ng kidlat!

"How are you, Nissa?"

"Ha?"

"How old are you?"

"B-bakit?"

Nagkibit lang ito ng balikat. "I want to know. Masama bang malaman?"

"Hindi naman."

"Good. So, ilang taon ka na?"

"Twenty seven."

"Tatlong taon lang pala ang tanda ko sa iyo. Do you think its fate?"

"Fate? Dahil lang sa tatlong taon ang tanda mo sa akin?"

"Oo."

"Twenty seven lang din ang pinsan kong lalaki. Magkapalad din kaya kayo?"

Naningkit ang mga mata nito sa pagpipigil na matawa. And that suppressed smile just added to his oozing sex appeal.

"Your hair," wika nito saka bahagyang iminuwestra ang nakapusod na niyang buhok. "You should just let it loose and framed your pretty little face. It looks good on you."

Damang-dama na niya ngayon ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Binobola na siya ng lalaking ito, ah! At siya namang luka-luka, tila ba nagugustuhan pa ang mga naririnig dito. Kailangan na niyang ilayo ang usapan tungkol sa kanya bago pa siya—

"Hindi ka ba sanay na pinupuri, Miss Nissa Jean?"

"H-ha?"

"You're blushing heavily." Now his smile became dangerously sexy. "Alam mo bang weakness ko ang mga babaeng nagba-blush sa harap ko? Pakiramdam ko, I did something good in this world. A blushing woman was very rare nowadays."

"Mr. Villazanta." Nanatili lang itong nakamasid sa kanya. And it took all her might just to straigthened out her feelings. But it was no good. "Can I just take a few minutes?"

Stallion #39:  HANS CERVANTES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon