Is she the one?

44 1 3
                                    

Mabigat ang bawat hakbang ko papuntang gym namin.
Maliban sa mga paa ko ay pati rin ang kalooban ko ay mabigat.

Nakakainis!

Kunot ang noo at malalim ang paghinga ko samantalang ang karamihan ay normal at magaan lang ang ekpresyon ng mukha. Ang iba pa nga ay excited at tuwang tuwa.

Bakit nga ba naiiba ako? Bakit nga ba ako ganito?

Alam mo 'yung free time na..... sana?

Free time ko na sana ngayon at may plano na ako sa oras na ito. Igugugol ko sana ito sa paggawa ng mga final requirements ko... final requirements dahil graduating na ako sa college. Ilang weeks na lang ay kailangan na 'yung makumpleto.

Pero imbis na 'yun ang gawin ko, eto ako't naglalakad papuntang gym.

May magpeperform kasi. Pinabili kami last time ng ticket para sa isang concert na gaganapin ngayon. Hindi ko alam sino at saan galing ang magpeperform kasi hindi naman ako interesado dahil busy ako sa mga final requirements ko. Basta bumili na lang ako dahil required daw.

Naiinis lang ako kasi 'di ba nga graduating ako? Dapat excuse na kaming mga graduating sa mga ganyan! 'Bat kailangan pa rin kaming e-required na manood pa? Wala naman kaming makukuha sa performance o concert na 'yan!
Siguro ang school meron pero kaming mga graduating, lalo na sa 'kin, WALA!
O kung meron man, 'yun ay ang aksaya lang sa panahon.

Nakabenta na nga sila, 'bat kailangan pa kaming manood. 'Yun naman ang importante 'dun diba, ang makabenta sila? Siguro naman bawing bawi na sila sa mga expenses nila. 'Di pa ba sila makakabawi, eh lahat ng estudyante pinabili ng ticket? For sure sobra sobra pa. At hindi naman siguro magiging halata sa gym kung wala kaming mga graduating students? Iilan lang naman kami.

Pero lahat ng reklamo ko ay kinakain ko na lang habang naglalakad patungong gym. Wala na akong magagawa. Mabuti sana kung plus points 'to, eh hindi pa naman.

Pagpasok ko sa gym ay marami na ring mga estudyante.
Hinanap ko agad 'yung department secretary namin at nag pa-attendance.
Pagkatapos magpaattendance ay naupo na ako sa bleacher malapit sa entrance ng gate para madali lang paglabas mamaya pagkatapos ng event na ito.

Inis na nga ako dahil pinarequired pa kaming pumunta sa gym, pero mas nainis pa ako dahil 'di pa rin nagsisimula yung event, eh dapat sana nagstart na. Halos isang oras na kaming mga estudyanteng naghihintay sa magpeperform pero wala pa rin sila.

Alam kong alam mo na mas matagal ang oras kapag may hinihintay o inaabangan ka. Kaya kahit three, two o one minute lang, matagal pa rin 'yun kapag naghihintay ka.

Exactly isang oras ng oaghihintay ay may pumasok na mga teenager na hindi pamilyar sa akin ang mga mukha. Siguro sila na yung mga performers dahil lahat ng estudyante nakatingin sa entrance ng gym, sa kanila.

Wow! May grand entrance pa talaga sila ha?

Hoy late na kayo! Kung alam nyo lang! Marami pa akong gagawin.

Hindi ko alam kung nasabi ko ba talaga 'yun o sa isip ko lang dahil biglang tumingin sa akin 'yung isang member nila na babae.

Nakipagtitigan lang ako sa kanya. Pero nauna syang bumawi ng tingin dahil nga papunta sila sa unahan. Wala ata syang balak magka stiff neck para lang makipagtitigan sa akin habang papunta syang stage.

Ang sarap nyong ihawin! Magmadali nga kayo!

Kinuha 'nung lead vocalist ang mic at binati ang mga estudyante.

Hay! Salamat at na check na nila ang mga mic at instruments nila. Akala ko kasi magsa sound check pa sila.
Naku lang, 'pag ginawa nila 'yun, ewan ko na lang kung anong magagawa ko.

Is she the one?Where stories live. Discover now