Chapter 28 (Goodbye)

Börja om från början
                                    

"Di ko malaman kung naka inom ba kayo ohh ano kasi ang lalakas ng tama niyo"

"Tara na kasi baka maiwan pa tayo"

"2years lang yan Ge magpapahinga ka lang at para maka move on ka na rin" saad ni Yeng

"Oo nga" sang ayon ni Rina

"Tara na nga dami niyong drama" saad ko at nagpatiuna pumasok ng airport

Sakto namang pagpasok namin ay ang pag anounce ng flight namin.

"Ohh tama lang yan na y..."
Di ko na natapos ang sasabihin ko ng agad na may yumakap sa likod ko.

(Ayy sino iyan)

Ang bango niya fairness.

Natulala ako as in walang galaw kahit ang pag hinga ki parang nahinto dahil sa lalaking nakayakap sa likod ko.

Nakita ko naman si Yenggay na naka ngisi.

"Gel nahinto ka?" Tanong ni Rina

Agad na bumitaw ang nakayakap sa akin at kinausap ako.

"Oo nga Gel bakit ba?"

Ibang Erik pala iyon. Akala ko si...

"T-tito" saad ko

Para bang nanghinayang ako.

"Success" sigaw ni Rina at Yeng tapos nag apir pa.

"Tito ikaw pala" masiglang saad ko

"Oo, ngayon din kasi ang flight namin ng tita mo Angeline papuntang Australia for vacation" saad ni Tito

"Ahh ganun po ba? Eh asan po si Tita? Tanong ko

"Yun ohh papunta narin dito" saad ni tito

"Ahh si tito sorry din po pala kasi di ko na tinanggap yung about sa pag pasok ko sa showbiz" paumanhin ko

"Its fine Gel basta if you change your mind just tell me or your tita"

"Sige po" saad ko

Di na din kasi ako pumasok pa sa showbiz kasi alam ko mas maraming issue doon ehh at ok narin ako sa mga kaibigan ko na mai-issue din.

"Tara baka maiwan pa tayo" saad ni tita Angeline at nakahawak sa bewang ko

Nalungkot nalang ako bigla. Dito kami huling nag kita ni mom sa Airport na ito.

"Ok ka lang bhe?" Tanong ni Tita

"Naku po miss niya lang po si Erik niya" saad ni Yeng

See? Kota na ako sa mga issue ni Yeng.

"Yang bunganga mo ma sstaple ko na talga yan" saad ko

"Bakit totoo naman ehh" saad ni Rina

"Pagtulungan niyo pa ako" saad ko

"Totoo ba?" Tanong ni Tita

"Slight lang naman po"

"Umamin din" bulong ni Yeng

Nakasakay na kami ng eroplano at inayos muna namin ang mga gamit namin.
Pinagigitnaan ako ni Yenggay at Tita.

Di paman nakakalipad ang eroplano ay kinuha ko ang aking cellphone at tinext si Erik.

"Goodbye." Text ko at ng masend na ay pinatay ko na ang aking cellphone.

Yes it's a Goodbye. Magkikita parin naman tayo eh. Di man ngayon pero balang araw.

"Naku baka pati sa panaginip siya parin ahh" parinig ni Yeng

"Naku Yeng sinabi mo pa" saad ni Rina

Paano ba ang wag kang Mahalin?? Där berättelser lever. Upptäck nu