Part 2

7.1K 255 20
                                    

"AY, KABAYO!" tili ni Nissa nang sumabit ang takong ng kanyang sapatos paghakbang niya papasok ng gate na iyon. "Ano ba iyan, manong? Alisin nyo na nga lang itong gate ninyo. Masyadong istorbo sa mga takong ng may takong."

Tumawa lang ang security guard na nakakita sa kanya. "Sige, Ma'm, ipapaalam ko iyan kay Mr. Icen."

Nang marinig ang pangalan ng kanyang bagong kliyente ay bumalik na ang lamig ng kanyang ulo. She smiled at the guard as she straightened out her short skirt. Kasama raw ang pananamit ng ganon sa strategy para makabenta, ayon sa nag-orient sa kanya nang magtrabaho siya sa Fordham Kemika.

"Nandiyan ho ba si Mr. Villazanta? May appointment kasi ako sa kanya ngayon."

"Pumasok na lang kayo sa reception area, Ma'm. At pakitanong sa sekretarya niya."

"Okay, salamat ho."

"Ingat kayo, Ma'm. Baka magasgasan ang legs ninyo. Sayang ho, eh. Maganda pa naman."

Sinipat niya ang kanyang mga hita saka nakangiting binalingan uli ang security guard. "Salamat ho sa paalala."

Madalas na siyang makatanggap ng papuri tungkol sa kanyang mga legs. Nasanay na siya kaya balewala na lang sa kanya ang sinabi ng security guard. Although may mga pagkakataong hindi siya nagpapalagpas ng mga comment na alam niyang hindi maganda ang ipinahihiwatig. Pagdating sa reception area ay agad siyang nagtanong kung nasaan ang women's room. Kailangan niyang mag-retouch. Wala pa kasi siyang sasakyan kaya nagko-commute lang siya at nakakahiya namang humarap siya sa kanyang kliyente na mukhang haggard.

Napansin niya ang isang lalaking abalang tila iniinspeksyon ang mga naka-display na halaman sa labas ng women's room. Cleaning personnel marahil ito dahil simpleng puting t-shirt at cargo pants lang ang suot nito. At wala naman talaga siyang balak na paninsin ito kung hindi lang masyadong demanding ang presensiya nito. Ilang beses ka nga ba naman makakakita ng isang cleaning personnel na kasing tangkad nito, at napakakisig pa ng tindig. Kahit nakatalikod ito sa kanya, parang hindi pa rin maikakaila ang kakaiba nitong dating.

Hmp! Baka taliko-genic lang ang isang ito. Guwapo lang pag nakatalikod pero kapag humarap na e mukha na siyang bangungot...

Nawala na siya sa kanyang iniiisip nang unti-unti itong bumaling sa kanya. Holy crap! The guy looked breathtakingly handsome! Hindi ito kasing ganda ni Cloud Montañez. But then again, wala dapat maging comparison ang dalawa. Magkaiba ang category ng gandang lalaki nila pero pareho ng level. Ewan, magulo! Basta, iyon na iyon.

Napakaguwapo namang tagalinis nito. Magkano kaya ang suweldo niya rito at nang siya na lang ang kukunin kong tagalinis ng bahay ko.

Pinagtawanan lang niya ang naiisip. Naloloka na naman siya. Ganito yata talaga ang epekto kapag nababad sa napakainit na sikat ng araw. Natutuyot ang utak.

"Good afternoon," bati nito. Mas nauna pang ngumiti ang mga mata nito bago ang mga labi nito.

And those lips...ganon ba talaga iyon kapula o naka-lipstick lang ito? At bakit ba masyado siyang curious sa isang ito? E wala naman itong binatbat kay Rozen Aldeguer niya. Okay, she admit that this guy has the bod and the face. But he doesn't have any brain. Dahil kung ginagamit nito ang utak nito, with his features, dapat ay pinagkakitaan na nito ang mga assets nitong iyon. Pero wala. Heto lang ito at isang hamak na tagalinis ng CR. Hindi sa minamaliit niya ang trabaho ng mga cleaning personnel. Naiinis lang siya sa mga taong nakukuntento na lang sa kung ano ang meron sila. Mas gusto niya ang mga taong may pangarap sa buhay.

Katulad ni Rozen.

Hawak ang spray bottle, tuluyan na itong humarap sa kanya. He was really tall. "Miss...mahangin ba sa labas?"

Stallion #39:  HANS CERVANTES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon