MRML 40 : CHASING CULPRITS

Magsimula sa umpisa
                                    

" Baby, I missed you so much." Sambit ko sabay halik sa tuktok ng ulo niya

" WAAAAAH BABEEE!" nanlaki ang mata ko ng biglang halikan ni Coleen yung labi ko, no choice Gabb, you have to respond. Andito pa naman si Ella, haaay nako. I broke the kiss and hugged her. 

" Grabe, 2 weeks lang kami dun, but it feels like years, nakakabwisit lagi sa araw ko." Sambit ko

" Awwee.. chill babe, nandito ka na naman so wag na ikaw beast mode." Sambit niya 

" Sana ikaw nalang kasama ko dun, ang hirap kaya magpanggap at makipagplastikan sa babaeng yun." Sambit ko, it hurts me saying these things but I have to. 

" Haaay nako, sana nga ako nalang eee.." Sambit niya sabay yakap sa akin

" Tara sa room babe, I know you're tired sa biyahe niyo, you need to rest." Sambit niya sabay tayo at hila sa akin.

Ella's P.O.V

Kalma lang Ella, wag padadala sa emotions okay, mahal na mahal ka ni Gabb. 

" Ba?" Pagtawag sa akin ni Gia

" Yes Ba?." Sambit ko

" Kumusta naman dun? hindi ka ba inaway ni Skribikin?." Sambit niya

" Haaay alam mo yung feeling na gustong gusto mo na umuwi? kasi iritang irita na ako sa pagmumukha at presence niya? kaso no choice ako." Sambit ko, ang sakit nito legit. 

" Oh, okay lang yan ba. wag ka na mainis, nandito na ako oh." Sambit niya sabay side hug sa akin, layo please ayoko sayo!

Dana's P.O.V

Magkasama kami ngayon nina Gabb at Ecka sa lumang light house malapit sa Scholastica.

" So kayo na pala ulit?." Sambit ni Ecka

" Oo may tiwala ako sa inyong dalawa kaya please kahit sa mga jowa niyo wag nyong sasabihin." Sambit ni Gabb

" Makakaasa ka Skribikin. pero masaya ako kasi pinaglaban mo talaga si Ella." Sambit ko

" Oo nga Gabo, Nanghinayang kami ng sobra nung maghiwalay kayo. pero ngayon happy na." Sambit ni Ecka

" Thanks Guys, Wala eh, sobrang mahal na mahal ko talaga siya." Sambit ni Gabb halata naman Skribikin, kita ko sa ningning ng mga mata mo. 

"Basta ha? Nandito lang kami para sa inyo." Sambit ko

" Alam ko yun guys, kaya sobrang maraming salamat." Sambit ni Gabb

" So yeah back to our mission, di pa kami makachance na pasukin ang kwarto nina Gia at Brei eh." Sambit ko

" Oo nga, Gabo, di kami makatiming eh." Sambit ni Ecka

" Sige lang guys, sa ngayon tuloy tuloy lang natin pagbabantay sa apat na hudas," Sambit ni Gabb

Nasabi na ni Gabb sa amin ang lahat, pati yung pagpapanggap nila ni Ella na magkagalit sila. humihingi na rin siya ng Sorry sa mga posible niyang magawa kay Ella para magmukhang kapani-paniwala ang pagpapanggap nila. Grabe tong giyera na ito pero sige lang, lalaban kami, at alam kong balang araw, magiging maayos rin lahat. 

Gen. P.O.V 

Pumasok si Gabb sa Office of the president of Scholastica kung saan dun din naka assign mag render ng work time si Ella. Nagkatitigan ang dalawa nang magtama ang mga mata nila. Bakas sa mga titig nila ang pananabik sa isa't isa ngunit wala silang magagawa kasi baka mahuli pa sila sa pagpapanggap nila.

" A-ano pong atin?." Sambit ni Ella

" I need to speak to the president." Sambit ni Gabb

" Ahh, She left already 30 mins. ago." Sambit ni Ella habang naghahanda na ring umalis since tapos na ang rendered time niya. 

" Okay Please tell her that I came to see her." Sambit ni Gabb bago lumabas. 

Napabuntong hininga naman si Ella, nanabik siyang yakapin si Gabb pero hindi pwede. kahit sila lang dalawa sa loob ng Office ay consistent pa rin ang acting. Kaya sobrang labag sa puso ng dalawa ang ginagawa nila. 

Naglalakad si Gabb galing sa Cafe nang makita niya sa Field sina Ella at Gia, since wala naman siyang kasama ay naisipan niyang obserbahan ang dalawa. 

Gabb's  P.O.V

Nandito ako ngayon sa likod ng wall, sinisilip ko sina Ella at Gia na masayang nagkukuwentuhan, Sa totoo lang, mahal ko si Ella, pero binabantayan ko rin kilos niya, I hate myself for still doubting her but wala na akong magawa eh, kaya I need to do this para ma prove sa sarili ko na wala talagang kasalanan ang mahal ko. 

" Ba? Mahal mo pa si Gabb?." Sambit ni Gia kay Ella 

" Bakit mo naman tinatanong yan?. pwede ba wag nating pag-usapan yung taong yun?." Sambit ni Ella na tila umiiwas sa tanong

" Gusto ko sana malaman ba, kasi dun ako huhugot ng pag-asa na maging tayo." Sambit ni Gia, aba'y gago ka Gia, Baka di ako makapagpigil sa sinasabi mo. 

" Hindi ko na mahal si Gabb, at Gia, sa ngayon gusto ko munang magkaibigan lang tayo, let's get to know  each other first ba." Sambit ni Ella, Aray! bakit ako nasaktan sa sinabi niya eh alam ko namang di totoo yun. 

" Si-sige Ba, pero sana paghanda ka na, wag ka na papaligaw sa iba, ako nalang Ba." Sambit ni Gia, sa inis ko, pinulot ko yung bato na nakita ko at tinapon ko sa kanya, pero nabigla ako kasi si Ella ang natamaan, Gago ka Gabo! Bakit kasi nagpadala ka eh, nasugatan mo tuloy ang mahal mo. 

" Ba? Dalhin kita sa clinic." Sambit ni Gia sabay alalay kay Ella papunta sa Clinic, bwisit talaga. 

" Gabo? Anong ginagawa mo diyan?." Patay na nakita ako ni Belle, kaya nakita na rin ako nina Ella at Gia

" Gabb?, ikaw? ikaw ang nambato sa amin ni Ella?." Sambit ni Gia, magdedeny pa ba ako? e huling huli na ako

" Buti nga siya talaga natamaan at hindi ikaw eh." Sambit ko, kahit ikaw naman talaga puntirya ko

" HAYOP KA HA? KITA MO TONG GINAWA MO?." Sambit ni Gia

" ANO BANG KASALANAN KO SAYO GABB, AT HALOS GUSTO MO NA AKONG PATAYIN." Sambit ni Ella na hawak hawak yung sugat niya, Akin sorry, para kay Gia talaga yun. 

" You! Your Presence sucks the hell out of me. sa Japan palang gusto na kita e dispatcha eh." Sambit ko, Patawad po mahal ko

" WALANG HIYA KA GABRIELLE! AKALA MO KUNG SINO KA!." Sambit ni Gia na galit na galit sa akin, sige subukan mo, papatulan talaga kita. 

" Guys, will you please stop it? ano ba?." Sambit ni Belle na natataranta na

" ALAM MO GABB, LUMABAN KA NG PATAS, HINDI YUNG NAMBUBULLY AT NANANAKIT KA, THREATENED KA BA KASI MATATALO KITA?." Sambit ni Ella na nakatingin sa akin na galit na galit, legit yata yung galit niya, naku po. 

" WHAT IS GOING ON HERE?." Sambit ni Ate Sela

" Gabb, Ella, Gia to my Office NOW!." Sambit ni Ate Sela. 


Heto na talaga nagsisimula na kami, pero mukhang legit yung galit po ng mahal ko, lagot ka Gabo! Kailangan mong makahanap ng way na masuyo mo girlfriend mo.


"My Rival; My Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon